KABANATA 6 - U Smile (Analyz)

10 0 0
                                        

            Nakakapagod talagang maging isang junior student. Projects dito, requirements doon at assignments everywhere! Ang nakakapagpalala pa ng mga bagay na ito ay ang mga asungot na nagiging kapares o kagrupo mong daig pa ang kuto sa pagkaparasite!

            And speaking of parasitism, heto na naman ako ngayon at pinagtitiisan ang kumag na Rence na ito. Remember my first unfortunate talk with him kung saan inatasan kami ng guro namin sa Music na gumawa ng kanta by pair? Iyon na sana ang mismong ginagawa ko ngayong mga sandaling ito kung hindi lang sumalangit ang kaluluwa ng long time boyfriend kong si Renzo.

            “Hoy Manang!” mulat ng isang baritonong tinig. Dahil sa boses nito, mas naalala ko tuloy si Sykes. Pero KJ talaga ang tawag nito, nakakapagmulat ng mata! “Nakapako ba iyang puwet mo sa upuan mo?” naiinip na sambit nito.

            “Tapos na pala ang conference mo?” hindi lumilingong sambit ko. Tiningnan ko ang wrist watch ko. “Napaaga yata ng 10 minutes ang pagbalik mo ngayon? Hindi dinala sa ospital ang sinuntok mo today no? WOW! Congrats!” nang-aasar na sambit ko.

            “Pangit kasi. Boring basagin ang mukha. Tumayo ka na nga lang diyan para matapos na tayo.” sagot naman nito.

            Hah! Kakaasar talaga! Ito pa nga itong walang ganang tumulong para naman maibsan ng kahit kunti ang mga projects na dinaramdam ko, ito pa ngayon ang naiinip.

            “Ang galing mo rin no? Kung hindi ka lang sana pinaglihi ng nanay mo sa mga kuto…” naputol ang paglilitanya ko nang paglingon ko ay nakita ko siyang nakatayo sa gilid ko na may nakasablay sa balikat niyang lalagyan ng isang gitara.

            Titig na titig ang mokong sa mukha ko na para bang pinag-aaralan nitong mabuti ang magiging reaksyon ko. Kapagkuwan ay bahagya itong ngumiti ng makontento na sa nakita.

            “You were saying, Manang?” nanunudyong tanong nito. Nang mapansing kumunot ang noo ko ay lalo pang lumawak pa ang ngiti sa labi nito.

            Sadlit akong natulala. Ito ba ang dahilan kung bakit ang daming babaeng nagkakandarapa sa mokong na’to? Hindi ko nga naman sila masisisi. He’s got a smile that could literally make your world stop moving. Idagdag niyo pa ang malalalim na dimples nito sa magkabilang pisngi. But what captivated me most was the hazel brown thing underneath his eyebrows ------ his eyes.

            Bigla akong natauhan nang may tumili ng pagkalakas-lakas sa bandang likuran ko.

            “NGUMITI SI YUAN!”

            All of the sudden, nag-unahan sa pagkuha ng kanilang mga cellphones ang mga tao sa loob ng silid-aralan, especially the girls. Sinubukan man silang awatin ng guro namin ay wala pa rin iyong gaanong nagawa dahil nagkakagulo pa rin ang mga kaklase ko.

            Come to think of it, hindi ngumingiti si Rence. Si Sykes kaya ito? HINDI. Sigurado ako roon. Hindi kayumanggi kundi itim ang kulay ng mga mata ni Sykes.

            Paglingon ko ulit kay Rence ay nawala na ang ngiting nalalaro sa mga labi nito kanina. Bumalik na ang dating seryosong ekspresyon sa mukha nito. Ayon kasi sa mga ‘source’ ko, ayaw na ayaw daw talaga nitong maging sentro ng atensiyon, unlike Sykes. Pero sino ba naman ang hindi magkakainteres o makakapansin man lang sa gwapo at misteryosong lalaking ito?

            Gwapo nga, antipatiko naman!

ani ng pride ko.

            Pagkalipas ng ilang segundo ay tumunog na ang bell na siyang nagpapahiwatig na tapos na ang subject na iyon. Since last subject na iyon for today, dismissal na!

            “Biyernes bukas, diba? Meet me after dismissal sa labas ng gate. I’ll ask permission from your driver. Gagawin natin ang kanta ASAP.” maawtoridad na tugon nito pagkatapos ay walang gatol na lumabas ng silid-aralan.

            “Sayang! Hindi ko nakuha ang ngiti ni Yuan. Nakunan niyo ba?” narinig kong sabi ng isa sa mga babaeng nagtipon sa bandang likuran ng silid-aralan.

            “Wala rin, eh!” sagot naman ng isa.

            Pagkatapos kong iligpit ang mga gamit ko, umalis na rin ako ng silid-aralan at nagpasyang umuwi.

            Ideal ka nga sa paningin ng mga tao, pero hindi pa rin niyon maaalis ang pagiging gago mo. Ano ba talagang nagawa ng babaeng iyon sa’yo at nagkaganito ka, Rence?

BittersweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon