Chapter 13

310 5 0
                                    


Matapos basahin ang sulat ni yaya ay hindi ko na napigilang maluha. I was silently sobbing para hindi ako makaistorbo ng ibang pasahero. Buti na lang at konti lang kaming nakasakay dito at ako lang ang nakasakay sa pinakadulo.


I wanted to hate yaya for not telling me about it... baka sakaling sinabi niyang ang mga panaginip niya ay nanatili na lang kami sa mansyon. Hindi na sana namin tinuloy ang plano namin. Sana buhay pa siguro si yaya. But... I can't blame her because death is inevitable. Kahit ano pang takas ang gawin mo, kung oras mo na talaga... wala ka nang magagawa kung hindi tanggapin ang kapalaran mo. 


Hiling ko lang na sana ay naging masaya si yaya sa buhay niya. Sana hindi niya pagsisisihan na tinulungan niya ako. Malungkot ako dahil nawala na ang nag-iisang taong nakayang mahalin at intindihin ang pagkawasak ko. She willingly saved me from the pit and gave me her piece, so I could feel safe again. Nawala rin ang taong nagsilbing ina ko sa mga panahong hindi ko maramdaman ang pagmamahal ng magulang ko. Yaya gave me all her love while I was growing up, kaya never akong nagkaroon ng hinanakit sa mga magulang ko noon. Noong college lang naman ako nagsimula nang maghanap ng pagmamahal ng mga magulang ko dahil palagi kong iniisip na kung mahal nila ako, bakit kinailangan nila akong pilitin na pakisamahan si Aaron?  But those times... even when I'm in doubt and felt worthless... yaya never left me.


Hindi niya ako iniwan kahit ang pakiramdamdam ko ay iniwan na ako ng mundo. Yaya believed me when I said that I never did that blowjob scandal to Brenton. She never doubted my words. Hindi niya rin ako pinabayaan noong nakita niya akong halos wala ng buhay na nakahiga sa sahig. Kaya dapat hindi ko na pabayaan ang buhay ko. Yaya sacrificed her life for me, so I should treasure it as much as I can.


Hindi ko na dapat pabayaan ang buhay ko. Wala akong karapatang sayangin ang buhay ko. Nakita ni yaya na malaki pa ang tsansa kong maging masaya. Nakita niyang may halaga ang buhay ko, kaya dapat ako rin pahalagahan ito. Yaya told me to find myself, kaya gagawin ko rin iyon. I will try to rebuild myself, so I could do better. Iaahon ko ang sarili ko mula sa hukay ng kahapon para magkaroon ako ng lakas na harapin ang ngayon at ang hinaharap. At sa panahon na kaya ko nang mahalin ang sarili ko... babalik ako rito... hindi para bawiin ang nasira kong pagkatao... kung hindi puntahan ang taong naniwala sa akin... ngayong walang-wala ako. Yaya, I'll come back for you. Babalikan kita para sabihin sa iyong nagtagumpay ako.


Kaya buong byahe iyon ang iniisip ko. Inisip ko ang mga sakripisyo ni yaya at isinapuso ko ang mensahe ng sulat niya. Tulala lang din ako buong byahe kaya hindi ko namalayan na nakarating na pala kami ng CDO. Buti na lang ay sumigaw ang conduktor ng bus na sinasakyan ko... kaya napabalik ako sa reyalidad.


Nakarating na ako sa CDO nang mapansin kong hindi nga pala ako nakapagsuot ng bra, buti na lang at oversized ang suot kong pang-itaas kaya hindi rin napansin ng mga tao. Kaya noong makababa ako sa bus ay nagmadali akong magpunta sa isang tiange para makabili ng bra. Halos anim na oras din ang byahe mula Davao hanggang CDO kaya alam ko na sa loob ng mga oras na iyon ay maaring nasabihan na ni daddy ang kanyang mga kakilala na tumakas ako at baka may mga pulis na naghahanap sa akin.


Madalian lang ang ginawa kong pagbili ng karagdagang gamit bago ako tumulak sa pwesto ng kakilala ni yaya sa pier.


"Magandang araw po." bati ko sa taong nagbabantay ng tindahan ng kaibigan ni yaya.


Beyond that Darkness (Broken One Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon