The Nerd's Bitch: 17 [Special Chapter]

1.1K 51 4
                                        

A/N: first of all Happy Father's Day sa lahat ng tatay at nanay na tatay pa! hindi pa po ako babalik special chapter lang po ito at sana magustuhan niyo.

Absidy's POV

Father's day...

Isang beses ko lang naman yan naramdam sa buong buhay ko.

Sobrang sarap sa pakiramdam sa mga ama yan kapag binabati sila ng kanilang anak, may sorpresa man or wala ang mahalaga naalala nila.

Never kong nakalimutan yang mahalagang araw na yan, dahil excited ako palagi para batiin si daddy...

But things have changed ng malaman niyang ang nag-iisang unico ijo niya ay hindi tunay na lalake.

Napakasakit sa akin na malamang hindi ako tanggap ni daddy, naalala ko pa noong father's day.

Flashback...

Kahit na inaantok ako ay sinikap kong gumising ng umaga kahit na may mabigat akong nararamdaman.

Bakit?

Because it's father's day!

"For sure bati na kami" napangiti ako sa naiisip ko.

I have to make this day perfect!

Nagpatulong ako sa mga maids na magluto ng adobong manok na may konting anghang, paboritong pagkain iyon ni dad.

Tutulungan pa sana ako ng mga maids sa sala pero nagprisinta akong ako na lang, kelangan presentable nilagyan ko ng puting sapin ang lamesa ayun ang paboritong kulay ng daddy.

Inumpisahan ko ng ilagay ang pinggan.

Tumingin ako sa relos ko.

It's already 8 in the morning.

Bago pa magising si dad ay gumawa na ako ng letter para sa kaniya.

Syempre plain white paper lang para magandang tignan sa mga mata niya.

Lahat ng gusto kong sabihin ay isinulat ko na, napaisip na lamang ako bigla.

"this will be the best father's day ever!"

...

8:30 na ng marinig kong pababa na si daddy kaya patakbo akong pumunta sa kusina at nagsandok sa tasa ng napakasarap na adobo.

"Mmm.. mainit-init pa."- sabi ko matapos amuyin at madama ang init ng bagong luto.

Saktong paglabas ko ay nakaupo na si daddy at si mommy sa tabo niya pati na din si ate Xayzi.

Nakuha ko naman ang atensyon nilang lahat lalo na si dad na nakatitig sa akin.

For sure masaya siya dahil akala niya makakalimutan ko ang araw nato.

"Goodmorning daddy."- at inilapag ko sa lamesa ang isinandok kong adobo.

Nilapag na din ng maids ang iba pang pagkain para naman kay mommy at ate.

"First of all! Goodmornin sa inyong lahat, mommy ate at lalo ka na! Daddy iloveyou!"- masayan bati ko.

"Dad... Happy Father's Day!"- at inabot ko sa kanya ang letter na ginawa ko, kinuha niya ito pero hindi pa niya binubuklat.

"Op op op! Bago ka kumain dad tumulong pala ako sa pagluluto niyan at sinisigurado ko sayo daddt na masarap ang pagkakaluto niyan.- confident kong saad.

At sa wakas nakita kong ngumiti si dad.

"YES!!!"

Sabi ko sa isip ko.

Sinimulan niya ng buklatin ang letter na ginawa ko.

Ngumiti ako kila mommy pero nagtaka ako ng hindi sila nakangiti at parang ang lungkot nila.

Bigla na lang akong napalingon sa side ni dad ng marinig ko ang punit ng papel.

Nakita kong pinunit ni daddy ang letter na binigay ko sa kaniya.

At sa isang kislap ay nasa lapag na ang punit-punit na papel...

Naramdaman ko ang luha sa aking pisngi.

"D-d.... D-dad."- nauutal kong sambit, nagsimula ng manginig ang tuhod ko, at bumilis na din ang pintig ng puso ko.

The smile on his face turned into smirk...

"Raul..."- pagtawag ni mommy kay dad.

"Olive.. ilayo mo sakin yang bata na yan hanggang nakakapagtimpi pa ako."- sa puntong iyon ramdam ko ang galit sa boses ni dad, napa-atras na lamang ako, at naramdaman ko na naman ang takot na naramdaman ko kahapon.

"Hon, pwede bang kalimutan na natin iyon? H-hindi ka ba natutuwa na pinaghandaan to ng anak mo? Father's Day ngayon let's celebr----"- naputol na ang sasabihin ni mommy ng hampasin ni dad ang lamesa.

"No one is gonna celebrate this father's day lalong-lalo na pinaghandaan ng baklang to!"- at dinuro ako ni dad.

"Malay ko ba kung may lason pa yang ipapakain niya sakin?!"- parang may tumutusok naman sa puso ko ng marinig ko iyon.

"Raul! ano ba? Huwag mong pagsalitaan ng ganyan si Abs---"- muling pinutol ni dad ang sasabihin ni mom.

"Raven!"- at tumingin siya sa akin ng may talim sa kanyang mga mata.

"Dad...."- muling tumulo ang mga luhang hirap pigilan.

"Kung mas pipiliin mong maging ganyan pwes! Itinatakwil na kita bilang anak ko."- nakakarinding marinig ang sinabe ni dad.

"Raul ano bang sinasabe mo!"- nakita kong umiiyak na din si mommy habang hawak-hawak siya ni ate na umiiyak rin.

"Wala akong anak na bakla!"- at tumayo na ito pero bago pa umalis sa inuupuan si daddy ay humawak ako sa mga braso nito.

Pero mali yata dahil nagulat ako ng hilahin niya sakin ang braso niya at hindi sinasadyang matabg ni dad ang tasang may lamang pagkain at matapos sa kamay ko.

Naramdaman ko ang init sa aking bilat at napahiya ako sa nangyare.

Napaupo ako sa lapag at kitang-kita ko kung paano nagdire-deretcho si daddy palabas ng bahay ng hindi ako nilingon.

"D-dad... mommy!"- pagtawag ko sa kanila dahil nararamdaman ko parin ang sobrang init sa kamay ko dahil sa mainit na ulam na natapon sakin.

End Of Flashback...

I will never forget that day, that is the worst father's day of my life.

It's like a nightmare to me dahil gabi-gabi kong napapaginipan ang masamang pangyayareng iyon.

Napahawak ako sa thumb finger ko at tinignan ang peklat, napaiyak ako ng muling inalala ko ang nangyare.

Kapag nakikita ko ang peklat nato hindi pwedeng hindi ko maalala ang nangyare sakin.

Bumigat ang pakiramdam ko dahil kahit na walang kasiguraduhan na matatanggap ako ni dad ay gumagawa pa rin ako ng letter para sa kaniya tuwing father's day.

Nagbabakasakali akong bumalik ulit ang lahat sa dati noong bata pa ako.

"Happy Father's Day D-d... daddy"

Nerd's B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon