Chapter 6

391 6 2
                                    


WARNING : R-18

TW // sexual violence


"Ilang laps?" narinig kong tanong ni Ari kay Ares nang makalapit kami sa kanya.


"Ten." 


"WOW! Did you guys' plan this?" Ari asked once again.


"Nope. But we were always born ready." he said.


"D-do you think Aaron will win?" kinakabahan kong tanong sa kanya.


"Do you want to hear an honest answer?" balik niyang tanong sa akin.


"Y-yes." nahihirapan kong sagot sa kanya.


"Brenton is a professional motocross rider. He already competed in different parts of Asia. But, Aaron was his teacher. Si Aaron ang nagturo sa kanya kung paano patakbuhin ang motor at mga techniques para maunahan mo ang iyong kalaban. If Aaron pursued this career, he's probably better than Brenton. But dalawang taon na ring hindi nakapagpractice si Aaron, so the chance would probably be 50-50. 50% for Brenton and 50% for Aaron. And Brenton is a cheater. Are you getting scared now for your future?"


"I dont know." I casually said dahil wala na talaga akong maisip.


"If Brenton won't cheat may pag-asang manalo si Aaron, but if he will, then goodluck to you miss." panananakot niya sa akin.


"Aaron is leading. Six more laps." anunsyo ni Ari sa amin dahil hindi na ako masyadong nakafocus sa karera dahil sa pag-uusap namin ni Ares.


"Malayo pa iyan." komento naman ni Ares na seryosong nakatutok sa karera kahit kanina pa naman siya nakikipag-usap sa akin.


"Paano kayo nagkaroon ng sariling motocross racetrack?" paglilihis ko sa usapan.


"My grandpa loves motocross kaya nagkaroon kami ng sariling racetrack. Dito kami sa Samal madalas namamalagi noong bata pa kami kaya nahilig din kami sa motocross. Aaron was the best racer among all of us, kaya sa kanya ito pinamana ni grandpa." saad ni Ares sa akin habang seryosong tinatanaw ang karera. 


"Three more laps. Aaron is still leading. You'll be safe, girl." saad naman ni Ari.


"Brenton is a cheater, kaya huwag muna kayong makampante." saad naman ni Ares sa amin.


"Aaron will win." Ari confidently said.


"Ang daming pwedeng magbago sa loob ng isang minuto, kaya matuto kayong maghintay bago magpakampante. Mamaya na kayo magpakampante kapag sigurado na talaga. I told you Brenton is a cheater." he seriously said and smirked.


Mas lalo akong kinakabahan dahil kay Ares kaya napatutok ako sa karera. Tinawag ko na nga siguro lahat ng santo para lang manalo si Aaron. Mas okay na si Aaron ang manalo dahil sanay na naman ako sa kanya, nasisiguro ko kasing mas masahol ang ugali ni Brenton kaysa kay Aaron. Kaya sana dinggin ng mga santo ang panalangin ko.

Beyond that Darkness (Broken One Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon