The Nerd's Bitch: 39 [Part 1]

321 16 1
                                        

Absidy's POV

"PERCI???"

Napa-layo ako sa kaniya ng akmang hahawakan niya ako, ng makita niya naman ang reaksyon ko ay tumawa lamang ito at ibinalik ang tuon sa pagmamaneho.

"A-ano to????"- kinakabahan kong pagtatanong sa kaniya.

"You'll see."- tipid niyang sagot pero hindi ako nakuntento duon.

"Where am i? Saan mo ako dadalhin? Anong ginagawa mo? Where is Precious?!??!! Ihinto mo ang sasakyan!"- napasigaw na ako sa labis na takot na nadarama. Pero parang bingi lamang ito sa aking pagdaing.

Tumingin ako sa labas ng bintana ng kotse at wala na akong maaninag sa sobrang dilim ng dinaraanan ng sasakyan.

"What are you up to? Did Louis ordered you to do this?"- naghintay ako ng sagot pero ang muli niyang pagtawa ang narinig ko. Dahil duon ay nagpantig na ang tenga ko at mabilis na hinablot ang manibela sa kaniya, ikinagulat niya yun at nag-agawan kami dito, naitulak ko siya ng bahagya pero hindi ko agad napaghandaan ang malakas na pagtulak niya sa akin upang mapasandal ako sa inuupuan ko.

"WHAT THE? ARE YOU INSANE?"- nakahinto na ang kotse at pulang-pula ang kaniyang mukha na humarap sa akin.

Nilabanan ko naman ang tingin niya at pilit na pinatatag ang aking kalooban kahit na nanlambot at nanginginig ako sa pagtulak niya.

Pero isang tingin lang ang binigay niya sa akin at muling nagmaneho.

Matulin na ang pagmaneho niya na parang hinahabol kami ng mga demonyo sa bilis. Napahawak ako sa aking inuupuan.

"Stop it you mother f cker!"- bulyaw ko dito pero mas lalo niya lamang pinaharurot ang sasakyan.

Bumaling ako sa pintuan ng kotse at napansing hindi naka lock ang mga ito. Agad ko itong hinawakan at tumingin sa kaniya.

"If you don't stop then i will jump."- pananakot ko dito at binuksan ng kaunti ang pinto.

"Perci stop!"- at binuksan ko pa ng kaunti ang pintuan ng kotse, lalo akong nanginig sa ginawa ko dahil nakikita ko kung gaano kabilis ang takbo ng sinasakyan ko.

"Then jump.... I won't stop you."- napanganga ako sa narinig ko at marahas na sinara ang pinto ng kotse at nawala na ng pag-asang sumandal muli sa pwesto ko.

Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at nagdasal na ingatan ako kung saan man ako balak na dalhin ng sugo ni satanas.

Ilang minuto pa at narinig ko siyang magsalita.

"NO."- umupo ako ng maayos at nagtatakang tumingin sa kaniya, naramdaman ko naman ang pagbagal ng takbo kung kaya't nakahinga na ako ng maluwag.

"The answer is no."- at sa pangalawang beses ay hininto niya ang pagmamaneho.

"What?"- kunot-noo kong tanong.

"Louis doesn't know what sh*t im doing and who give a f about that psycho."- lumabas siya ng sasakyan at binuksan ang pintuan sa kabila at pumasok siya at tsaka tumabi sa akin, lumayo ako dito at narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"My sister is safe she knew about this."- nagtataka akong tumingin sa narinig ko dito.

"WHAT??? I-i don't understand."

Ang nakaka-g*go niyang ngiti ang isinagot niya sa akin kaya't hindi niya napaghandaan ang malutong na sampal na iginawad ko sa kaniya.

Nagulat siya at napahawak sa pisngi niyang ngayo'y namumula.

"Do you think this is some kind of a joke huh? Anong akala mo naglalaro tayo?"- nagbagsakan na ang aking mga luha at barabas na pinunasan ang mga ito.

"H-hey... I am sorry okay."- hahawakan niya sana ako pero tinabig ko ang kaniyang kamay.

"Ginawa ko yun para ma-ingatan ka."- at dahil sa sinabe niya ay nagkaruon ako ng interes na muling tumingin dito.

"I don't understand what you're saying."- sambit ko.

"Louis... Her men is after you. I asked my sister na bantayan ka dahil nung araw na bumalik kayo ni Peter dito ay siyang balik ko rin, pero nakapansin ako ng kakaiba."- pagpapaliwanag niya at seryoso ito.

"Kakaiba? Or maybe because some guards are with us. Maybe iyon ang sinasabe mong kak--"- he didn't let me finished.

"No, that's not it. Are you blind? Look around Absidy we're in danger and this is the only thing that i know. I got a call from some people that I asked and im right, nandito sa baguio si Louis at sinundan ka niya. And now we need to go away and find you some safe place."- lumabas na siya at sumakay muli sa driver's seat.

"B-but how about Peter? Your parents how about them?"- nag-alala kong mga tanong dito at tumabi na sa kaniya sa harapan.

"Don't worry they're safe now."- and this time he smiled without me feeling strange.

A/N: part two of this chapter, next month!

Nerd's B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon