Chapter Thirteen

13.7K 335 65
                                    

Napapitlag ako ng maramdaman 'ko ang pagpisil ni Jez sa bewang ko. Dun din ako natauhan kung nasaan ba kami ngayon.

My gad! Ang laki nyang tukso.

Marahan ko syang tinulak palayo sakin at umayos ng upo.

"S-Sorry." paghingi nya ng tawad. I don't really get it, why she's always saying sorry after being intimate with me.

"Mag-aral ka na dyan." seryosong pahayag 'ko at kahit na parang nakikipaghabulan pa ang puso ko ay nagpatuloy na ako sa pagbabasa 'ko.

Sinabayan nya na rin ako sa pag-aaral 'ko. Ilang saglit pa ay inaya ko na sya pumasok sa class. Magkahawak pa rin ang kamay namin habang naglalakad papunta sa room.

Yung iba napapatingin kay Jez, nginingitian naman sila nito.

"Lunch later, my homie.." pahayag nya ng mahinto kami sa tapat ng room.

"Okay. Papaasok na ako sa loob." papasok na sana ako kaso pinigilan ako ni Jez at hinatak palapit sa kanya.

Niyapos nya ang bewang ko kaya agad ko syang tinulak.

"Jez, ang PDA!" suway ko sa kanya na kinatawa nya.

Ang dami pa namang mga dumadaan. Ano na lang iisipin nila kapag nakita nila kami naglalampongan diba? Sigurado ako iisipin nila na may nangyari na samin ni Jez, which is true. It's quite humiliating because we're not yet married.

Then they all know that Jez and I are just friends!

"I'll go now. Mamaya na lang kiss ko kapag tayong dalawa na lang hehehe" inirapan ko naman sya sa sinabi niya. Walang kasawaan.

Well, ayuko din naman mag-sawa sya. Kung pwede lang talaga na hindi eh. Pero alam ko na mag-sasawa din siya. Lalo na't di naman ako kasing galing nung mga dumaan na sa kanya.

Habang nag-lelecture ang prof namin ay bored na bored ako. Gusto ko ng hilain ang oras para matapos ito. Ngayon ko lang naramdaman mabored ng ganito sa klase.

Napahikab ako tapos nakita pa ng prof ko, mabuti na lang di nya ako pinuna.

"Okay, dismiss." pagkasabi niya nun ay nagsigawan mga ka-klase ko. Tuwang tuwa sila, at sa unang pagkakataon ay natuwa din akong tapos na ang klase.

Ang bibilis ng mga ka-klase ko lumabas parang uwian lang talaga ang inaabangan. Inayos ko muna ang gamit 'ko bago naman ako lumabas.

"Bakit ang tagal mo?" kunot noong tanong ni Jez sa akin. Mukang kanina pa sya naghihintay sa labas.

"Kaka-dismiss lang ng class namin." simpleng sagot ko dito. Kinuha nya naman sakin ang libro ko, sunod ay ang kamay 'ko.

Kung dati ay magkatapat kami kumain, ngayon ay magkatabi na kami. Kahit sa pagkain kasi gusto ni Jez na nagtatama ang balat namin. She's so clingy.

Habang nakain ay pansin ko ang mga tingin samin sa paligid. Di ko tuloy maiwasang hindi mailang.

"Why? Something up?" umiling iling lang ako sa tanong niya.

She smiled at me and gently pinch my nose.

"If somethings bothering you, don't hesitate to ask me. Okay?" malambing na ani nya na nginitian 'ko.

"Ahh.. Don't smile like that, Babe. Getting my knees weaker." exag na pahayag nya kaya nahampas ko siya ng mahina sa braso.

"Bola." natawa naman sya sa sinabi 'ko. As in yun lang sinabi ko, tawang tawa na sya.

Dinikit nya ang ulo niya sa likod 'ko habang tumatawa pa rin. Lalo tuloy kaming pinagtitinginan.

"Jez, nasisiraan ka na ba ng bait?"

My Maniac BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon