Sabi daw ng Doctor ay pwede na akong makauwi dahil Leeg lang naman ang nabali sa akin at hindi ang buong katawan ko.
"Ate... Sabi ng Doctor, Mananatili raw Itong Stiff Neck Brace sa leeg mo ng 6 to 8 weeks hangga't hindi pa gumagaling ang butong nabali sa leeg mo." Si Cindy habang nakaturo sa Isang bagay na nasa leeg ko.
Nahihirapan akong lumingon dahil sa Stiff Neck Brace na ito. Kagabi pa pala ako sinugod sa Hospital dahil nawalan ako ng malay at kanina lang nagising.
Kasalukuyan kaming naglalakad papalabas ng Hospital. Inaalalayan ako ni Cindy kahit na kaya ko naman na maglakad ng mag-isa dahil leeg lang naman ang nabali sa akin at hindi ang paa.
"Si Lolo Madz ang nagbayad ng bill sa Hospital, Kaming dalawa rin ang nag-asikaso sa magnanakaw na pumasok sa bahay ninyo ni kuya Sean—"
"Si Lolo adolfo?" Tanong ko, binalewala ang mga sinabi niya.
Hindi agad siya nakasagot.
"Tinawagan ako ni Lolo Madz kagabi... Timing rin na natutulog na si Lolo Adolfo no'n. Tinawagan ko si Ate Pat para pabantayan si Lolo sa bahay." Aniya. Tinutukoy na 'Pat' ay ang aming pinsan sa panig ni Mama.
Hindi ako nakapagbigay ng reaksiyon. Natahimik lang ako pero bago pa kami makalabas ng hospital ay Kinausap ko ulit ito.
"Wala sa bahay si Sean. N-nasa New York... S-sinundan si Dhara."
Gustohin ko man na umiyak o lumuha ay hindi ko magawa. Para akong Robot na walang pakiramdam. Para akong sanay na sanay kahit na sa totoo ay masakit na talaga. Gusto ko man na sumuko ay hindi ko kayang gawin. Ganito ba talaga kapag mahal na mahal mo siya?
"Sana... This time matauhan ka na."
Dahil sa sinabi niya ay napahinto ako sa paglalakad. Hindi siya nag-atubiling lingonin ako, nauna siyang maglakad sa akin. Para akong ipinako sa aking kinatatayuan.
"Doon ka na muna tumuloy sa bahay hija..."
Nasa kalagitnaan kami ng byahe, Si Cindy ay nakaupu sa Front seat at pareho naman kaming nasa back seat ni Lolo madz.
"Wag na ho, Lo."
Naramdaman ko ang bahagya niyang paglingon "Delikado sa Bahay niyo lalo na't wala roon ang magaling mong Asawa." aniya.
Napabuntong-hininga ako hindi ko alam kung ano ang sasabihin nang isali niya si Sean.
"Na-secure naman po ang Subdivision kaya nag-iingat na rin po ang mga Guard na nagro-ronda roon." Sabi ko.
Nahagip ng aking paningin ang pagkrus ng mga braso ni Cindy.
Napasinghap si Lolo madz. agad siyang napasentido.
"I will call Sean Malvis. Pauuwiin ko siya. Sa ayaw at sa gusto niya." Mariin niyang usal.
Napalunok ako ng paulit-ulit. Every word he speak is a promise. Katulad niya rin si Sean Malvis Ramos.
Pansamantalang pinahiram ni Lolo Madz si Manang Cynthia sa akin upang may makakasama ako sa bahay.
Isang buwan at Limang linggo na ang nakalilipas, hindi parin nakakauwi si Sean. Sa araw na ito ay makakatrabaho na ako, Tinanggal ko na ang Stiff Neck brace sa aking leeg. Mabilis kasi itong Gumaling.
"Naku si Ma'am! Ang ganda ganda!"
Hindi ko naman mapigilan na mapangiti dahil sa magandang pagbungad sa akin ni Manang Cynthia sa akin.
"Bolera ka pala Manang?" natatawang ani ko.
ngumisi siya sa akin. Maya-maya pa'y nawala ang ngisi niya at biglang may inalala.
BINABASA MO ANG
That Heartless Husband (Completed)
RomanceNang si Sandy ay makapasok sa High School, doon niya unang nakilala ang lalaking agad na nagpatibok ng kanyang puso. Kahit na unang kwento pa lamang ito ng kanyang Lolo tungkol sa lalaki, hindi na mawala sa kanyang isip at puso ang mga katangiang na...