The Nerd's Bitch: 35

464 32 1
                                    

Absidy's POV

"Thank you so much, call me immediately if you found her please."- nanlalambot akong binaba ang phone matapos makausap ang mga pinaimbistiga namin dahil nalaman kong wala na sa tahanan namin si Raquel at halos mag-agaw buhay namin ang mga guards at ibang tauhan namin dahil nalaman naming pinaulanan ang tahanan naming ng mga bala.

Nagpapasalamat na lamang ako na walang namatay sa nangyare pero dinakip nila si Raquel at si Louis lang gagawa non. Tiyak akong nalaman na niyang isinuplong siya ng matalik niyang kaibigan.

Masama at nagsisisi ang loob ko.

Sobra akong nabulag sa galit at pagnanais na makita agad ang kapatid ko pero hindi ko inisip na may ibang mapapahamak na tao.

...

Sobrang bilis ng nangyare at hindi ko namalayan na nasa tabi ko na si Ate Xayzi.

Nakahiga siya sa kaniyang hospital bed at mahimbing na natutulog. Mula dito sa kinauupuan ko ay makikita ang mga galos sa iba't-ibang parte ng kanyang katawan, nakita ko pa na dumaing siya sa sakit na kahit sa pagtulog niya ay parang nararamdaman niya pa rin ang nangyare sa kaniya.

Nagkuyom ako ng kamao at naalala na naman kung anong itsura niya ng makita siyang walang malay sa isang silid sira-sira ang kaniyang damit.

Agad siyang dinala dito sa hospital at nakitang nagtamo siya ng mga sugat sa iba't-ibang parte ng katawan lalo na sa kaselanan niya. Sinabe ng doktor na nagkaruon ng pamumuo ng dugo sa kaniyang loob at kinailangan siyang operahan. Dahil duon nagwala ang fiancé niyang si Clark at pinahanap si Louis na ngayong hindi makita.

Pinigilan ko si Clark sa gusto niyang gawin na ipahuli si Louis pero hindi siya nagpapigil mabuti na lamang ay nakiusap si ate sa kaniya at nakinig ito.

Dahil sigurado kaming mas lalong ididiin ni Louis ang daddy kung gagawin namin ang gusto ni Clark.

Labag 'man sa kalooban namin pero wala kaming choice. Galit na galit ako, oo! Pero hanggang duon lang ang magagawa ko sa ngayon.

Humigpit ang kamay ni ate mula sa aking pagkakahawak at napatingin sa ngayo'y maaliwalas na nitong muka at sobrang himbing na ng pagtulog.

"Sorry ate.."- kinagat ko ang ilalim ng aking labi at pigil na umiyak.

"S...s-sorry dahil wala kong nagawa para pigilan siya.. nahuli na kami ng dating... sorry ate."- at idinikit ko ang kanyang kamay sa aking basang pisngi.

Humagod naman ang kamay ni mommy sa aking likod kaya tumingin ako dito habang patuloy sa pag-iyak.

"Sorry mommy."- nakita ko ang lungkot sa mga mata nito pero pinilit niyang ngumiti at niyakap ako.

"Ayos lang... ayos lang anak, patawad din dahil sa mga kasalanan namin sa inyo ng ate mo. Patawarin mo ako lalong-lalo na ang daddy mo sa mga pagkukulang namin sayo. Patawarin niyo kami, hindi niyo dapat nararanasan ito."- sabay na kaming umiiyak ni mommy at mas lalong humigpit ang yakap ko dito.

Nakaupo naman sa kabilang pwesto si Clark at hawak-hawak ang mga kamay ni ate habang nakatingin sa kaniyang mga mukha.

Kanina pa ito at halos hindi ialis ang paningin kay ate Xayzi at parang kapag umiwas siya ay muli na namang mawawalay sa kaniya ito.

Mahal na mahal niya talaga ang ate...

Napangiti ako sa aking isip at tumingin din kay ate na hanggang ngayon ay natutulog, kailangan niyang magpahinga upang bumalik ang lakas niya.

Pinauwi ko na muna si Peter dahil alam kong pagod din siya, pero sinabe niyang maglilinis lamang siya ng kanyang sarili at agad babalik.

Ilang araw pa ang dumaan at nakalabas na si ate sa hospital, nandito kami sa pinatayo nilang bahay ni Clark, dahil hindi kami pwedeng mag-stay sa amin dahil delikado.

Nerd's B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon