Prologue

1.3K 18 0
                                    


"Anya Dela vega!"

Napalunok ako sa sigaw ng Isang guro sa hallway. May ginawa na naman itong kasama ko! Sabay kaming lumingon ni Anyasa likuran at nakita ang pawisang filipino teacher naming si sir michael. kilala ng marami dahil sa taglay na kasungitan at strikto sa lahat ng estudyante. tawag sakanya ng karamihan ay Tandang binata.






"Sir...hindi po ako 'yung naghagis ng papel." pangatwiran ni Anya habang papalapit ito sa amin.



"talaga? at sinong tanga ang maniniwala sa'yo?" nakapamaywang na tanong ni sir michael.





"Ikaw." bulong ni Anya na ikina pula ni sir sa galit. narinig niya iyon at pati rin ako.




Nanlaki ang aking mga mata nang pinikot niya ang tainga ni Anya ngunit hindi pa man sila nakalakad ay bumaling na ito sa akin.






"Ikaw." aniya sa akin.





"Po?" inosente kong tugon.




"Anong po? Magka-cutting classes kayo? Hindi ba't nasa mataas na baitang ka? kasama mo iton si Dela vega para mag-cutting classes?"







Napalaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niya.





"Ah, hindi po! Nakasalubong niya lang po ako—"




"Hep! hep! Hindi ko kailangan ang explaination mo!"




Napapikit ako sa hiya. pinagtitigan kami ng mga estudyante kaya sobrang nakakahiya talaga ito!





"Sir..." si Anya.






Dahilan kung bakit nakatalikod na muli ito sa akin habang nakapamaywang na nakikinig kay Anya.






Napakagat ako sa ibaba kong labi habang tintignan silang nag-uusap nang biglang sumenyas sa akin si Anya na umalis na daw. Kaya tumalikod ako at napalunok habang naglalakad papalayo doon.





1 month ago pa lang ang lumipas ito na agad ang bubungad sa akin? Kapag talaga kasama ko si Anya ay naiimpluwensiyahan niya ako! I'm sure na titingin tingin iyan mamaya si sir Michael sa akin sa klase.





Patakbo akong sumulong ng pintuan nang may biglang sumapalpal sa aking noo gamit ang palad.






"Bayad."




I rolled my eyes. This is the rule of our President kapag late ka magbabayad ka ng Ten pesos. Dumukot ako sa aking bulsa at ibinigay sakanya ang Ten pesos.






Pabagsak akong umupu sa upuan ko nang maramdaman ko ang papalapit na si Dennis sa aking upuan. May itiinuro siya sa akin kaya naman agad rin akong napalingon. I saw Sean Malvis holding a guitar. Dumaan ito sa classroom namin kasama ang mga kaklase niyang mahilig sa musika.



"Hindi ba pumupunta sa inyo ang lolo niyan?" Tanong ni dennis.



"Oo..."

"Iba ang punterya niyan!"



"Ni sino?" Nagtataka kong tanong.




"Ha? ede 'yung lolo niya... Iba ang punterya niya kamo! 'diba gusto mo 'yang si Sean?"





Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Itinuon ko na lamang ang atensiyon sa iba.






But my life has changed.



Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Matapos ang pag-uusap namin ni lolo madz ay hindi na ako mapakali habang nakahiga sa kama.

Nagkausap kami ni lolo madz, at gumawa na naman ng kasinungalingan. Hindi ko alam kung mapapatawad pa ba ako ng Diyos sa sobrang dami ng aking kasalanan. Ang sabi pa ni lolo ay  pinabayaan niya na raw ang kumpanya dahil may aayusin raw siyang importante.

Kinuha ko ulit ang cellphone ko at hinanap ang number ng kaibigan ni Sean. Nang i-dial ko ang number nito ay hindi ako mapakali habang hinihintay na sagutin nito ang tawag.

Ipinirmi ko sa aking tainga ang cellphone nang sagutin ito nito. Isa lang ang itatanong ko sa kaibigan niyang ito.

"G-greg? Alam kong alam mo kung nasaan... Si Sean." agad na bungad ko kahit hindi pa man ito nakakasagot.


"Sandy?" Gulat na tanong niya sa kabilang linya.

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi.
"Greg... Nasaan si Sean?"


Bigla ay narinig ko ang katahimikan sa kabilang linya "Sandy... Ayaw kitang saktan sa sasabihin ko. Ayaw kong magsinungaling sa'yo," bumuntong hininga siya.

"Gusto ko lang malaman kung nasaan siya." Hindi ko mapigilan na taasan ang boses dahil sa irita.

"Hindi ko kayang sabihin... Sandy." Anito sa kabilang linya.

Mahigpit kong hinawakan ang Cellphone dahil sa sobrang inis "Hindi ako makakatulog kapag hindi ko nalaman, Greg."

"Sand... You will regret— magsisisi kang marinig ito. I want you to be strong," halos hindi niya ito maituloy-tuloy "He had followed Dhara in New york."

He had followed Dhara in New york.

Are he sure about that? That Sean followed Dhara in New york?

Wala akong naririnig na kahit ano sa paligid sa mga sandaling ito. Kung hindi Inis, sakit, at galit.

Tinatanong ko ang sarili kung bakit nangyari ang lahat ng ito? Nagmahal lang naman ako pero bakit ito ang naging kapalit?


"Sean..." Mahinang tawag ko sa kanya. Napalingon siya sa akin, matalim ang mga titig, at nakatiim bagang ito.

Bumaba ang tingin ko sa hawak hawak niyang Maleta...


My tears started to fall...


"I'm leaving this house. This game is over." Matigas na aniya. Nanginig ang mga tuhod ko sa sandaling ito.


"Why are you so heartless?! Saan ako nagkulang, sean?"  hindi ko mapigilan na sumigaw dahil sa galit na nararamdaman para sa kanya.


"I'm not heartless, I am numb."

That Heartless Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon