Chapter 8

348 6 0
                                    


I woke up feeling tired kaya hindi muna ako bumangon. Masakit na masakit ang ulo ko dahil siguro sa pagod kaya tumulala muna ako sa kisame ng silid ko. 


What should I do, first?  bulong ko sa sarili ko at tiningnan ang pamulsuhan kong hiniwa ko kagabi.


It's clean. I don't remember treating my own wound kaya dali dali akong bumangon sa kama para tingnan kung saan napunta ang mga bakas ng dugo mula sa sugat ko kagabi.


 Someone changed my comforter. Si Yaya. bulong ko ulit sa sarili ko. Now, I'm doomed. 


At hindi nga ako nagkamali. Paglingon ko sa pintuan ng silid ko ay siya namang pagpasok ni yaya ng pinto dala ang pagkain ko.


"Hiniwa mo na naman ang pamulsuhan mo. Buti na lang at maaga akong nagpunta rito para kamustahin ang lagay mo. Kaya naagapan ko ang pagdurugo nito. Gusto mo na bang mamatay?" may pag-aalalang saad ni yaya.


"Hindi po. Sorry po, yaya. Binangungot na naman po ako, kaya ko nagawa iyon." saad ko sa kanya at inayos ang bed table ko.


"Gusto mong samahan kitang matulog?" yaya said and put the food on my table.


"Hindi naman po kailangan yaya. Baka napagod lang po ako nitong mga nakaraang araw, kaya binangungot na naman po ako."  I said and started eating para hindi na magtanong pa si yaya.


"Takot na takot ako nang makakita ulit ng mga bakas ng dugo sa comforter mo. Noong una akala ko lang ay may dalaw ka lang ngunit nang makita ko ang hiwa sa pulso mo, ay muntik akong atakihin. Buti na lang at kumalma rin ako. Imbes nga naibigay ko sa iyo ang tubig na dala ko, ay ininom ko na lang." saad ni yaya at mahinang humalaklak dahil sa pag-alala nito na ininom nito ang tubig na dala.


"I'm sorry, yaya." lang ang nasabi ko dahil na-gui-guilty ako na nakaperwisyo pa ako ng ibang tao dahil lang sa mga bangungot ko. 


"Huwag mo nang gawin ulit iyon. Kapag hindi mo na kaya ang sakit na nararamdaman mo, tawagin mo lang ako. Darating ako." saad ni yaya at makahulugan akong tinitigan.


"Thanks po." I said and genuinely smiled at her. 


"Sige tapusin mo na ang pagkain mo, nang makapagpahinga ka ulit. Kailan ka ba mag-sisimulang magtrabaho?" tanong pa niya sa akin.


"Mamaya po." I said and finished eating my food. "Maliligo po muna ako." paalam ko sa kanya pagkatapos kong kumain.


"Kaya mo bang maligo mag-isa?" tanong niya sa akin.


"Yes po." I said at pumasok na sa banyo para makapagligo.


"Huwag kang masyadong magtagal diyan, baka ano na naman ang maisipan mo. Maghihintay ako rito." narinig kong pahabol ni yaya kaya natawa na lang ako at dali-daling naligo.


Wala pang trenta minutos ay tapos na akong maligo dahil katok nang katok si yaya sa pintuan ng bathroom ko. 

Beyond that Darkness (Broken One Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon