"How did your day went, baby?" tanong ni Zander sa akin nang sunduin niya ako mula sa hospital pauwi sa binili niyang property. Pumayag na si Daddy na doon muna ako umuwi habang nagpapagaling pa siya sa hospital. Pero gusto daw niyang doon muna ako mag-stay sa bahay namin hanggang sa manganak ako. Request din ni daddy na sana kung bumukod na kami o hindi kaya ay bumalik na ng Cebu ay sana bisitahin namin siya kahit isang beses lang sa isang buwan. Ang clingy lang ni ama ko sa akin ngayon.
"Baby?" tawag sa akin ni Zander habang nagmamaneho. Oo nga pala hindi ko nasagot ang tanong niya.
"Nakausap ko sa si Daddy tungkol kay Nurse Caroline." panimulang kwento ko sa kanya.
"What did he say?" tanong naman agad ni Zander.
"She's my mother. Pinagpalit pala ni Daddy ang dalawang anak niya para hindi malungkot si Mommy Charity na hindi naisalba ang premature na anak niya. Sakto rin kasing sa labas ng hospital nakaanak si Mommy Caroline kaya ginamit ni Daddy ang pagkakataong iyon. Dinibdib ni Mommy Caroline ang pagkamatay ng anak niya kaya ginawa niya ang lahat para umangat siya sa buhat at makapaghiganti sa amin. Ngunit nang makita niya ako ay nakaramdam siya ng lukso ng dugo. I resemble her eyes gaya nga nang sabi mo kaya pinaDNA niya ako. She found out I was her daughter kaya nawala ang lahat ng tapang niya at nagpasya nalang siyang huwag akong lapitan." pagkwekwento ko sa kanya.
"You dad is cruel, baby. I;m just glad he already learned his lessons at hinayaan ka na niyang pumili sa gusto mo sa buhay." aniya at hinawakan ang kamay ko.
"Do you have plans for tomorrow?" he asked me as he parked the car infront of his property.
"Aasikasuhin ko lang ang pagdidischarge kay daddy. Day-off rin ni Mommy Caroline bukas kaya baka magbonding kami. Why baby?"
"Oh... okay. Can you reserve the day after tomorrow for me? I want to take you out for a date. Please." palambing niyang saad. Hindi ko tuloy napigilan ang sariling kurutin ang mga pisngi niya. Ang cute naman ng baby daddy ko.
"Sure, babe." I assured him at bumaba na sa sasakyan niya
"Let's call Macy after dinner." aniya bago kami pumasok ng bahay.
"Oh! I miss my baby Macy." hindi ko tuloy napigilang banggitin.
"She missed you too. Kaya dalian na nating kumain. Alam kong excited na rin iyong makausap ka. Palagi nga iyong umiiyak nang iwan mo kami. Magiging masaya rin iyon kapag nalaman niya ang tungkol sa magiging kapatid niya. Gusto nga niyang sumama sa akin papunta dito pero ayaw kong madamay siya kung sakaling magkagulo kaya hindi ko sinama. Kung alam ko lang na tatanggapin din pala agad tayo ni daddy mo... sinama ko na si Macy." pabirong saad ni Zander. Hindi ko tuloy napigilan ang sariling hindi matawa sa sinasabi niya. Sino rin naman kasing mag-aakala na pinasundan pala kami ni Daddy at magbabago pala ang pasya niya kapag nalaman na buntis ako. Siguro ayaw rin ni Daddy na maranasan ng anak ko na lumaki sa pamilyang hindi naman talaga kanya. Ayaw niya na malaman ng anak ko na ang lolo niya mismo ang may kagagawan kung bakit hindi siya nabigyan ng pagkakataon na lumaki sa buong pamilya. Mabuti narin at nalaman ni Daddy ang sekreto ni Mommy. Kung hindi ay baka pinilit niya talaga ang gusto niya. Baka mas nahirapan din kaming ipaglaban ang pag-iibigan namin ni Zander. I'm just glad God knows how to deal with timings perfectly. Now, I am in the arms of the man I want to grow old with.
BINABASA MO ANG
Beyond that Darkness (Broken One Series #1)
Romance[R-18] Charlotte Medousa Ramos is as alluring as the goddess Medusa. She has long golden hair and is known for her fierce looks. Girls only see her as Aaron's longtime girlfriend, while boys objectify her for having a perfect body. Everyone thinks s...