Nang matapos ang aming hapunan at pag-uusap ay mabilis na akong nagtungo sa kwarto ni sean. Naiwan siyang nakikipag-usap kay lolo.
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni lolo madz kanina at gano'n rin si Sean. I know Sean will make a way, Si sean pa. Mautak siya katulad ni lolo madrid.
Mautak ang pamilyang Ramos, Kapag nagku-kwento si lolo adolfo about sa family nila ay hindi ko maiwasan na mapahanga.
Pumwesto na ako sa kama, sa bandang gilid ako nahiga kahit na sobrang lawak pa nito. Napahinga ako ng maluwag na nakatingin sa puting kisame, kahit nakapatay na ang ilaw at tanging lamp shade na lang ang tanging liwanag ay nakikita ko parin ang kabuoan ng kwarto niya.
Kinuha ko ang Cellphone ko na nakapatong sa aking dibdib. Agad na tumambad sa akin ang larawan ng aking lolo at kapatid na babae nang buksan ko ito.
"Sorry... Dahil hindi ko natupad ang pangarap niyong mapunta sa lalaking mamahalin rin ako katulad ng pagmamahal ko sa inyo."
Hinaplos ko ang larawan nila sa aking cellphone. Naluluha akong napapikit ng mariin habang dinadama ang sakit na aking nararamdaman.
Maya-maya pa'y narinig ko ang papalapit na hakbang mula sa pintuan ng kwarto. Agad kong in-off ang cellphone ko at tumalikod habang yakap-yakap ang malambot na unan.
Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Ang mga hakbang ay papalapit na ngayon sa higaan. Pinakiramdaman ko ang bawat galaw nito.
Ilang segundo pa ang lumipas bago umuga ang kama. Naramdaman ko na may inilagay ito sa likuran ko. Gusto ko man itong lingonin ay hindi ko magawa.
Upang hindi mahalatang gising pa ako ay dahan-dahan akong napaharap, kunyari'y 'Nadisturbo' niya ang pagtulog ko. Agad na sumalubong sa aking mga mata ang nakahelirang unan sa pagitan naming dalawa, mula ulohan hanggang sa paanan.
Hindi ko man siya makita o masilip ay ramdam ko naman ang pagtayo niya sa kama. Narinig ko ang mabibigat na yapak ng kanyang paa sa sahig patungo sa kung saan.
Umuga ulit ang kama.
He took his guitar. Then the guitar string conquered silence inside the bedroom.
I did not decided to close my eyes, I want to hear his voice."I came to you and never asked too muc
Wondering what you would say
Hoping you'd understand
It's not a role I usually play
Don't speak too much of what's been going on
The past is over and gone
Give me your troubled mind
You know it's used
I can do so much for you
I want you..."I want to hear his voice, even with his voice, I will also feel his love to music, Guitar, at sa akin... na kahit kailan ay hindi mangyayari.
Nakatulogan ko ang pakikinig sa pagkanta niya. Nagising lang ako kinabukasan dahil sa malakas na paghilik ko samahan pa ng tumatamang sikat ng araw sa aking pisngi.
Napamulat ako ng wala sa oras nang maramdamang hindi ako masyado makahinga. Halos mapa 'o' ako sa gulat ang dahilan.
Sean is peacefully sleeping beside me!
Kaya pala nahirapan akong makahinga dahil sa mabigat na brasong nakapulupot sa aking baywang, sinakop ng kanyang kaliwang braso ang aking baywang.
Ang kanyang mukha ay nakapatong sa aking kaliwang siko, ang gwapo niyang mukha ay tinatamaan ng sikat ng araw.
Ang kanyang kilay na madalas na nagkakasalubong ay makikita mo ngayong dumidistansiya, Ang tangos ng kanyang ilong ang nagsasabi na siya ang gwapong nilalang sa umaga, labi na may kupidong hugis o Cupid shape lips ay nang-aakit sa sobrang nipis at mala-rosas na kulay nito.
BINABASA MO ANG
That Heartless Husband (Completed)
RomanceNang si Sandy ay makapasok sa High School, doon niya unang nakilala ang lalaking agad na nagpatibok ng kanyang puso. Kahit na unang kwento pa lamang ito ng kanyang Lolo tungkol sa lalaki, hindi na mawala sa kanyang isip at puso ang mga katangiang na...