Absidy's POV
Muli ko na namang nakita si Juanpa at agad siyang lumapit sa akin para magmakaawa.. ugh i hate this!
"Please... comeback to me! I love you so much babe! I'm so so sorry!"- pero dinedma ko na lang siya at naglakad palayo.
Sa mga sumunod na araw ay hindi siya tumigil na magmakaawa at umiyak sa akin para balikan ko siya, halos araw-araw ganyan siya kung minsan pa inaantay pa ako sa labas ng room namin or di kaya sa labas ng university. Kahit na pinapahiya ko na siya sa maraming tao ayaw pa rin niyang tumigil at sinabe niyang wala siyang pakialam kahit ilang beses ko pa daw siyang ipahiya.
"I never stop loving you kahit wala na tayo."- sambit niya, at lumuhod sa harap ko kahit sobrang daming tao.
"Well guess what i did.. stop loving you."- at sinipa siya.
I know sobrang rude ng ginawa ko but he deserves it naman.
"Hindi ako mapapagod magmakaawa sayo Absidy, hindi ako mapapagod ipakita yung pagmamahal ko sayo!"- and then he do a lot of efforts para mapansin ko siya, ginamit niya pa ang mga students para gawin lahat ng balak niya pati mga kaibigan niya dinamay niya idadamay niya pa dapat mga kaibigan ko but gladly they said no to him.
"You can throw your unnecessary emotions into the trash can there."- at tinuro ko pa ang basurahan at umalis dinig ko pang pinagtatawanan na siya.
...
Ilang weeks niya rin ginagawa ang paulit-ulit na pagmamakaawa niya sa akin at napansin kong naapektuhan na ang pagaaral niya ayon sa sinabe ng mga kaibigan niya, halata naman at pansin ko sa itsura niya.
Isang araw hindi na ako nakatiis at hinaayan ko siyang kausapin ako.
"Please just.. j—just l-l-l...let me.. let me prove that i still love you, let me in again into your life.."- utal-utal niyang saad at pinupunasan ang mga luhang pumapatak sa mga pisngi niya.
"H-hindi ko kaya... hindi ko kayang m-m...mawala ka."- at muling lumuhod at magmakaawa.
Naawa rin ako para sa kaniya, ayoko rin na nakikita siyang ganto.
"Tell me Juanpa...."- at nagangat siya ng tingin.
"Did you love me when we were together?"- hinintay ko siyang sumagot pero wala akong nakuha.
"MINAHAL MO BA AKO!"- sigaw ko dahil nagbalik lahat sa akin ang sakit na naranasan ko.
"Yes! Absidy yes!"- at niyakap ako sa mga binti ko.
"Then tell me anong sikreto niyo ni Louis, at bakit hindi mo magawang sabihin sa akin."- napabitaw siya ng yakap at tumayo.
"Please.."- pero muli akong nagsalita.
"Sabihin mo sa akin! Hindi ko alam kung anong nagawang kong malaking kasalanan kay Louis at umabot kami sa ganito, dahil lang sayo yun diba? Tama ako hindi ba? Dahil lang sa isang lalake, sabihin mo sa akin! Maintindihan ko naman siya pero ang hindi ko maintindihan yung idamay niya ang pamilya ko para magpahiya. Just tell me ng dahil lang sayo yun!"- napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"I don't really want to lie to you. P-pero.."- at yumuko siya.
"Pero ano?"- mahinahon kong tanong.
"Hindi ko ginustong gawin.."- nangunot ang noo ko sa sinasabe niya.
Tinitignan ko siya na puno ng pagtataka.
"A-alin ang hindi mo ginustong gawin?"- hindi ko maintindihan pero mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Nerd's B*tch
General FictionDANGEROUS BEAUTIES SERIES 1 • Raven Absidy Colastre • Warning ⚠: THIS IS A TRANSxSTRAIGHT STORY. SO IT'S UP TO YOU IF YOU WILL CONTINUE TO READ IT.