The Nerd's Bitch: 12

1.2K 69 4
                                    

Absidy's POV

Yun na lang ang tanging nasabi ko sa kaniya at agad na pumasok sa loob.

Honestly... kinutuban na ako at parang alam ko na ang sasabihin niya kaya pinigilan ko na siya sa sasabihin niya.

I don't want to assume pero yun yung nararamdaman ko, alam ko kung anong salitang sasabihin niya.

I'd rather have the "nerd" Peter, i could deal with that nerd but i don't know to deal with "this" Peter kaninang nasa harap ko. Madali naman siyang kausapin actually kayang-kaya ko siyang barahin pero ewan ko ba! Biglang nawala ang tapang ko para gawin yun, parang bigla-bigla nagbago siya.

Napahinto lang ako sa paglalakad sa loob ng makasalubong ko si tita Pola.

"C'mon let's talk ija, i want to tell you something."- tumango ako at sumunod sa kaniya, naupo kami sa sofa at may kinuha sa ilalim ng glass table na kaharap ng inuupuan namin.

Isang may kalakihang photo album.

"Delia pakikuha naman kami ng juice please!"- utos niya sa isang maid.

"Ah ano pong pag-uusapan natin tita?"- tanong ko ng hindi pa ito nagsasalita at tumitingin sa photo album na hawak nito.

"Photo album ito ni Peter."- unang sabi niya kaya napatingin ako sa hawak niya.

"Punung-puno nito ang mga baby pictures niya."- nakangiti niya pang dagdag at ako naman ay nakangiti lang dahil hindi ko alam ang sasabihin, dahil nagtataka ako.

"Ito."- at inabot niya sa akin ang isang picture at isang baby Peter ang nakikita ko habang naka-diaper lang at may hawak na baseball bat na mas malaki pa sa kaniya, napangiti ako dahil ang cute niya sa larawang iyon.

"Two years old siya diyan at hawak niya ang baseball bat ng Daddy niya."- nakangiti si tita habang nagke-kwento.

So eto ang paguusapan namin?

"Bata pa lang siya ang tapang niya na, actually mas matapang siya sa kuya niya may times ngang napapaiyak niya ang kuya Perci niya."- at natawa si tita, natawa din ako sa kwento niya.

Ganun? Aba matapang...

Tumabi sa akin si tita at binuklat ang photo album at pinatong ang kabila nito sa lap ko.

Napatingin ako sa nilalaman nito at puro si Peter ang nakikita ko.

Habang nililipat namin bawat pahina ay may mga kinukwento siya about sa anak niya, based sa kwento ni tita, bata pa lang si Peter matapang na siya.

Pero one thing na ipinagkataka ko eh lahat ng mga pictures niya ay hindi siya nakasuot ng salamin.

Umabot na kami sa pitong-taong gulang na mga larawan niya pero still ganun pa din.

"Hindi po ba malabo ang mata ni Peter? Bakit po hindi siya nakasalamin dito?"- turo ko sa mga pictures nung bata pa siya.

Nawala ang ngiti ni tita.

May nasabi ba akong mali?

Napalitan ng lungkot ang kaninang masayang nakikita ko sa mga mata ni tita.

"Sa likod ng mga salamin niya... may kwento."- literal na nangunot ang noo ko sa sinabe ni tita sa akin.

So i got curious...

Umabot ng isang minuto at hindi nasundan ang sasabihin pa ni tita at nakakabingi na ang katahimikan sa paligid namin.

"Ah... tita? What's wrong?"- at hinagod ko ang likod nito dahil biglang lumuha ito.

"Sunog."- isang salita na lalong bumuhay sa kalooban ko para magkaruon ng kuryosidad sa mga sasabihin ni tita Pola.

"Ten years old siya ng mangyari ang sunog sa lumang bahay namin."- panimula ni tita at ako ay nakikinig lang.

Ewan ko pero may kaba akong naramdaman.

"Lahat kami umalis at tanging naiwan lang sa bahay ay siya at ang lola niya. Nung time na iyon hindi kami mahilig sa maids dahil kaya naman namin gawin ang gawaing bahay at dahil ganun ang gusto ng daddy nila."- kwento pa ni tita habang pinupunasan ang mga luhang nagpapa-unahang bumaba sa pisngi niya.

"Tumawag sa akin ang pinsan kong malapit sa lumang tinitirhan namin at sinabeng may masamang nangyayari sa bahay, kaya agad kaming umuwi ng mga mag-ama ko. Kabadong-kabado ako nung mga oras na iyon halos paliparin na nga ng daddy Perry nila ang kotse makauwi lang agad. Nasanay na kaming kami lang ang umaalis dahil mas pinipili ni Peter ang manatilo sa bahay."- narinig kong napabuntong-hininga si tita at hindi ko naman malaman ang sasabihin at gagawin .

Nakaramdam na lang ako ng lungkot.

"Saktong pag-baba namin ay isinasakay na sa ambulansya ang mommy ko lola nila Peter, awa ng diyos ay ayos lang ito at walang mga natamong sugat, maayos na sana ang pakiramdam ko ng maalala kong hindi ko pa nakikita si P-peter..."- muling lumuha si tita at muntik pang mapiyok sa pagke-kwento.

Nagulat ako ng may mainit-init akong naramdaman sa pisngi ko at luha na pala iyon kaya agad kong pinunasan.

Masyado yata akong na-apektuhan sa kwento ni tita Pola.

"N-n....n-nala... man kong n-nasa loob pa ng... nas-...s-sun...nog naming bahay si Peter."- hinawakan ko bigla ang kamay ni tita dahil naramdaman kong naginginig ito.

Biglang dumoble at lumakas ang tibok ng puso ko ewan ko baka dahil sa sasabihin pa ni tita.

"May... may isang oras din bago mailabas siya at mabilis akong lumapit sa kaniya at nakita kong madumi na ang damit niya at madungis na din ang mukha niya, pagka-lapit na pagkalapit ko sa kaniya agad ko siyang niyakap, hindi ako umiiyak nun pero siya nakita kong lumuluha, at ramdam kong pinipigilan niya iyon dahil lagi niyang sinasabeng strong siya at ayaw niya nakikitang panghinaan ng loob at kaawaan siya, pero nang makita ko siya sa lagay na iyon kahit pinipigilan kong umiyak kusang t-tumulo yung mga luha ko.... nung nadala na sila sa hospital ay maayos naman na ang lagay ng lola nila, pero siya...."- huminto muna si tita sa pagsasalita at nagaantay naman ako sa sunod na sasabihin niya pa.

"Maayos naman... sana kung hindi lang lumabo ang paningin niya dahil sa makapal na usok galing sa sunog, walang problema yun dahil maraming paraan upang mapaayos namin ang lumabong paningin niya ang... ang naging problema ay nagkaruon siya ng trauma sa sunog, lalong-lalo na sa dilim dahil kinuwento niya sa amin kung paanong natakot siya sa madilim na bahagi ng bahay at napapalibutan siya ng mga nagbabagsakan at nasusunog na gamit, duon siya na-triggered. Kaya mula noon hanggang paglaki niya nadala niya ang takot na iyon, yun din ang naging dahilan upang hindi namin mapa-ayos ang mga mata niya dahil lagi niyang sinasabeng natatakot siya lagi siyang umiiyak sa akin."- at bigla akong niyakap ni tita.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Kaya sana... Absidy anak, ingatan mo si Peter dahil alam kong may nararamdaman siya para sa iyo, alam kong mahal ka ng anak ko."

Nerd's B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon