Chapter 30

284 6 2
                                    


"May gusto ka pang puntahan?" tanong ni Zander sa akin nang makabalik kami sa kotse matapos libutin ang buong farm. Nagulat nga rin ako na nagpahanda pa si Zander sa mga tauhan ng mommy niya ng isang picnic date para sa akin aside that proposal. I feel so special. I hope this lasts for a lifetime.


Sa tanong ni Zander napaisip ako kung handa na ba akong harapin ang mga taong naging bahagi ng nakaraan ko na hindi ko pa nakakausap kagaya ni Brenton at yaya. Pinangako ko sa sarili na hindi na ako mabubuhay sa dilim. I will look forward to the bright future ahead of me with Zander, Macy, at sa magiging anak namin. At magagawa ko lang iyon kong makakaya ko nang harapin ang isa sa mga taong nagpasakit sa akin. If I can talk to Brenton without fears at kung mapatawad ko siya... pwede ko nang tuluyang kalimutan ang nakaraan. I can forget all those pain that he brought me and remember all the happy moments that I gained because of his wrong doings. Iisipin ko nalang na kung hindi dahil sa ginawa ni Brenton, hindi ko maiisip na unahin ang sarili ko. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko makikilala sina Zander at Macy. Pero handa na ba akong harapin siya? I know I already found the light of my life. Pero kakayanin ko na bang harapin ulit ang dilim ng nakaraan? Paano kapag hilahin ako ulit nito sa dilim? Makakaya ko bang bumangon muli o malulugmok na naman ako sa sakit? Ayaw ko nang mamuhay ulit sa sakit. Hahayaan ko na lang bang manatili ang takot kay Brenton o haharapin ko ito? I'm confused on what to do. Ayaw ko naman na may parte sa akin na takot pa rin sa nakaraan lalong lalo na't magkakaanak na ako. I don't want my child to see me in pain every time I remember a scenario from my past. Hindi ko rin madadalaw si yaya hangga't may takot pa ako. Paano ko masasabi sa kanya na buo na ako kung may parte pa sa nakaraan na hindi ko pa nahaharap? Paano ko makwekwento sa kanya na tuluyan na akong nakalaya sa nakaraan kung hindi ko naman talaga hinarap si Brenton dahil sa takot? I can't lie to my yaya knowing she sacrificed her life for me. Kaya nga kahit ilang buwan na akong nandito sa Davao ay hindi ko pa rin nagawang bisitahin si yaya. Gusto ko kasi na kapag dumalaw na ako sa kanya ay natupad ko na ang mga hiling niya. Buuin mo ang winasak nilang pagkatao mo and Be free, Senyorita. Ito lang ang dalawang kahilingan ni yaya. Alam kong unti-unti ko nang nabuo ang nasawak kong pagkatao, pero hindi pa rin ako tuluyang nakalaya sa nakaraan. May bahagi pa ng nakaraan na hindi pa tuluyang naghilom... kaya hindi ko pa maaring dalawin ang pinakamamahal kong yaya.


"Baby, are you okay?" narinig kong tanong ni Zander. Napalingon tuloy ako sa kanya.


"I am. I was just thinking things." saad ko nalang sa kanya.


"We can go home kung wala ka nang naiisip puntahan." aniya.


"May naiisip nga akong puntahan eh." mahina kong bulong. Hindi pa kasi ako talaga sigurado kung kaya ko na talagang harapin si Brenton, ngunit gusto kong subukan. Wala namang masama sa pagsubok hindi ba?



"Where?" kuryoso namang tugon ni Zander.


"To Brenton's cell." 


"Brenton? Iyong bestfriend ni Aaron? Naikwento niya sa akin ang tungkol sa taong iyon. Are you sure you are ready, baby?" nag-aalalang saad ni Zander. Mahigpit pa niyang hinawakan ang kamay ko to make sure I'm okay.


"I think so. Nandiyan ka naman diba? You won't leave me right?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Zander's support boosts my confidence, kaya sana payagan niya ako.

Beyond that Darkness (Broken One Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon