The Nerd's Bitch: 39 [Part 2]

591 20 5
                                    

A/N: I updated Playboy's Toy, Cleo's new chapter is now up on my tl, go read it thank u.

Absidy's POV

Inabot din ng ilang oras ang byahe bago kami makarating sa paroroonan.

Matapos niyang ihinto ang kotse ay agad akong bumaba at nagpalinga-linga sa madilim na paligid.

"Where are we?"- tanong ko sa kaka-baba lang ng kotseng si Perci habang nililibot ko ang aking paningin pero malawak na lupain lamang ang nakikita ko. At puro naglalakihang mga puno ang nakapalibot dito.

Kung madalas ay nakaka-ginhawa ng pakiramdam para sa aking ang makakita ng mga puno kasama ang matingkad na kulay berdeng mga dahon ay kabaliktaran naman ngayong gabi.

Ang tumitinding takot ang aking nadarama habang nakasilay sa mga ito. Simula kaninang  umaga hanggang ngayon ay ang malamig na ihip ng hangin ang nagpapabalot sa aking katawan.

Nabalik lang ako sa katinuan ng hawakan ni Perci ang aking kamay at nag-umpisang mag-lakad sa madilim na parte nitong lugar, ang aking mga tingin ay na sa ibaba lang ng lupa at naghihintay makarating sa lugar na aming nilalakaran.

Pumasok kami sa masukal na bahagi ng nag-mistulang gubat dahil sa mga punong dikit-dikit at mga higante sa laki. Huminto siya sa paglalakad kaya naman ay nagtaas na ako ng tingin at sinundan ko ang tinitigan niya at nakita ko ang isang bahay na gawa sa bato.

"Is this the safe place that you're talking about?"- but he didn't answered me at naunang maglakad patungo dito.

Sumunod naman ako pero agad na parang na-estatwa dahil nakitang naglabas siya ng baril. Nahinto ako sa paglalakad ng makita ito at humarap sa akin.

"What's the meaning of this?"- nanginig ang aking katawan at unti-unting umatras dahil hawak niya ng mahigpit ang baril na kahit hindi ito naka-taas ay sobra-sobra ang takot ang nararamdaman.

"Stop."- he's so serious and that scared the hell of me. Is he going to kill me? Why did I trust him? Did i fell into his trap???

"Duck."- mahina pero ramdam ko ang bigat ng salitang binabanggit niya.

Hindi ko malaman ang gagawin, parehas kaming nakatitig sa isa't-isa at hindi ko magawang gawin ang sinasabe niya. Gusto kong tumakbo palayo pero natatakot sa maling desisyon ay duon magwawakas ang buhay ko.

Pero sa isang atras ko pa ay may matigas na bagay akong naatrasan at napasigaw sa gulat ng may yumakap na tao sa aking likod.

"F*ck! I said duck!"- hindi ko na alam ang gagawin kaya yumuko na ako at mabilis na umingay ang putok ng baril.

Para akong nabingi sa nangyare at napa-iyak na lamang. Anong nangyare? Katapusan ko na ba? Dito na ba ako mamamatay?

Yakap ng mahigpit ang sarili ay hinayaan ko nang umiyak na parang sanggol. Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa nangyari at hindi ko na magawang gumalaw pa.

"No please don't kill me!"- I begged when i felt his arm touch my hand.

Hinawakan naman ako nito sa magkabilang braso at pinilit akong itayo, dahil duon ay hindi ko mapigilang sumigaw at humingi ng tulong. Takot na dumilat ay parehong nakakuyom ang dalawang kamay ko at pinagsusuntok ito sa dibdib.

"Huwag ayoko!!!!"

"Tulong!"- nakapikit na umiiyak at humihingi ng tulong habang sapilitang inaalis ang dalawang braso nitong nakahawak sa akin.

Bigo akong makabitaw at napahinto na lamang ng may dumikit sa aking labi.

Tumahimik ang paligid at tanging mabilis na tibok ng aking puso ang nararamdaman ko.

Ang mahigpit kaninang brasong hawak nito sa akin ay lumuwag na kaya unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at ang mukha ni Perci ang nakita ko habang nakapikit ito.

Napanatag ako dahil siya lamang iyon pero naitulak ko agad ito ng mapagtanto ang ginawa.

"Hey easy, you're panicking and kissing you is the only thing that i think would stop you."- pagpapaliwanag nito at lalapit sana ng umatras ako, umiwas naman siya ng tingin ng punasan ko ang aking labi.

Agad namang nanlaki ang mata ko ng makitang dinampot ni Perci ang nahulog na baril sa damuhan at mabilis akong hinila.

Inilayo lang niya pala ako sa taong nakahandusay na at duguan.

"P-perci..."- dahan-dahan itong lumapit dito habang nakatutok ang baril sa ulo ng lalaking wala ng malay. Kinapkapan niya ito at makita ang isang cellphone.

"Is h-he...? Dead???"- natatakot kong tanong dito at tumingin ito sa akin at hindi ko mapangalanan ang emosyong ipinapakita niya at...

"OH GOD!!!"- napatalon ako sa gulat ng pinaputok niyang muli ang baril at napaiwas ako ng tingin dahil sa mismong ulo ng lalaki niya itinapat ang tama.

Agad niyang muli akong hinila at lakad-takbong pumunta sa sementadong bahay.

"Yeah, that thing is dead."

A/N: next update will serve as the final chapter along with the epilogue.

Nerd's B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon