Chapter 5

434 4 0
                                    


WARNING : R-18


Pagkarating sa kwarto ay ginawa ko lang ang skin care routine ko at natulog na. 


Pagod na pagod ako sa party kaya tinanghali ako kinabukasan. Nabigla pa ako dahil nakita ko na kasama nila Daddy si Aaron sa hapagkainan.


"Tinanghali ka ng gising. Ginising kita kanina pero tulog mantika ka talaga" natatawang bulong ni yaya sa akin nang tuluyan akong makalapit sa kitchen counter.


"Masyado po akong napagod kahapon. May strawberries pa po ba sa ref?" Tanong ko sa kanya. 


"Oo, Senyorita. Gawan kita ng smoothie?" Aniya.


"Ako na lang po manang." Saad ko sa kanya.


"Naku, ako na! Kanina ka pa nga hinahanap ng daddy mo dahil nandito si Aaron. Sige ka, baka pagalitan ka na naman noon." aniya.


"Okay, thanks ya." nakangiti kong saad sa kanya.


"Strawberry at banana smoothie?" Tanong niya sa akin.


"Yes po." 


"Okay, ihahatid ko na lang sayo. By the way, punta ka sa dirty kitchen mamayang alas 3 ha? Icelebrate natin ang graduation mo. Nag-ambag ambag kami." aniya at nagsimula nang gumawa ng smoothie ko.


"Talaga po? Thank you po." saad ko at niyakap pa si yaya mula sa likod ng mahigpit.


"Ikaw pa, malakas ka sa amin eh. Sige na, sabayan mo na sila Sir kumain." aniya.


"Okay po, thank you po ulit." saad ko at hinalikan si yaya bago nagpunta sa dining area.


 "Good day, dad! mom! Aaron, Hi!" bati ko sa kanila.


"Good day, Charlotte!" saad ni mommy.


"Tinanghali ka ng gising, mahigit isang oras nang naghintay si Aaron. Pinatawag kita kay yaya Auring pero tulog mantika ka daw." bati ni daddy sa akin habang si Aaron ay tahimik lang na tumango.


"Sorry dad, ilang linggo din akong puyat at pagod na pagod ako kahapon kaya tinanghali ako ng gising ngayon." walang buhay kong saad at nagsimula nang kumain.


"Okay, I understood. But next time, set your alarms so you won't skip meals and you can entertain your visitors." aniya at nagpatuloy sa pagkain.


"Yes, dad. Sorry again." saad ko at kinuha ang fruit shake na nilapag na pala ni yaya.


Nang matapos kaming kumain ay sinabihan ako ni daddy na sa kwarto ko na lang daw kami mag-usap ni Aaron tungkol sa graduation gift ni Atty. Sanchez na vacation sa amin.

Beyond that Darkness (Broken One Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon