The Nerd's Bitch: 10

1.4K 75 7
                                        

Absidy's POV

Pagka-baba ko ng tawag ay nag-ayos na ako, pati na din ang mga gagamitin kong pamalit ay inayos kona, ayos na siguro yung apat na araw na wala dito sa walang-buhay na bahay na ito.

Sana lang kahit papaano mawaglit sa akoin lahat ng malukungkot na pangyayari.

Tapos na ako mag-impake ay tinignan ko ang oras sa watch ko.

It's already 3 in the morning kaya for sure medyo malamig and knowing baguio sapat lang makaramdam ako ng malamig hindi dahil magpapasko kung hindi para malamigan ang ulo ko.

Humarap ako sa salamin at tinignan ko kung may problema or kulang pero wala na't okay naman na at tanging ganda ko lang ang nakikita ko.

Agad kong kinuha ang backpack ko at isinukbit na sa likod ko, low-ponytail lang ang ayos ng pahaba ko ng buhok at naka plain white t-shirt lang ako na tinernuhan ko ng black jeans with nude sandals, mamaya ko na isusuot ang jacket ko kapag nasa Baguio na kami.

Lumabas nako ng kwarto at nilock pa iyon baka pumasok dito si Xayzi at may nakawin, lol just kidding.

Napatawa ako ng konti sa iniisip ko.

"Why are you laughing?"- nagulat pa ako ng makitang nasa harap ko na si Ate na nakapantulog lang.

"None of your business, bye!"- at umalis na sa harap niya.

"And where do you think you're going?"- muli akong humarap dito at nakapamewang na ito sabay naka taas ang isang kilay.

Hindi bagay sayo Ate kamuka mo si miss Minchin.

"Again... none of your business."- at binigyan siya ng napaka-gandang ngiti na sa akin lang manggagaling.

"Stupid Brat!"- narinig kong mahinang sigaw nito sakin pero dinedma ko na.

Tsk kung wala lang nag-aantay sakin nasampulan to ng pagkamaldita ko.

pagkalabas na pagkalabas ko ng pamamahay ay siyang dating naman nang isang sasakyan at nakita kong bumaba duon si Peter.

Huminga ako ng malalim bago ngumiti sa kaniya. Lumapit siya at kinuha ang bag ko na naglalaman ng gamit ko, hindi na ako tumanggi dahil ayokong may dala-dala ako.

Pinagbuksan niya ako ng pinto sa harap.

Nang nakasakay na siya ay binuhay niya na ang makina at agad pinaandar.

Ang tahimik, nakakabingi ang walang imikan namin.

Hindi tumagal ay nagsalita na siya.

"Nauna na sila duon."- biglang basag niya sa katahimikan kaya napalingon ako.

"What?!"- at tango lang ang isinagot niya.

Agad na bumalatay sa akin ang hiya.

"Bakit hindi ka pa sumabay? kaka-alis lang ba?"- tanong ko ulit.

Hindi siya lumilingon dahil nasa kalsada ang paningin niya. Bigla siyang ngumiti.

"Naka-alis na sila, kagabe pa."- at nanlaki ang mga mata ko.

""What?! Bakit hindi mo agad sinabe sakin?"- gulat kong tanong.

"Dahil gusto ko kasabay kita, that's all."- prenteng sagot niya.

"That's all? Eh paano kung hindi pala ako pumayag? Edi mag-isa ka lang pupunta?"- tanong ko pa.

"No more questions, for sure naghihintay na sila."- hindi na nga ako nagtanong at hinayaan na lang siya.

At dahil umaga pa ay medyo inaantok pa ako kaya natulog na muna ako.

...

Nagising na ako dahil sa amoy ng pinetree  at ibig sabihin ay nandito na kami sa baguio. Pero hindi pa rin ako dumidilat, humaplos na ang ginaw sa katawan ko pero naramdaman kong may nakasapin sa akin kaya dinilat ko ang isang mata ko at nakita kong may nakapatong sa akin na jacket.

Hindi na ako nagtanong kung sino naglagay sakin dahil for sure si Peter lang naman, speaking of him asan pala yun? Dahil hindi ko naramdaman ang presensiya niya at dun ko palang na-realize na nakahinto ang kotse kaya dumilat na ako at umayos ng upo.

Ginala ko ang paningin ko at saktong nakita ko siyang pabalik na, na may dalang isang paperbag.

"Goodmorning."- nakangiti niyang bati sa akin ngumiti lang ako.

"Eto nga pala, bumili ako ng strawberry, para sayo."- sabay abot sa akin nito na agad ko namang tinanggap.

"Thanks."- tipid kong saad at tinignan ko ang alam ng paperbag at nandun nga ang binili niyang strawberries na naka-sealed pa sa lalagyanan nito at may strawberry jam pa.

Matapos nun ay tumingin naman ako sa kaniya.

"Anong oras na nga pala?"- i asked.

"It's 10 in the morning, hindi na kita ginising dahil ang himbing ng tulog mo."- and i heard him chuckled.

Nag-init naman ang pisngi ko at nakaramdam ng hiya kaya napaiwas ako ng tingin.

"I-i think.... we should g-go now, baka ... k-kasi nag-aantay na ang family mo."- damn Absidy bakit nau-utal ka?

"Okay."- tipid na sagot niya pero ramdam kong ngumiti siya at bumingisngis.

Kaya huminga ako ng malalim at humarap dito at i raised my eyebrow.

"Stop it."- pero hindi siya natinag kaya wala na akong nagawa, at nagpatuloy na kami sa pagbyahr at sinabe niyang malapit na din kami.

Hindi nagtagal ay sinabe niyang nakarating na kami at tinignan ko ang lugar kung saan kami pumaparada sa harap ng isang kahoy na bahay, no hindi siya basta bahay dahil malaki siya at gawa sa kahoy pero maganda habang pinapaligiran ng malalaking pinetree.

Tutok ang mga mata ko dito dahil its so calming.

Kinuha niya ang mga gamit at naglakad na kami papunta sa pinto.

Pumindot siya sa doorbell at ilang saglit la ay binuksan na ang pinto.

Hindi na ako nagulat ng makita ko si Perci, siya ang nagbukas ng pinto at mukang nagulat ito ng makita ako.

"What the?! Absidy what are you doing here? I'm surprised!"- halata nga dahil napanganga pa siya ng makita ako.

I just give him a lame look.

Pumasok na kami ni Absidy at naramdaman ko namang sumusunod sa akin si Perci.

"Why are you here? And bakit mo kasama ang kapatid ko?"- hindi ko siya pinansin at sinagot, i don't know feel ko lang huwag siyang pansinin.

"Absidyyyyyyyy...."- parang batang tawag niya sa akin kanina pa siya sunud ng sunod sa akin hanggang sa ipakilala ako ni Peter sa grandparents niya pati na rin sa parents niya at sa bunsong kapatid niyang babae na si Precious, kaya nairita naman ako lalo ng umupo siya sa tabi ko.

"Absidy why are you so snobbish today"- i rolled my eyes and lumingon dito.

"Can i asked you?"- tanong ko at nakita kong ngumiti ito at umayos pa ng upo.

"Sure!"- parang batang sagot nito.

Tsk!

"Would you like to be the sun of my life?"- bored kong tanong.

Lalong lumapag ang pagkakangiti niya na animoy mapupunit na.

"Awwwww!"- parang kinikilig na sabi niya na may pagkalumbaba pa sa mukha niya at tumingin ng diretso sa akin.

"Yes! Yes of course Absidy!"- masayang sabi niya.

"Good, then... stay 92,935,700 miles away from me!"- naiirita kong sambit dito at nakita kong napangaga siya.

Tumayo na ako dahil tinatawag ako ni Tita Pola mommy nila.

Nerd's B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon