Absidy's POV
Normal na araw. Mahangin dito sa inuupuan ko. Habang pinagmamasdan ang mga istudyanteng naglalakad.
Nakaupo ako dito sa ilalim ng puno. At ang sarap namnamin yung simoy ng hangin. Dito ako madalas kapag mag-isa kagaya ngayon. Tsaka walang masyadong nagpupunta. Dito nakakalimutan ko ang mga problema kahit panandalian. Nakakarelax kasi dito eh.
Ilang saglit pa napukaw ang atensyon ko sa may kumpulan ng istudyante di kalayuan sa pwesto ko. Parang mag binubugbog. Hayss eto talagang mga bully's at mukang isang walang laban sa kanila yung pinapatulan nila. Well bully ako minsan pero hindi umabot sa ganyan.
Ganyan naman sila eh yung mga hindi lumalaban ang kaya lang nila.
So tumayo ako at lumapit duon. Sa lahat ng ayoko may nakikita g ganito. May awa din naman ako paminsan-minsan.
"Excuse me?!"- nahinto sila ng magsalita ako. Napangiti ang iba ng makita ako. They know me. Kilala din ako dito sa school.
"What do you need. Beautiful?"- nandiri naman ako sa lumapit sa akin isa ito sa mga nambubugbog.
"Get out of my sight or else."- banta ko habang matalim na nakatigtig dito. Lumayo naman siya at sinabihan pa akong maarte. Wow ha?!
Alam ng lahat ang ugali ko kaya pag tinignan kita sa mata ng ganon. Warning na iyon.
"And all of you! Get out and stop abusing that whimpy kid."- wala na silang nagawa at nagsi-alisan na.
Wala naman talaga silang magagawa, takot lang na magreport sila.
Naiwan ako at ng isang lalaking nakaupo sa sahig.
"Hey nerd! Get up."- walang gana kong sagot. Tumayo naman ito at muntik pa matumba. Nerd dahil sa suotan niya lalong-lalo na yung malaking eye glasses niya. Typical nerd.
"T-thankyou!"- nagulat ako ng biglaan ako nitong yakapin. Nainis ako at itutulak ko na sana ng may nauna ng gumawa nito.
"Perci?"- takang tanong ko. Hinila niya at kinausap yung nerd guy. At biglang tumakbo palayo.
Nandito kaming dalawa sa cafeteria at niyaya niya akong kumain muna. Ayoko sana lalo na't kilala siya baka kung ano pa isipin ng mga baliw niyang 'fans' kuno. At tsaka libre pa nakakahiya naman baka akalain ng iba wala akong pera. Pero nagpumilit eh so no choice.
Kumain lang ako ganun din siya pero napapansin kong panay ang tingin niya sakin. Well diko siya masisisi.💁🏻
"I smell something fishy... girls"- napahinto ako sa pagkain ng marinig ko ang boses ni Louis.
I just rolled my eyes. Eto na naman balak niya bang surain yung araw ko?
"Hi babe"- malanding sambit nito kay Perci. At humawak pa ito sa balikat niya.
Tumingin sa akin si Louis.
"May kasama ka yata? Yaya mo?"- napa-taas ako ng kilay. What?! Yaya? Ako? What the f! Eh muka pa nga siyang yaya sa suot niya!!!
Hindi ko na pinansin at tumayo na hindi ko na din tinapos ang pagkain ko at baka maihagis ko lang ang pagkain ko sa mukha niya.
"Wait! Wait! Wait."- napahinto ako at humarap. Hindi ako ngumiti bagkus tinignan ko siya sa mata.
"Alam mo. Hindi kayo bagay."- nino? Ni Perci? Eh wala namang kami at tsaka hindi ako interesado sa kaniya.
"What are you saying?"- walang gana kong sagot. Narinig ko siyang tumawa kasama ang dalawang alipores niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/146630952-288-k333109.jpg)
BINABASA MO ANG
Nerd's B*tch
General FictionDANGEROUS BEAUTIES SERIES 1 • Raven Absidy Colastre • Warning ⚠: THIS IS A TRANSxSTRAIGHT STORY. SO IT'S UP TO YOU IF YOU WILL CONTINUE TO READ IT.