"You may now kiss the bride." the priest announced. Hindi ko napigilan ang sariling titigan muna si Charlotte bago itaas ang belo niya at halikan siya.
"I love you." I told her in between our kisses. Ngiti lang ang ginawang ganti ng asawa ko sabay hawak sa kamay ko. Itinaas niya rin ang bulaklak niya at nakangiting humarap sa mga bisita namin.
"We made it! I'm married!" she happily exclaimed. Nakangiti tuloy akong napatingin sa kanya. Hinalikan ko rin ulit ang pisngi niya bago siya mas yinakap pa palapit sa akin.
"We really did, baby. We did it." I whispered to her not minding the crowd that's cheering for our happiness. I'm happy that they see what happiness looks like.
Looking back to all the pain I've experienced in life, I never thought I'll find love and happiness once again. Akala ko noong namatay si Madison hinding-hindi na ako iibig muli. Akala ko hinding-hindi ko na mararanasan maging buo muli. Akala ko rin hinding-hindi na ako mapapatawad ng anak ko. I thought I'll stay as stranger in her life forever. Pero nang dumating si Charlotte ang damming nagbago sa buhay ko. Ang daling tanggapin ng mga pagbabagong ito. With her, I learned to take a risk again. I became happier again. Ginusto ko na namang ipaglaban ang kaligayahan kahit ang parang ang bilis kong umibig ulit. Kahit nakakatakot ang sumugal ulit.
Naalala ko noong unang beses akong sumugal sa pag-ibig. I was chillin' inside a bar nang lumapit si Madison para magpakilala. We immediately clicked kaya bago natapos ang gabi ay nagpalitan kami ng numero. A month after, we became official hanggang sa nabuntis si Madison kaya nagpasya kaming magpakasal. In a span of one year, love changed me. At noong ipinanganak si Macy mas lalo akong naging ganado sa buhay. I started spending time more to my family and made sure they're alright. Pinangako ko rin sa sarili ko na sisiguraduhin kong nandoon ako sa lahat ng importanteng pangyayari sa buhay ng anak ko. I want to be there when she first tried to walk, speak, eat, and play. Gusto ko ring nagabayan ko siya hanggang sa makakilala siya ng una niyang kaibigan at makuha niya ang kauna-unahan niyang score sa exam. But as Macy grow up, napagtanto ko na mahirap at magasto ang magpalaki ng bata lalong lalo naman kung gusto mo lang ay ang maranasan ng pamilya mo ay ang masaganang uri ng pamumuhay. As the head of the family, kailangan mong matutong magbudget lalong-lalo na at may mga tao kang dapat ipasweldo. So, I doubled my effort to work. Mas lalo kong ginalingan sa trabaho para mas maraming kliyente ang kumuha sa akin. Hinding-hindi ako nagpapatalo sa kahit anong kasong ibigay ng boss ko sa akin hanggang sa nakapagpatayo ako ng sarili kong firm. At dahil doon gumanda nga ang buhay namin. Nakalipat kami sa mas malaking bahay, nadagdagan ang mga tauhan namin, nakabili ako ng mga ari-arian, at hindi na kinailangan ni Madison na magtrabaho. I did all of that for my family. Pero kasama pala ng pag-angat namin sa buhay ay ang kawalan ko ng oras sa pamilya. At dahil rin pala sa trabaho ko bilang criminal lawyer may magkakainteres pala na gantihan ako. Nagawa nilang kidnapin ang mag-ina ko noong mga panahong nagpunta ako sa Manila para sa isang conference. Winala pala ng mag-ina ko ang mga bodyguards para lang mabilhan ng laruan si Macy. Ginamit ito na pagkakataon ng mga kidnapper para kunin sila Macy. Habang nagprepresent sa conference, wala akong kamalay-malay na may nangyari na palang masama sa mag-ina ko. Kung hindi pa ako tinawagan ng mga kidnapper para manghingi ng ransom ay hindi pa ako magigising sa katotohanan na napabayaan ko na sila. Hindi ko na natupad ang pangako kong proprotektahan sila sa abot ng aking makakaya. Mas lalo ko namang sinisi ang sarili ko noong inuna ko pa ang magpakaabogado kaysa ama. Sana binigay ko nalang ang hiningi nilang ransom kaysa makipagcoordinate sa kakilala kong NBI. Nahuli nga namin ang mga taong kumidnap sa mag-ina ko. Hindi nga nila natangay ang pera ko. Kapalit naman noon ay ang kamatayan ng asawa ko at tuluyang paglayo sa akin ng anak ko. Nang makita ko ang galit sa mga mata ni Macy, wala akong nagawa kung hindi sisihin ang sarili ko. Ang dami kong what-ifs na alam ko namang hinding-hindi masasagot. Ano pa bang mas lalala sa makita mo ang asawa mong matusta ng bomba ilang kilometro sa harap mo at malaman mo sa anak mo ang mga kababuyan na ginawa ng kidnappers sa kanila. Kaya natakot akong lapitan si Macy. Natakot rin akong magpakita sa kanya dahil naiisip ko na baka hindi niya na ako kilalanin bilang ama lalong lalo na at takot na siyang mahawakan ng kahit na sinong tao. Natakot akong ipamukha niya sa akin na sinisisi niya rin ako sa nangyari kay Madison. Natatakot akong itakwil ng sarili kong anak. Macy is my only strength and also my only weakness. Ayaw ko na mas maalala niya ang sakit sa tuwing nakikita niya ako imbes na ang mga masasayang ala-ala naming magkasama bilang pamilya. Kaya hinintay ko na siya mismo ang kusang lumapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Beyond that Darkness (Broken One Series #1)
Romance[R-18] Charlotte Medousa Ramos is as alluring as the goddess Medusa. She has long golden hair and is known for her fierce looks. Girls only see her as Aaron's longtime girlfriend, while boys objectify her for having a perfect body. Everyone thinks s...