“Wow! Ang ganda ng big bike mo, Rence! Astig talaga!” biglang bulaslas ni Manang. Katulad nga ng napagkasunduan namin, gagawin namin ang proyekto namin sa Music ngayong hapong ito. Gustung-gusto ko na talaga sanang batukan ang Manang na’to dahil sa patuloy na pagtawag niya sa akin sa pangalang inimbento niya pero dahil pinuri niya ang best bud ko, okay nalang muna.
Sasakyan talaga ang kalimitang dinadala ng mga estudyante rito sa MOA. At dahil hindi naman ako kailanman napasali sa mga ‘usual’ na bagay, motorsiklo ang binili ko. Mula pagkabata ay hindi na talaga ako mahilig sa mga sasakyan kasi pakiramdam ko nagiging balot ako ---- palagi safe and secure sa loob ng shell. Maliban roon ay kulang rin ito sa excitement, challenge at freedom.
Mag-iisang taon na rin sa pagmamay-ari ko ang kulay itim na Kawasaki Ninja 650r ko. Pero maski isa sa lahat ng mga naging girlfriend ko ay walang nangahas na sumakay rito. Hindi raw safe at nakakasira ng buhok ang mga motorsiklo. Ang o-OA nga naman.
“Anong pangalan nito?” patuloy na pag-uusisa ni Manang.
“Pangalan?” hindi makapaniwalang sambit ko.
“N-A-M-E! Lahat kasi ng mga bagay na pinaghirapan o pinahahalagahan ko nang sobra ay pinapangalanan ko kaya itinuturing ko na rin silang parang tao.” nakangising sagot nito.
Ang weirdo talaga ng babaeng ito pero kung tutuusin, may punto rin naman siya.
“Tama na nga ‘yang pagkilatis mo sa bike ko.” isinuot ko ang helmet ko at inabutan rin si Manang ng isa pang helmet. Agad naman nitong isinuot iyon na wari di makapaghintay na sumakay sa motorsiklo.
“Saan na ba tayo? Ang laki ng gym na ito ah!” namamanhang bulaslas na naman ni Manang sabay palinga-linga sa paligid.
“This is my motor arena. Dito ako parating tumatambay pag hindi ako nakikipagbasag-ulo.” sabi ko sabay diin sa huling salita na animo tinatakot si Manang.
“Ang OA mo! Hindi ka naman ganun kasama. AMF, gumagawa ka lang daw ng eskandalo para magpapansin sa papa mo.” makatwirang tugon niya.
“AMF? At saka, pinaiimbestigahan mo ba ako, Manang?” kunwari ay naiinis na tanong ko. Kung normal na sitwasyon ang pagbabasehan, baka kanina pa ako nagalit dahil sa pangingialam nito sa personal kong buhay. Hindi ko nga rin mawari pero bakit mukhang natuwa pa ako.
“AMF equals as a matter of fact. At saka, hindi naman ako kasingyaman ninyo para manuhol pa ng iimbestiga sa mga agam-agam ko no! I do things with my own capabilities.” pagmamalaki pa nito. Nakakatuwa talaga itong pagmasdan kasi para itong bata kung umakto.
“Di inamin mo rin na iniimbestigahan mo ako!” natatawang pakli ko. Daig pa nito ang isang batang pinagkaitan ng candy dahil nakabusangot ang mukha nito. Pagkatapos humupa ng tawa ko, inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya sabay tingin ng mataman sa mga mata niyang kulay itim. “Tell me, may gusto ka sa akin no?”
Biglang tumigas ang anyo nito at halatang natensiyon sa pagkakalapit ng mukha namin. “H-ha? Sus! Kayong mga lalaki, puro naman sexy at magaganda ang tinitingnan niyo. Hindi naman uso sa inyo ang mga babaeng conservative ngayon.” umiwas ito ng tingin at kunwari ay tiningnan uli ang kabuuan ng arena.
Tumawa ako ng mahina. “We may flirt with a number of girls but I can assure you: isang babae lang ang talagang gusto namin.” sabay tingin sa kabuuan ng arena. This arena was the first and last gift I received from my mother. Ibinigay lang ito ni Lawrencio nang tumuntong ako sa edad na labindalawa.
Don’t get me wrong. Hindi pang-motorcross ang arenang ito. Para ito sa mga motor races. And disenyo nito ay hinango sa colosseum sa Rome pero pwede nga lang buksan ang roof nito kaya para na rin itong astronomy lab.
“My point is, paano namin malalaman na kami talaga ang gusto niyo o pinaglalaruan niyo lang kami kung puro flirting ang inaatupag niyo?”
“Depende naman ‘yon sa lalaki ah! Kayo ngang mga babae puro pagpapaganda ang inaalala niyo.” hinagod ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. “I mean, maliban sa’yo. Pero at least, nagmumukha kang tao pag uniporme ang suot mo.” tumawa ako ng tumawa.
“Hoy! Ganito man ako, at least! Hindi ako nagmumukhang tanga dahil sa mga katulad mo. May paiyak-iyak pang nalalaman ang mga babaeng yon, eh kumukupas rin naman iyang hitsura niyo.” defensive na litanya nito.
“Naku! Nahahalata na kita ah! Inamin mo na naman na gwapo ako.” nakangising tugon ko.
“Basta, kung sakaling ma-in love man ako, pipiliin ko talaga yong lalaking mabait, matalino at higit sa lahat, hindi flirt! Yong parang prince charming ni Cinderella.” nangangarap na sagot nito.
“Ang tanda-tanda mo na, naniniwala ka pa rin sa fairy tales!” tudyo ko sa kanya.
“Why not? Ang sarap kayang makulong sa mundo ng fairy tales. Lahat may happy ending. At saka kapag naiisip mo ang ganoong klase ng mundo, parang nagkakaroon ka uli ng pag-asa at the same time, nagsisilbi na rin itong isang escape route sa realidad ng mundong ginagalawan natin ngayon.” pangangatwiran nito.
“Oo na! Pero hindi mo naman napipili ang taong magugustuhan mo ah. Sobra naman ‘yang imahinasyon mo.”
“Pwede no? Maraming beses na kaya akong nakabasa sa mga psychology books tungkol doon.”
“Libro na naman ang pinangangatwiran mo. Experience is the best teacher kaya! You wanna bet?” isang masamang ngiti ang ipinukol ko sa kanya.
“Ang sama ng tingin mo. Natatakot ako pero sige. What’s the catch?” halatang kabadong tumingin ito ng mataman sa mukha ko.
Ngitian ko lang siya ng isang ‘evil smile’. You’ll regret this.
BINABASA MO ANG
Bittersweet
Teen Fictionfirst story I have ever written so please pardon my lack of emotions and information! i shall do better next time :D PLEASE DO CRITIQUE :)) arigatou gozaimashita \(*__*)/