KABANATA 10 - Not for you (Yuan)

12 0 0
                                        

 “Oh Yuan! Buti nakarating ka.” nagpalinga-linga ito sa paligid. “Hindi mo ba kasama si Sykes?” tanong ni Phia kapagkuwan nang hindi mahagilap ang mukha ni Sykes.

            “Ah pasensiya ka na.Bigla kasing sumama ang pakiramdam ni Sykes kanina kaya hindi siya nakasama.” inabot ko sa kanya ang pinakaiingatan kong bag. “Happy birthday, Phia!” Alam ng lahat ng mga kakilala ko kung gaano kahalaga ang bag na iyon dahil iyon ang isa sa mga huling habilin ng mommy ko sa akin.

            Hindi man lang nito pinasadahan ng tingin ang bag. “Ano nangyari sa kanya? May lagnat ba siya?” halatang nag-aala ito. Biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Sykes pero inalis ko agad ang isiping ‘yon.

Hindi ganyang babae si Sophia.

            “Napagod lang daw naman siya, Phia. Huwag kang mag-alala.” sagot ko sa isang malumanay na boses. “May sasabihin sana ako sa’yo.” tiningnan ko siya ng deretso sa mga mata. It’s now or never.

            “Will you be my girlfriend?” deretsang sabi ko. Natakot kasi ako na baka mawala pa ang lakas ng loob ko. Samut-saring emosyon ang nababasa ko sa mga mata niya. Parang magkahalong lungkot at awa.

            “I-I’m sorry Yuan but…” hindi ito makatingin ng deretso sa mga mata ko. “I just used you get close to Sykes.

            “Honestly, Lawrence, what’s wrong?” tanong ni Sykes sa tunong nag-aalala. Nilingon ko lang siya ng ilang segundo bago itinuon ulit ang atensyon ko sa telebisyon. “Lagpas dalawang buwan ka ng balisa ah? Hindi ka na pumasok pagkatapos ng JS prom at parati mo nalang pinapaharurot ang motorsiklo mo sa arena mo. Kung wala ka naman roon ay nakikipagbasag-ulo ka  naman sa ilang mga private bar.” kunot-noong pagpapatuloy nito.

            Lampas dalawang buwan na ang lumipas mula nang maganap ang pagtatapat ni Sykes kay Ana. At naging ganito na rin parati ang set-up namin ni Sykes ever since. I know I’m being unfair with him but kailangan pa ba talaga niyang ipakita sa’kin ang tagpong iyon?

Will please ignore Renzo and be Sykes’s girlfriend instead?

ang huling katagang narinig ko mula sa bibig ni Sykes bago ko nilisan ang lugar kung saan niya ako pinapunta. Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi na ako nag-abala pang pumasok ng paaralan. Iba kasi kami rito sa MOA. Ang JS Prom ang isa sa mga huling okasyon bago opisyal na magtapos ang isang school year.

            “Lawrence, ba’t ba palagi mo akong iniiwasan these past two months?” nagtatakang tanong nito. “Simula na ng senior year natin bukas pero hindi mo pa rin ako kinakausap ni minsan.” Nang hindi ako tumugon ay nagpatuloy ito. “Is this about Ana?”

            Kumunot ang noo ko. “Leave me alone, Thatcher.”

            “I’ll take that as a progress, Lawrence. You never said a word to me the entire vacation and attended the cosplay event alone in Japan.” wari ay nadidismayang paalala nito pagkatapos ay mahinang sinuntok ang braso ko.

We like going to Japan with just the two of us when we become teenagers and we even dared joining to cosplay events in there at times since we were seven. Iyon ang favorite bonding namin Sykes.

“Don’t act defeated, Thatcher. You were also there, I saw you.” kunwari ay seryosong pakli ko. Umakto ito na animo’y isang batang nabuking sa ginawang krimen sabay porma ng isang troll face.

I finally gave in. Hindi ko talaga matiis si Sykes. He has always been a very good brother to me, for better or for worse. Kaya when he made that legendary troll face of his, tumawa na talaga ako ng tumawa.

Paglipas ng ilang sandal ay sumeryoso na uli ang mukha nito. “I’m really glad to have my brother back, Lawrence.”

“Yeah. Me too, Thatcher.” pagkatapos noon ay hindi na matigil ang pag-uusap namin tungkol sa unang bakasyon na naghiwalay kami ng landas.

Ewan ko ba kung paano ko naatim na magalit man lang rito. Siguro selfish lang talaga ako at parati nalang ang sariling kapakanan ko ang inuuna ko.

At siguro kasi, SIYA nalang palaging nagiging laman ng utak mo kaya hindi makapag-isip kung ano ang tama o mali.

ani ng isang bahagi ng isip ko.

Kunsabagay, isa lang naman akong despicable delinquent. Ano bang karapatan kong magkagusto sa isang katulad ni Manang? Ano bang karapatan kong pigilan at magalit kay Sykes? Ano ba ang maipagmamalaki ko para maging karapatdapat ako kay Manang? A prince and a princess always ends up together. An antagonist like myself could NEVER fit in their ‘fairy tale’.

At the end of day, isang bagay ang maliwanag na tumatak sa isipan ko: I’m plainly not meant for you, Analyz.

BittersweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon