Chapter 27

254 6 0
                                    


"Senyorita? Gising na po ba kayo?" tawag sa akin ng isa sa mga katulong namin. I'm not in the mood to speak so I just opened the door for her.


"Nasa baba po si Senyorito Aaron. Mag-aantay raw po siya sa inyo para sabay na kayong pumunta sa meeting kasama ang mga wedding organizers. Nauna na raw po sina Mayor Ramos at Atty. Alvarez sa venue." saad niya agad nang makapasok.


"We have a scheduled meeting?" hindi ko napigilang tanungin ang katulong kahit wala naman itong alam. 


"Papapuntahin ko nalang ko si Senyorito Aaron dito para magkausap kayo." aniya lang. Na agad kong sinang-ayunan. Baka kasi saan na naman ako dalhin ng taong iyon. Noong huling sinabi niyang may meeting kami ay dinala niya ako sa clinic ng ex niya... baka ngayon kung ano na naman ang plano noon. Mabuti nang malaman ko anong plano niya bago palang kami makapunta sa lugar na pupuntahan namin. Habang inaantay na makaakyat si Aaron ay naligo nalang muna ako. Sakto naman na tapos na akong maligo nang mapansin kong nakaupo na si Aaron sa kama ko. Abala ito sa pagkalikot sa cellphone nito kaya naman nagbihis muna ako. I chose to wear an all white outfit.


"We have a meeting with the organizers?" hindi ko napigilang tanungin agad si Aaron nang matapos akong mag-ayos para sa pupuntahan namin.


"Yes. Dad insisted this meeting. Good thing I already talked with the organizers beforehand. I suggested a fairytale themed wedding. Okay lang ba iyon sa iyo?" he asked me.


"Hindi naman matutuloy ang kasal natin diba? So, yea I think it's okay. Mas maganda rin siguro kung hindi tayo gumasto ng malaki para walang sayang." I pointed out the cost so Aaron would be mindful with money. Alam ko namang barya lang sa kanila ang gastong ito, but we still need to be frugal especially that the wedding would not happen.


"Hindi naman ako ang gagasto kaya chill ka lang." he smilingly told me. Nakuryoso tuloy ako kung ano ang ibig niyang sabihin.


"What do you mean? I mean I know sila tito ang gagasto, but do we have to exploit their money or someone sponsored the wedding? Don't tell me!" hindi makapaniwalang saad ko sa kanya.


"Yes, someone sponsored the wedding. He wants the best for the bride... kaya chill ka lang." he calmly said. Mas lalo tuloy akong nagulat.


"Someone sponsored the wedding? Eh... hindi naman ito matutuloy kaya paano iyan?"  gulong-gulong tanong ko kay Aaron. I was only answered by a smile at dere-deretso na siyang pumanhik palabas ng kwarto ko.


"AARON!" I frustratedly called him, but he didn't listened. Hanggang sa makapasok kami sa sasakyan ay tahimik lang at makahulugang nakangiti lang si Aaron sa akin.


"Just agree to all the suggestions of the organizer? Okay? Sabi ko kasi kina daddy na tapos na nating napag-usapan ang tema ng kasal... so, say yes if you don't want us to get busted." simpleng paalala lang ni Aaron bago kami nakababa sa venue.


Kaya sa buong durasyon ng meeting ay wala akong ginawa kung hindi sumang-ayon sa lahat ng sinasabi ng organizers. Kahit nga noong iniwan na kami nila daddy sa wedding dress shop ay tango lang ang naging sagot ko. Masaya lang ako na binigyan nila ako ng pagkakataon na pumili ng wedding dress. Pinili ko ang isang woodland fairy-inspired dress... na simple lang pero eleganteng tingnan at nababagay rin sa pinili ni Aaron na wedding theme. Hindi ko naman nakita na sinukatan si Aaron... siguro tapos na siyang sinukatan noon. We also suggested na wala nang wedding invitations... buti nalang napapayag namin sina Daddy sa kadahilanan na we want to make it was private as possible. I just hope they won't get disappointed if the wedding gets cancelled.

Beyond that Darkness (Broken One Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon