The Nerd's Bitch: 34

372 28 2
                                    

Third Person's POV

Matulin ang takbo ng sasakyang kinalalagyan ng naga-alala at naga-apoy sa galit na si Absidy habang hawak naman ng mahigpit ng kanyang kasintahan ang mga kamay nito,
hindi man maganda para sa kaniya ang matakot at mangamba ay hindi mapigilan ni Peter iyon habang lulan sila ng sinasakyan na patungo sa kinaroroonan ng kanyang munting kapatid.

"Bilisan niyo pa! H-h...hindi ko alam ang magagawa k-ko kapag hindi ko na naabutan ang a-a...a-ate k-ko."- nagbagsakan ang mga luha nito sa kaniyang mga pisngi kaya't inalo nito ni Peter at inihiga sa kaniyang dibdib ang nagpipigil na si Absidy.

Halos lumipad na ang sasakyan mapuntahan lang ang delikadong lugar na pinaglagyan ng kanilang kalaban sa kaniyang kapatid, halo-halo ang kaniyang iniisip, at halos hindi na siya makahinga pa sa nangyayare, hindi siya mapakali habang hindi niya pa rin nakikita ang kaniyang mahal na kapatid.

Nasa kabilang sasakyan naman ang kaniyang ina at kasintahan ng kapatid kasama ang ibang back up sa tulong ni Clark.

Hindi naman pinaalis ni Absidy si Raquel sa kanilang tahanan dahil hindi siya sigurado at nagtitiwala sa mga sinabe nito, nagutos siya sa kanilang guards na bantayan ito.

Naalala naman niya ang pagpupumilit kay Raquel na magsabi ng nalalaman.

FLASHBACK...

"Ngayon! Kung ayaw mong mabulok sa kulungan ituro mo sakin kung nasaan ang demonyo mong kaibigan!"

Pumiglas siya kay Peter at muling lumapit sa parang tupang si Raquel at hinila ang braso nito habang ang matatalim at nag-aapoy na mata ay nakatutok dito.

Nasilayan ni Peter ang anyo ni Absidy ngayon at hindi niya maiwasan maisip na parang bumalik sa dati ang kanyang girlfriend dahil sa nagngingitngit nitong galit.

Parang nawalan siya ng boses at hindi makagalaw sa kinatatayuan dahil sa nakikita niya, gusto 'man niyang pigilan ito na masaktan ang isa ay hindi niya magawa.

Dahil ito na lang ang nag-iisang pag-asa nila para mahanap ang kapatid.

"Don't make me repeat my question Raquel."- kahit pabulong ay nanduon na ang pagbabanta sa boses nito at mabilis na tumango ito.

"Sa bakataneng lote.. S-s...sa bakanteng lote kung saan nangyare ang k-karahasan ni t-..tita Fei."

Nanlamig si Absidy sa narinig at parang sasabog ang puso sa parang nagkakarerahang pagtibok nito.

"N-no... No way!"- binitawan niya si Raquel at nanginginig na napaatras.

"K-k..kilala ko si Louis, i know what she's up to."- mabilis na humarap siya kay Peter at nanghihingi ng saklolo.

Agad na inalalayan naman nito si Absidy paupo sa kama.

"Let's go."- walang ingat na pinunasan ni Abaidy ang nagbagsakan ng luha niya at tumayo, pero pinigilan siya ni Peter.

"No. Hindi tayo susugod duon ng basta basta."

"Peter! Ayokong magsayang na ng oras! Habang lalong tumatagal mas lalo akong natatakot."

"So Let's go, please let's go!"

"I'm gonna call the police right now!"- agad nagtipa sa phone ito pero hindi niya na naituloy ng hablutin ni Raquel ito sa kaniya.

"What the hell are you doing?!"

"It's really dangerous if you're gonna call the police, sinabe mo na rin kilala mo si Louis at tiyak akong lalo mo lang palalalain ang sitwasyon kung tatawag ka ng pulis."

"Then what am i gonna do!"- at muling napaupo sa kama at sumandal sa kasintahan.

END OF FLASHBACK...

Naramdaman niyang huminto ang sinasakyan at agad nagsibabaan ang ibang kasamahan nila na mabilis pinalibutan ang malaking gusali habang hawak nito ang mga malalaking armas.

Madilim na ang kalangitan at malamig ang simoy ng hangin kaya't iniyakap siya ni Peter sa mainit na katawan nito.

Gusto 'man niyang pumasok sa loob ng gusali ay hindi siya pinayagan at lubhang mapanganib.

...

Sa kabilang dako naman ay ang nahihirapan ng si Xayzi habang naka-taas ang kanyang mga kamay sa ere at tinitiis ang hapdi ng kaniyang katawan matapos ang masasakit na ginawa dito.

Gusto na niyang sumuko, ang ninananais niya na lamang ay ang mamatay.

"What did i do to deserve this kind of p-pain?"

At ang pag-iyak na lang ang kaniyang magagawa habang walang kapaguran ang paglalaro ng mga tauhan ng demonyong nagdala sa kaniya dito sa impyernong kinalalagyan niya.

Natigil lamang ang mga ito ng malakas na bumukas ang pinto ng silid at nagmamadaling pumasok ang naghuhumakos na si Louis.

"Untie her now!"- sinunod agad ng mga tauhan nito at kinalas ang mahigpit na pagkakatali.

Napaluhod si Xayzi at napatingin sa kamay at pulso ng mapansin na nag-iwan ng pasa dito buwa't ng higpit ng pagkakatali at sa tagal nitong nasa kamay niya.

Muli na namang nagbagsakan ang kaniyang mainit na luha sa mga pisngi niya at nangangatog na pinunasan at ramdam niyang nadumihan ang mukha niua dahil sa alikabok ng kaniyang kamay.

Narinig niya ang papalapit ng si Louis at hinablot ang buhok niya at iharap dito.

"Hayop ka! Wala kang kasing-sama!".

"Mas hayop ang pamilya mo Xayzi, pero ipaparanas ko hindi lang sa iyo pati na rin sa ina mo at lalong-lalo na sa bunsong kapatid mo kung anong klaseng sakit ang ibibigay ng hayop na sinasabe mo."

"Huwag! Huwag ang kapatid ko! Binabalaan kita Louis."- napadaing siya ng humigpit ang pagsabunot nito sa kaniyang buhok at napapikit.

"And why wouldn't? Sa tingin mo matatakot ako sa banta mo? Gayong pwedeng-pwede kitang patayin ngayon?"- at marahas siyang tinulak sa maruming lapag at nag-utos muli si Louis sa mga tauhan.

"Make sure na wala kayong iiwang bakas."

Lumingon si Xayzi dito at muli niya na namang nakita ang mala-demonyitang ngiti ni Louis.

"Til' next time... Ate".

A/N: at last nakapag-update din! kalahating taon din pala akong huminto mag-update hehehe.. dahil na rin sa pandemic and some personal problems kaya hindi ako nagsulat at hindi ko pinilit magsulat at baka masira lang, soooo after 4 months (July) ay nagsulat na ulit ako ng mga chapters at i think malapit na itong magtapos, maybe hanggang chapter 40 na lamang hindi pa kasama diyan ang epilogue, but wait there's moreeeeee may two special chapters pa! pambawi na rin sa sobraaang tagal natambak nitong story, yun lang enjoy reading 🤍

Nerd's B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon