The Nerd's Bitch: 3

3.2K 116 4
                                    

Absidy's POV

"T-thankyou."- wala sa sarili kong sabi sa kaniya. Nakahawak pa siya sa bewang ko habang ako ay nakahawak sa likod ng leeg niya. Ilang segundo pa nang ma-realize ko na ang sinabe ko.

Agad akong pumiglas sa kaniya at tumakbo palayo. Hindi ko alam ang ginawa ko. At ano itong nararamdaman ko? Hindi ko dapat ito nararamdaman.

Damn! Erase! Erase!

Ano Absidy?! Magpapakatanga ka na naman! Itigil mo itong lecheng nararamdaman mo!!

Pinaghahampas ko pa ang dibdib ko dahil sa kirot at bigat na nararamdaman ko.

Tandaan mo. Ilang beses ka na niyang niloko't sinaktan. Mababalewala lang iyon kung magiging tanga ka na naman sa nararamdaman mo.

Huminga ako ng malalim bago pumunta sa locker room at nagbihis na . Gusto ko ng umuwi.

Palabas na ako ng school ng may tumawag sa akin.

"Hey! Absidy!"- lumingon ako and nakita ko si Perci na nasa sasakyan niya.

"Let's go. Hatid na kita sa inyo."- i immediately said no at naglakad pabalabas. Agad akong nag-dial ng number ng driver ko at hinihintay makapunta dito.

"Tignan mo ang langit, makulimlim at mukang uulan pa yata."- hindi ko pinansin itong lalaking nakasakay pa din sa kotse niya at nakaharang sa harap ko.

Oo nga makulimlim. Ilang minuto ang lumipas ay wala pa ang driver ko at nasa harapan ko padin siya at nagaantay.

Maya-maya ay biglang bumuhos ang ulan at wala na akong nagawa kaya sumakay na ako sa harap ng kotse niya.

"Sasakay din pala, hinihintay pang umulan."- bulong niya kaya lumingon agad ako.

"What did you say?"- mataray na tanong ko.

"Wala! Sabi ko nabasa ka tuloy."- umismid ako at tumingin sa bintana habang malakas ang ulan.

Pinaandat niya na at halos maiwan ang kaluluwa ko sa bilis niyang magpa-takbo.

"Fuckyou! Dahan-dahan lang baka mabangga tayo!"- kabadong saad ko.

"Sorry."- saad niya ng nakangiti. Peste! Balak niya ba akong patayin sa kaba?

Nakarating agad kami ng bahay at una siyang lumabas na may dalang payong, malakas pa din ang ulan.

Hinatid niya ako papasok at nasa tapat na kami ng pinto. Bubuksan niya na sana ang pintuan ng pigilan ko siya.

"You can go."- walang ganang saad ko wala na siyang nagawa at tumakbo na pasakay sa kotse niya. Humarap na ako sa pinto at bago ko makalimutan at hawak ko pa pala ang payong.

Iaabot ko nalang bukas.

Bago ako matulog ay naligo muna ako.

...
Perci Trajano's POV

That is one great night! Success at buti hindi niya nahalata na alam ko ang bahay nila. Sinusundan ko kasi minsan kapag uuwi na siya kaya nalaman ko.

Tumila na ang ulan at mabilis kong pinark ang kotse ko. Pumasok ako ng bahay at naabutan ko pa ang mga kapatid ko pati na din si mommy.

"Hey kuya!"- lumapit sa akin si Precious, bunsong kapatid kong babae.

"What do you want little sis?"- nakangiing tanong ko dito. Kada uuwi kasi ako may dala akong pagkain or di kaya pasalubong. So bago pa siya magsalita ulit agad kong kinuha sa kotse ang pagkain na inorder ko bago ako dumiretcho pauwi.

Nerd's B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon