Absidy's POV
Second day ko na dito sa Baguio, and hindi ako nagsising sumama dahil maganda ang turing nila sa akin at feeling ko kapamilya ko na sila.
Tuwang-tuwa nga ang grandparents ni Peter dahil akala nila girlfriend ako ng apo nila nung ipinakilala ako nila dito.
Napangiti ako.
Lalo na ng ipakilala niya ako sa mommy niya na ganun din tuwang-tuwa at hindi inaakala ni Tita Pola na hindi ako isang tunay na babae, pero wala naman sa kaniya iyon at kung siya daw ang tatanungin mas gusto niya daw na ako ang maging asawa ng anak niya.
Nakaramdam naman ako ng hiya ng sabihin ni tita iyon.
Mas lalo akong natuwa ng ipakilala niya ako sa Daddy Perry niya.
Parang gusto ko na lang mag-stay dito for the rest of my life dahil for the very first time! Nakaramdam ako ng pagmamahal sa isang ama kahit hindi ko ito ama.
Sobrang bait niya sa akin akala ko nga nung una masungit ito pero kabaliktaran pala sa iniisip ko.
Kung pwede lang... siya na lang ang maging Daddy ko, kung pwede lang.
Tumayo na ako dahil hindi na rin ako makakatulog dahil sa lamig kahit na naka-jacket pa ako ng matulog ako.
I'm not a morning person pero ang sarap sa pakiramdam ngayong gumising.
Pumunta ako sa veranda ng kwartong tinutulugan ko at agad na yumakap sa akin ang lamig, kaya napayakap ako sa sarili.
Parang agad na nabusog ang mga mata ko dahil sa mga naglalakihang punong nakikita ko, nakakaginhawa sa pakiramdam, kaya para akong tanga na inaamoy ang halimuyak ng kapaligiran.
Umupo ako sa may rocking chair na nandito at pumikit habang ninanamnam ang masarap na pakiramdam.
Napadilat lang ako ng may kumalabit sa akin napalingon ako dito and to my surprise nakita ko ang bunsong kapatid nila, may hawak itong doll at ang cute nito dahil sa spacebun na ayos ng buhok niya.
Ngumiti lang ako dito, at lalo akong napangiti ng ngumiti din ito.
"Diba ikaw po yung girlfriend ni Kuya?"- nanlaki ang mata ko sa tanong nito kaya napa-ayos ako ng upo.
"Who said that? And sino namang Kuya mo? Malamang si Perc---"- hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita ito at nagpatigil sakin lalo.
"Si Kuya Peter po."- inosenteng sambit nito kaya napanganga ako.
"He said that to you?"- tanong ko at napataas ang kilay ko ng tumango ito.
Pero bago pa ako magsalita ay nakita ko itong papa-iyak na.
Oh shhh-- natakot ko yata!
"Shh! Don't cry little girl!"- sambit ko at medyo nataranta ako dahil tumulo na agad ang isang luha nito.
"B-baka po m-ma....mapagalitan po ako ni K-kuya... Peter dahil... s-s...sinabe ko po y-yung .... secret n-niya."- at umiyak na nga ito kaya agad akong tumayo at lumuhod sa harapan nito.
"No little girl, i promise tayo-tayo lang ang nakaka-alam ng secret ng Kuya mo."- at tinaas ko pa ang isa kong palad sabay ngumiti dito. Nakita kong napatigil ito at bigla akong niyakap.
Isa pa ito, hindi ako mahilig sa mga bata pero eto ang ginagawa ko pinapatahan ang batang umiiyak at niyakap pa ako which is hindi ko pinapayagan lalo na ang bata pero ngayon niyakap ko ito ewan ko kung bakit.
...
Nakaupo na kami sa kama at hinahawak-hawakan ang buhok niya habang siya ay naglalaro.
"You know... you're so Precious just like your name."- sweet kong sabi dito at napangiti ito.
Enjoy akong kausap si Precious ng pumasok naman si Peter at napatigil siya at nawala ang ngiti ng makita kaming magkasama ng bunsong kapatid niya.
"Precious!"- nangunot ang noo ko ng magtaas ito ng boses.
"Get out!"- sigaw niya pa kaya walang sabi-sabing patakbong lumabas ang kapatid niya at ng bumaling ulit ako dito ay nakasalubong na ang kilay niya.
Tinaasan ko naman siya ng isang kilay dahil sa biglaang pag-asta niya ng ganun sa kapatid niya.
"Why did you do that?!"- i exclaimed!
Pero parang wala lang sa kaniya at bumalik na ulit sa pagiging inosente ang mukha niya.
Nakapagtataka naman ito parang kanina lang salubong na salubong ang kilay at kulang na lang magapoy na ang ilong sa pagsigaw, tapos ngayon naman parang inosenteng-inosente at nakangiti na sakin na parang walang ginawa sa kapatid.
Tsk! Baka bipolar pa yata to.
"Mommy's waiting for you, breakfast na daw tayo tara."- tumango ako at kahit nagtataka pa rin sa kaniya ay bumaba na kami, oo nga at inaantay ako at ako na lang talaga dahil nasa baba na silang lahat maliban lang sa lolo at lola niya. Nakaramdam tuloy ako ng hiya.
"Goodmorning Absidy, maayos ba ang tulog mo?"- tita Pola asked me and i smiled widely.
"Opo tita, goodmorning din po sa inyo."- at umupo na kami at inilagay na isa-isa ng mga maids ang mga pagkain sa lamesa.
Habang kumakain ay napansin ko naman si Perci na iwas na iwas ang tingin sakin, mabuti yan at natakot siya!
Katabi niya din si Precious na iwas din ang tingin sa kuya Peter niyang katabi ko.
Poor girl... mapagsabihan nga mamaya itong Kuya niya!
...
Peter Trajano's POV
Bago pa ako makapasok sa bahay ay hinila na ako ni Absidy.
I gulped.
This is it, im not expecting this to happen so early.
"What is that?!"- nagtataas ang boses niyang nagtatanong, lalo akong napalunok ng laway.
Hindi ako sumagot bagkus tinanggal ko ang suot kong glasses.
"Sorry Absidy."- iyon agad ang sinabi ko, kahit kinakabahan ay ayoko ng itigil pa ang sasabihin ko ngayon.
"Why are you saying sorry to me?"- nangunot naman ang noo niya.
"I'm sorry if i lo---"- sasabihin ko na sana ang matagal ko ng gustong sabihin ng magsalita siya.
"What is that Peter? Don't say sorry to me, say sorry to your sister, dahil nasigawan mo siya."- at tinalikuran ako bigla.
Whattttttttt?
Ayun ba ang ibig niyang sabihin?
Stupid Peter!
You are so stupid!
A/N: ano sa tingin niyo ang gustong sabihin ni Peter?
BINABASA MO ANG
Nerd's B*tch
Fiksi UmumDANGEROUS BEAUTIES SERIES 1 • Raven Absidy Colastre • Warning ⚠: THIS IS A TRANSxSTRAIGHT STORY. SO IT'S UP TO YOU IF YOU WILL CONTINUE TO READ IT.