Chapter 28

256 4 0
                                    


"Charlotte! Zander! Wake up!" paulit-ulit na saad ni Aaron sa labas ng pinto. Malakas pa ang ginawa niyang pagkatok kaya nagising talaga kami. I can also sense the panic in his voice, kaya dali-dali kong binuksan ang pinto. 


"What's the problem?" bungad ko agad sa kanya.


"Nalaman na ni tito ang totoo." nangingig niyang saad. Kinabahan din tuloy ako. So, Dad found out about our plans? Paano? Sinong nagsabi? Kaming apat lang naman ang nandito ah? Did they hired some private body guards? Hindi ko na alam ang iisipin. I was already starting to overthink things. But I know I am stronger now, lalong lalo na't alam kong hindi ako nag-iisa. I was starting to cope up with a plan when Aaron dropped a bomb news.


"Nalaman na ni Mayor Ramos ang tungkol sa relasyon ni Tita Charity and Daddy." saad ni Aaron sa akin. Nakita kong natigilan si Zander sa nalaman, but he supported me and hugged me tight to give me comfort. I appreciate him for that.


"Ano nang gagawin natin ngayon?" I can't help but ask Aaron about our plan. Itutuloy ba namin ito o hintayin muna namin na humupa ang galit ni Daddy?


"Let's go to your house. Isama natin si Amanda at Zander. I think this is the right time to fight for our love." aniya.


"What if hindi kayanin ni Daddy ang sasabihin natin? Paano kapag atakehin si Daddy?" I tried to tell him the possibilities. Pero mukhang desidido na si Aaron sa gagawin. Nakita ko ring sang-ayon si Zander sa plano ni Aaron, kaya hindi na ako umalma. I also want this to end all at once, kaya mabuti rin sigurong malaman na ni daddy ngayon ang totoo tungkol sa amin ni Aaron. And I know that Daddy would decide to stop the wedding dahil paniguradong hindi na nito gustong makasama sina Atty. Alvarez at Mommy. Pero hindi pa rin ako mapakali kaya habang bumabyahe kami patungong bahay ay panay ang tawag ko sa personal nurse ni Daddy. Inutusan ko rin siyang magpastandby ng ambulansya, incase something happened to Daddy.


"Don't stress yourself too much." sinubukan akong pakalmahin ni Zander. Hinawakan niya rin nang mahigpit ang kamay ko to assure me that he's with me.


"Thank you." I genuinely said to him as I hugged him tight. "Natatakot ako, Zander." hindi ko napigilang sabihin sa kanya.


"I know. I'm here to support you." he assured me. "Your feelings are valid, but don't forget you have me always. Okay?" paalala pa niya. Tumango lang ako at bumaba na ng sasakyan. Sumunod naman agad si Zander.


"I love you, always remember that." he whispered to me before letting me go with Aaron.


"Just wait for my signal." saad ni Aaron kay Zander at Amanda.


"Good luck." tugon naman ni Zander. 


"I love you, baby." pahabol pa niya ulit. 


"I love you, too." saad ko rin sa kanya nang lumingon ako bago ako tuluyang hinila ni Aaron papasok ng bahay namin.


--


"Daddy what's wrong?" alo ko agad sa ama kong abala sa paghagis ng mga muwebles ng bahay. Silang dalawa lang ni mommy ang nasa sala. Hindi ko alam kung nasaan na ang mga katulong namin, siguro pinalabas ni Daddy para hindi nila marinig ang pag-aaway ni Mommy at Daddy. But instead of answering me... he faced mommy.

Beyond that Darkness (Broken One Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon