The Nerd's Bitch: 33

1K 38 7
                                        

Absidy's POV

24 hours have passed...

Pero wala pa ring Xayzi ang nagbabalik dito sa bahay.

Wala pa rin....

Bumukas ang malaking pinto ng bahay at napatayo ako ng isa-isang pumasok ang mga pulis.

"A-ano? Nakita niyo na ba?"- pagod ko ng tanong dahil simula ng bumalik ako dito sa bahay at tumulong sa paghahanap ay wala pa akong pahinga, i can't rest knowing that my sister is on a dangerous situation right now. Umaasa akong sasagot sila ng oo pero umiling ang nasa unahan na siyang ikinagalit ko at hindi ko na napigilan ang sarili kong ibato ang mga gamit na mahahawakan ko. Pinigilan naman ako ni Peter at agad akong niyakap.

"H-hanapin niyo siya! Hana—h...hanapin niyo si a...a—ate!"- hagulgol kong iyak sa dibdib ni Peter habang hinahagod niya ang likod ko.

"F*ck!"- i heard Clark cursed, ng malaman niyang nawawala ang kasintahan niya ay agaran siyang bumalik dito sa manila at iniwan ang trabaho sa London, i look at him and i can feel his frustration, nasasaktan ako dahil nakikita kong wala siyang makitang paraan kung saan mahahanap ang kapatid ko, he loves Ate so much, i know that he's ready to marry my sister pero nagsunud-sunod ang mga problema.

"I'll hire some investigators, since these useless police can't do there jobs."- malalim na sambit ni Clark at may tinawagan sa phone habang papalabas ng bahay.

"P-peter.. tara! Tara samahan mo a-ak...ako, hanapin natin si ate! Tara n-na.."- naiiyak kong sambit sa kasintahan ko habang yakap pa rin ako nito.

Umiling lang siya sa akin kaya umalis ako sa pagkakayakap niya.

"Absidy hayaan na natin ang mga pulis na gawin ang trabaho nila at baka map—-"- hindi ko na siya pinagpatuloy sa sasabihin niya pa at mabilis akong umiling.

"N-no... they can't! You see? Hindi nga nila mahanap ng isang buong araw ang ate ko tapos sasabihin mo hayaan na lang natin sa kanila? Hindi! Hindi pwede.. h-hindi ko isasaalang-alang ang buhay ng ate ko sa mga walang kwentang pulis na yan!"- duro ko pa sa mga pulis at wala akong pakialam kung anong maramdaman nila.

"Mam! Hindi naman po tama na pagsalitaan mo kami ng ganyan."- napatingin ako sa isang pulis na nagsalita at masamang tumingin.

"Bakit? Nahanap niyo ba ang pinapahanap namin sa inyo? Hindi diba ano pang ginagawa niyo dito? Get out!"- naghihisterikal ko ng sigaw habang inaawat ako ni Peter at ni mommy habang pinagtutulakan na palabas ang nga pulis.

"A-anak, calm down! Please!"- hindi ko pinakinggan si mommy at isa-isang pinagtutulak ang mga ito.

"Absidy stop!"- ramdam kong gusto akong pagalitan ni Peter pero hindi niya magawa ngayon dahil sa sitwasyon ko.

"Anak... kumalma ka pakiusap!"- huminto ako at humarap kay mommy.

"How can i calm down? Ha? Pano mo nasasabe yan?!"- marahas kong pinunasan ang luha ko at tinignan siya sa mga mata.

I see pain, but i don't care!

"Nakalimutan ko nga pala.."- at pekeng tumawa at napayuko pa.

"I almost forgot that you're a useless mother! Wala kang pakialam sa a-..."- bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay may malapad ng kamay ang sumampal sa mukha ko at napatulala ako pero hindi ako nakaramdam ng sakit.

"Tita!"- si Peter habang hinawakan ako sa mukha at iniharap niya sa kanya pero nasa baba ang paningin ko.

"Oo! Oo wala akong kwentang ina. P-pero hindi ibig sabihin nun wala akong pakialam sayo, sainyo ng kapatid mo. Mahal na mahal ko kayong dalawa, hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin lahat ng ito."- tumingin ako sa gawi niya at naghahalo ang nararamdaman ko ng makita kong mabilis na nagbabagsakan ang mga luha niya.

Nerd's B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon