Chapter 9

332 4 0
                                    


WARNING: R-18

TW // violence, death


"Okay ka na?" bungad ni yaya sa akin pagkagising ko.


Tumango lang ako dahil naalimpungatan pa ako.


"Kaya mo nang pumasok sa trabaho?" tanong niya ulit kaya nagpasya na akong sagutin siya kahit inaantok pa ako.


"Yes, yaya. Thank you po sa pag-alaga sa akin kagabi." I said at umayos na ng upo.


"Walang problema iyon. Gusto mong dalhin ko na dito ang breakfast mo? Wala pa naman ang daddy at mommy mo." 


"Anong oras na po ba?" tanong ko dahil baka ma-late pa ako sa trabaho, may meeting pa naman ngayon kahit Sabado.


"Trenta minutos bago mag-alas otso." kalmadong saad ni yaya.


"OMG! YAYA! HINDI NA PO AKO KAKAIN DITO. MAGBIBIHIS NA LANG KO AKO AT MAGHAHALFBATH. MALAPIT NA PALANG MAG-ALAS-8." maypagka-histerical kong sabi at dali-daling pumasok sa shower para makapag-halfbath.


 Hindi ko na nga napansin kung nandiyan pa ba si yaya o wala dahil sa pagmamadali ko. I just wore my checked wrap dress and partnered it with my beige boots para isang suotan na lang. Nagponytail na lang din ako at naglagay lang ng powder at lipstick. Magpapahatid na lang ako para maayos ko pa ang paglalagay ng make-up sa sasakyan.


"Aalis ka na?" tanong ni yaya nang makita akong kinukuha na ang handbag ko.


"Yes, ya. Nandiyan po ba si Kuya Alberto?" 


"Oo, tatawagin ko siya sa kusina. Maghintay ka na lang sa garahe at kainin mo rin ito para magkalaman naman iyang tiyan mo."


"Thank you, yaya. You're the best." saad ko sa kanya at inunahan na siya sa pagpunta sa garahe. Gutom na rin ako kaya nilamon ko na ang binigay ni yaya na sandwich.


Hindi naman nagtagal ay dumating rin si Kuya Alberto. Kaya nahatid niya rin ako agad sa MoneySafe at nakaabot rin ako sa oras.


"I like your dress." bungad ni Pamela nang makita ako.


"Tinanghali ako ng gising kaya kung ano ang una kong nakita ay iyon na lang ang kinuha ko." I casually explained.


"Tinanghali pa iyan, ganda talaga. Wala ka ring masyadong make-up ngayon pero bagay pa rin sayo, ikaw na talaga girl. Pinagpala sa lahat." dagdag pa niya.


"Bolera. Halika na nga. Kailangan pa nating ihanda ang conference room."  saad ko at hinila na siya.


"Ay true, si Angeli kanina pa nandoon. Ako mga 10 minutes pa lang tapos nagpaalam akong magbabanyo." she said and laughed so hard.


"Kaya nga, tulungan na natin baka magalit pa iyon." saad ko lang at nagpatuloy na kami sa pagpunta ng conference room.

Beyond that Darkness (Broken One Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon