Chapter 17

268 4 0
                                    


"WE'RE HERE! WE'RE HERE!" magiliw na saad ni Macy pagkahinto namin sa parking lot ng Tavolata Restaurant. Ako naman ay hindi ako mapakali sa takot na baka may makakilala sa akin at isumbong ako kay Daddy. Malaki pa naman ang pabuyang ibibigay ni Daddy sa kung sino man ang makapagpabalik sa akin sa bahay namin. Sana lang ay hindi umabot dito sa Cebu ang balitang iyon. Hindi pa ako handang makulong ulit sa poder ni Daddy, lalo na ngayon na wala na si yaya. Wala namang pakialam si mommy sa pagpapalaki ni Daddy sa akin. Naglabas nalang ako ng isang bugtong hininga at tiningnan si Macy na nakalabas na pala.


"Let's go, Charlotte!" nakangiti niyang saad sa akin, kaya tumango ako at nagpahila na sa kanya palabas ng sasakyan. Nakahawak pala si Zander sa isang kamay ni Macy, kaya nahiya pa ako pagkalabas ko.


"Okay lang sa iyong makiupo kasama ang ibang tao? We don't have a reservation, so we'll just seat to any table available." paliwanag niya pagkalabas ko.


"Ah-- okay lang naman po. Okay lang din po na kayo nalang ang kumain sa loob, maghihintay nalang po ako dito sa labas." I told him. Hindi ko naman alam kung isinasama ba nila ang mga katulong nila sa pagkain sa restaurant. Sila daddy kasi hindi naman nila sinasama noon sila yaya kahit noong bata pa ako. Binibigyan lang nila ng pangfastfood sila yaya at ang driver kapag kumakain kami sa labas o hindi kaya ay nagpupunta ng resort. Kaya noong naghigh school ako ay sinisiguro ko talaga na makalabas kami ni yaya kahit isang beses lang sa isang buwan, lalo naman noong nagkatrabaho ako. Heto na naman! Namimiss ko na naman si yaya na hindi ko namalayan na nanginginig na pala ako.


"Charlotte, are you okay?" narinig kong saad ni Macy at mahina pang pinisil ang mga kamay ko. Napatingin tuloy ako sa kanya at wala sa sariling tumango.


"You're trembling." narinig ko namang saad ni Zander. Sa kanya naman ako napatingin. I know I should be scared with men but seeing his green eyes... makes me calm. Noong una ko palang nakita mga mata ni Zander ay binigyan na ako nito ng pag-asa at ngayon ulit na nakaramdam ako ng pagkabalisa ay tinulungan ay ng mga mata niyang kumalma. His eyes were really like a ray of light in my dark world, and I hope to see this light longer. I long for the assurance that his eyes were giving. 


"I'm so-rry. I just remembered something." I told them as I took a deep breath and walk a step para ipakitang okay lang ako. "Let's go inside, Macy." saad ko pa kay Macy at pinakitaan siya ng maliit na ngiti.


Tiningnan pa niya ako ilang segundo bago tumango at hinawakan ulit ang kamay ko. Sabay na kaming naglakad papuntang pinto ng restaurant habang si Zander naman ay nakasunod lang sa likod namin. Alam kong marami siyang gustong itanong... after all he is a lawyer. But he kept his mouth shut hanggang sa makapasok kami sa Tavolata at maupo sa isa sa mga lamesa nila. Naupo ako sa tabi ni Macy habang si Zander naman ay pumwesto sa harap ng anak.


"What's your order?" narinig kong tanong ng waiter sa tabi ni Zander.


Tumingin ako sa menu at nang makita ang paborito kong salad ay wala sa sarili ko itong binulalas, "I'll have glazed beets salad with artichokes and walnuts." saad ko at binaba na agad ang menu.


Nakita ko tuloy si Zander na gulat na napatulala sa akin. Nagtaka pa ako kaya tinitigan ko siya ng may pagtatanong sa mga mata.

Beyond that Darkness (Broken One Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon