The Nerd's Bitch: 32

978 42 7
                                        

Absidy's POV

Nahihiyang nakaupo ako dito sa sofa habang umiinom ng tubig. Paano kasi nandito ako sa pamamahay nila Peter, dito ko napiling pumunta matapos kong umalis sa amin iwan-iwan ang mommy at si Xayzi.

"Are you feeling good now?"- naga-alalang tanong sa akin ni Peter. Tumango na lang ako at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit duon.

"The maids prepared the room na tutulugan mo ija, feel at home okay."- nginitian ko si Tita Pola.

"S-salamat po... k-k...kahit na anak ako ng isang r—-"- she cut me off.

"No matter what issue your family had, you're stil Absidy that sooner or later will be my daughter-in-law."- kumirot ang puso ko sa narinig ko at hindi maiwasang mapaluha.

"Pamilya na ang turing namin sayo ija, and botong-boto kami para sa inyong dalawa ng pangalawang anak ko."- saad naman ni Tito Perry.

Naiyak na lamang ako sa sayang bumalot na sa puso ko at kahit nasa harapan ko ang mga magulang ng lalakeng mahal ko ay niyakap ko ito ng sobrang higpit.

"T-thankyou..."- bulong ko dito.

"No Thank you sweetie, because you made my family happy and me for coming to our lives. I love you."- at gumanti ng yakap sa akin.

...

Nakatulala lang ako sa harap ng bintana ng kwarto na tinutulugan ko ng pumasok si Peter.

"Hey.."- nakangiting bungad niya.

"Pete."- tawag ko at tumabi siya sa akin and he held my cold hands.

"Don't worry, remember na lagi kong sinasabe, everything's gonna be alright okay?"- then he kissed me on my cheeks.

"I have something.."- hindi ko na narinig ang sinasabe niya ng tumayo siya at may kinuha sa bulsa niya.

Tumutok agad ang mga mata ko duon sa inilabas niya ng makita ko ang kwintas na bigay niya kaya napahawak naman ako sa leeg ko at hindi ko nga suot iyon.

"Papaano..."- nagtataka kong sambit.

"Napulot ko ito sa garden niyo matapos malaglag sayo sa araw ng kaarawan mo."- at pumunta siya sa likuran ko para isuot yun. Nalungkot naman ako ng maalala ang araw ng kaarawan ko.

I thought that will be the best birthday for me but it turns out to be the worst nightmare of my life.

"Gusto kong ingatan mo ito para kapag wala ako sa tabi mo maaalala mo ako at  hindi maisip na nag-iisa ka. I am always here for you."- at humarap siya sa akin at lumuhod.

"You're my first love and i am sure that you will be my last."- at hinalikan ako sa aking kamay.

Hindi ko alam kung anong ginawa ko para magkaruon ng lalakeng katulad niya na mamahalin ako ng sobra.

But thank God dahil ibinigay niya sakin ang isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko.

Habang nasa ganoon kaming pwesto ay may tumawag sakin at ng tignan ko kung sino ang caller ay agad ko itong pinatay.

Nakita iyon ni Peter at kinuha sakin ang phone ko.

"Let her talk to you, give her another chance."- seryosong saad nito pero hindi, umiling lang ako at napabuntong-hininga na lamang siya.

"I will, but not yet... not this time."- tumango naman siya na naiintindihan ang sinagot ko.

Mom call me several times pero ni isa sa mga tawag niya ay hindi ko pinansin, may tawag at text din ang Ate pero hindi ko sinagot at binasa lang ang nag-iisang mensahe niya.

Nerd's B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon