Chapter 23

248 7 0
                                    


"You have no rights to hug my baby." malamig na saad ni Zander kay Aaron at marahas pa itong tinulak. Nakakita kong hindi nakapagreact si Aaron but shock is visible in his face. I've never seen Zander being violent kaya nagulat ako sa nakita. But feeling his arms on mine makes me feel safe. Pero nang makita kong papalakad na si Daddy sa pwesto namin ay dali-dali kong inalis ang hawak ni Zander at nagmamadaling pumanhik patungong maid's quarter. Ngunit bago ako tuluyang nakalakad patungong maid's quarter ay marahas akong nahila ni daddy at hinawakan ng mahigpit.


"Saan ka pupunta?" pagpipigil sa akin ni Daddy at mahigpit na hinawakan ang isang braso ko/


"Da-ddy! It hurts!" reklamo ko nang higpitan niya ang pagkakahawak sa akin.


"Mas masasaktan ka kapag nagpumilit kang kumawala sa akin." may panggigil na saad ni Daddy at sinubukan akong hilahin patungong labas ng bahay. Nakita ko pa ang gulat at pagtatanong sa mukha ni Zander. Pero nagawa pa rin niyang pigilan si Daddy sa paghila sa akin.


"Who are you and what are you doing inside my house? I don't know you guys so this is trespassing. Leave my house immediately if you'll only cause havoc. If you don't, I'll sue you." malamig na saad ni Zander at mabilis akong hinila patungo sa dibdib niya. He then hold my hand at nagmadaling pumanhik patungo sa kwarto niya.


"Please escort them outside, Yaya Aqua. I don't want Macy to see those kind of people." saad niya kay yaya Aqua na naghihintay sa may hagdaanan. Natakot pa ako dahil masyadong malamig ang naging pakikutungo kina Daddy. Baka galit si Zander sa akin dahil alam kong hindi siya tanga. Nang tawagin ko si Daddy na daddy alam kong napagtanto na ni Zander kung ano ang katauhan ko. Sigurado ngayon alam na niya na makapangyarihan ang daddy ko. Daddy is a famous mayor. Siguro iniisip pa rin niya na anak ako ni Daddy sa labas or I dont know. But I'm sure Zander is angry with me and my lies. Kaya nagulat ako ng kalmado niya lang akong kinausap.


"Explain, baby." kalmadong saad ni Zander sa akin. "I won't react first. I want you to tell me the truth. Don't leave me hanging. I know that old man is mayor. I also know that Aaron. He is the son of a famous businessman. Why are they here? Why will they take you away from us? Are they the reasons for your trauma? If yes, then I won't say sorry for what I have done earlier. They deserve it even if they are your family." may panggigil na tugon ni Zander. 


"My family is rich but we faced a crisis, kaya kinailangan ni daddy na humingi ng tulong mula sa kaibigan niya. Kapalit ng tulong ay ang pakikipagrelasyon ko sa anak nila... that's Aaron, the guy who hugged me earlier. Believe me, I tried to make a relationship work. Sinubukan ko siyang pagbigyan sa lahat ng gusto niya to compensate for the help they had given to us. Pero napagod akong pakisamahan siya, Zander. Napagod akong intindihin ang mga gusto nila. Hindi ko na nakayanan ang pagbigyan sila. Masyado nang natakot ang puso at katawan kong intindihin sila. Napagod na akong masaktan. Umabot na kasi sa puntong mas ginusto ko nalang mawala sa mundo kaysa harapin ang mga problema.  So, when I was given a chance to run away, I became selfish. Ginusto kong magpakalayo kaysa harapin sila Daddy dahil kahit kailan hindi naman nila ako binigyan ng pagkakataong pumili o kaya magpaliwanag. They never gave me a choice, so I made my own. But because of that choice... I lost the only person who loved me truly. I lost my second mom. I lost my home. Ang daya-daya niya dahil iniwan niya ako kahit nangako siyang hinding-hindi niya ako iiwan. Ang daya niya Zander. Bakit si yaya pa? Bakit kailangan pang siya ang mawala? Wala naman siyang ibang ginawa kung hindi ay mahalin at alagaan ako? Kaya bakit kailangan pa niyang mawala? Siya dapat ang kasama ko dito eh. Siya dapat ang nandito. Siya dapat ang kasama ninyo. Pero dahil sa akin, nawala siya. Nawala ang kapatid ni yaya Aqua dahil sa akin, Zander! They said I should not be guilty of her death... but I am Zander. Kahit si yaya Aura na mismo ang nagsabi sa akin na hindi ko kasalanan ang nangyari... ako pa rin ang isa sa naging dahilan kung bakit kami napunta sa lugar na iyon. Kaya paano ko iyan makakalimutan. Kung hindi lang sana sa mukha kong ito, hindi sana ako magugustuhan ng bestfriend ni Aaron. Kung hindi lang sana ako maganda, hindi sana ako gagawan ng ganoong scandal. Hindi sana kami kikidnapin ni Brenton. Hindi sana mawawala si yaya. Sana kasama ko pa rin siya. Sana nakikita ko pa sana ang mga ngiti niya. Makikita niya sana ulit si yaya Aqua. Siguro mas naging masaya si Macy kung si yaya Aura ang naging kasama niya. Yaya Aura is the type of person that anyone would want to be a mother. Siguro mas natulungan niya si Macy. Maybe if Macy met yaya... hindi niya na kinailangan pang magpatherapy. Siguro naging madali ang paggaling niya. I wished I was the one who died instead of yaya." emosyonal kong saad kay Zander. Hindi ko na napigilang ang sariling mapahagulgol habang binabalikan ang nakaraan. I told him the whole truth that I've been keeping for a while. Pagod na akong magtago ng damdamin. For once, I want someone to her my side. Zander gave me a chance to explain. Ni minsan hindi ako nabigyan ng pagkakataon noon, kaya bakit ko ipagkakait sa kanya ang katotohanan. Bakit ko siya pagsisinungalingan kung siya ang kauna-unahang tao na nagbigay sa akin ng pagkakataong magpaliwanag.

Beyond that Darkness (Broken One Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon