Pitong buwan na ang nakakaraan mula ng hinalikan ko si Manang sa noo. Pagkatapos noon ay araw-araw ko na siyang sinasamahan maglakad patungo MOA o di kaya ay hinahatid sa bahay nila gamit si Mini pagkatapos naming gawin ang photo collage. Unti-unti kong ipinaparamdam sa kanya that I want something more than just a mere boy-girl relationship ----- I want a commitment.
Pero sa tuwina ay parang may kung anong puwersang humihila sa kanya palayo. Hindi ko nga maintindihan pero bakit nararamdaman kong gusto rin niya ako kahit taliwas roon ang pinapakita ng mga kilos niya?
Whenever I try to get closer to her, she’ll just say, “This isn’t right.” then walks away. Pero hindi pa rin ako susuko hanggang hindi niya ako deretsahang tinataboy. Gusto ko munang malaman ang totoo.
I’ve got to admit na ever since that day, madalang na lang akong ipinapatawag ng mga guro namin sa mga office nila. Nagtaka nga ang marami kung bakit bigla nalang daw akong naging tahimik this past few months. But the answer is simple. It’s because I’m trying to be different. I’m trying to be better and most of all, I’m trying to be right for her.
Nang matapos na ang klase ay agad ko siyang nilapitan. “Can I talk to you for a moment?” seryosong sambit ko. Nang hindi ito tumugon ay hinila ko nalang siya patungo sa isang tahimik na bahagi ng paaralan.
“What do you want?” tanong nito sa isang malamig na tuno. Malamig man ang pakikitungo niya sa akin, I can’t help but have faith in her eyes that’s saying don’t go.
“Do I have a chance with you?” deretsahang tanong ko. Pagkagulat at pagkataranta ang nabasa ko sa mga mata nito. Akmang aalis na ito pero hindi ko siya hinayaan. Hinawakan ko ang braso niya at pilit siyang pinaharap sa akin. “Please don’t walk out on me.” nagsusumamong daing ko.
“Just p-please…” hindi nito magawang ituloy ang sasabihin nito dahil naluluha na ito.
“Just tell me what’s freaking wrong, Ana! I’m miserable and so are you. Pwede bang maging fair ka rin naman sa akin? Please don’t take the easy way out alone.”
“There is no easy way out, Rence! You don’t understand! Kahit anong gawin ko, meyron pa ring masasaktan at hindi kakayanin ng konsensiya kong maging miserable ang ibang tao dahil lang naging makasarili ako.” umiiyak na sambit nito.
“But can your heart take it? Coz mine can’t. And for once, Analyz, would you stop thinking about what everyone wants? Stop thinking about what I want, what Kat wants, what Sykes wants or what your friends want.” mariin pero may pagmamalasakit na tugon ko habang hindi inaalis ang tingin ko sa umiiyak na mga mata niya. “What do you want?” pagsusumamo ko sa kanya.
Umiling-iling lang ito habang patuloy na umiiyak sabay hikbi. “Hindi ganoon kasimple ang lahat, Rence.”
“Nothing’s ever simple, Ana. Nothing.” mahinahong sabi ko sa kanya habang pinapahid ang mga luha niya. “I’m sorry. Don’t ever cry again, okay?” iyon lang at lumakad na ako palayo.
Habang pinapanood at binibilang ko ang mga yapak ni Rence na papalayo, mas lalong lumakas ang iyak ko. Hindi ko na nakayang itago ang lahat ng sama ng loob ko. Why do I have to lose everyone that I ever cared about? Why did it happen in my fairy tale? Why me?
But can your heart take it?
hindi mawala sa isipan ko ang mga katagang iyon na binitawan ni Rence. Kinaya ng puso ko lahat ng mga paratang at panlalait na ibanabato ng mga tao sa akin. Nagawa ko iyon for almost 7 months already. Ang hindi ko lang kayang tiisin ay ang damdamin kong hindi ko makayang kontrolin ----- the feelings I have for Rence.
Matapos pag-isipan ang lahat ay dali-dali kong sinundan si Rence. How could I possibly give up without even putting up a fight? Hindi ko na pinansin ang mga nanunudyong tingin ng mga tao habang tumatakbo ako sa hallway. Nang makita ko siyang naglalakad pa rin palayo ay huminto ako sabay sigaw ng “RENCE!”
Bigla itong huminto at lumingon. Agad ko siyang nilapitan at niyakap sabay hampas sa dibdib nito. “You bastard! Bakit mo pa ako kinausap at kinumbinsi kung aalis ka rin pala? Hinayaan mo pa akong umiyak doon ng mag-isa! Nakakainis ka talaga!” naiinis na sigaw ko sa kanya.
Ngumiti ito at hinagod-hagod ang buhok ko. “Eh bakit ka naman nagpaiwan?” anito sabay tawa. Hinay-hinay itong yumuko at hinalikan ang noo ko. “I told you, you’re mine.”
BINABASA MO ANG
Bittersweet
Teen Fictionfirst story I have ever written so please pardon my lack of emotions and information! i shall do better next time :D PLEASE DO CRITIQUE :)) arigatou gozaimashita \(*__*)/