Chapter 2

595 7 0
                                    


WARNING: R-18

Hanggang sa matapos akong mag shower, makapag blower, at makapag bihis na, iyon pa rin ang nasa isip ko. Hindi ko na nga namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa lalim ng iniisip ko. Nagising lang ako dahil sa tawag ni yaya Auring, mula sa pinto.


"Senyorita Charlotte! Gising na. Kakain na daw kayo sabi ng daddy mo." Saad ni yaya habang malakas na kumakatok sa pinto.


Naalimpungatan pa ako kaya hindi muna ako nagsalita at nagtulala muna sa kama.


Muling nagsalita si yaya, "Senyorita! Gising na," kasabay ng mas malakas pa na katok sa pinto kaya naman ay nagsalita na ako.


"Gising na po ako, yaya. Pakisabi na lang po kina Daddy na maliligo po muna ako." Malakas kong sigaw mula sa kama, dahil pagod pa rin ako at ayaw ko pang bumangon.


"Naku, Senyorita! Bumangon ka na. Mamaya ka na maligo pagkatapos kumain baka mapagalitan ka na naman ng Daddy mo." Saad ni yaya.


Alam nila yaya kung gaano ka higpit si Daddy sa akin mula nang sapilitan nila kaming nireto ni Aaron. Lahat ng kilos ko ay binabantayan niya. Lahat nang ginagawa ko sa isang araw at ang mga taong nakakasalamuha ko ay inaalam niya. Magugulat na nga lang ako na habang nag-uusap kami ay sasabihin niya na huwag akong makipagkaibigan sa taong ito dahil ganito ang pamilya nila o dahil baka magdudulot lang daw ito ng masamang impluwensya sa akin. Kay Aaron lang talaga niya ako pinapayagan. Nakakalabas lang ako kapag pinapakita ko ang text ni Aaron. Minsan nga ay tinatawagan niya pa si Aaron para masigurong hindi ako nagsisinungaling. Ganoon kahigpit si Daddy sa akin. Si Daddy rin ang batas ng bahay kaya sumasang-ayon lang si mommy sa kung ano ang mga batas ni daddy.


Sinunod ko na lang ang sinabi ni yaya at nagbilin na, "Sige yaya, pakisabi kina Daddy na magsisipilyo muna ako, then bababa na rin po ako pagkatapos."


Yaya only said okay, kaya naman ay dali-dali akong nag sipilyo at bumaba na rin sa dining area.


"Daddy, mommy, good morning." Bati ko sa kanila pagkarating sa dining area.


"Anak, good morning." Bati ni mommy.


"Charlotte, good morning. Aaron called and told me that you forgot to text him if you got home safe. Hindi ka raw niya nahatid kasi masama ang pakiramdam niya. Did you reply, already?" bungad agad ni daddy.


"Sorry daddy, I was too tired to use my phone yesterday, kaya hindi na ako nakapagtext kay Aaron. Nakatulog po kasi ako agad pagkatapos kong magshower. I'll text him after breakfast po." Saad ko habang iniisip na anong masama ang pakiramdam ni Aaron, ang plastic din talaga ng taong iyon eh. Sinungaling talaga, bagay talaga sa kanya ang pag-aabogado. Tsk. Iritado na ako at dinagdagan pa ni daddy.


"Okay, pero next time text your boyfriend before going to sleep para hindi na siya mag-alala pa." Aniya.


"Yes, dad." I just told him kahit si Aaron nga hindi madalas mag text at magpaalam.


Beyond that Darkness (Broken One Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon