Kasalukuyan akong nagliligpit ng aking mga gamit dahil oras nang uwian ng mga Empleyado sa kumpanya. Nakita ko kaagad sa gilid ng aking mata si Dennis na papalapit sa aking Direksiyon. Inilagay ko na ang Shoulder bag sa aking balikat.
This time ay 5:58 PM na ang aming uwian, marami kasing ipinaasikaso si Sir sa amin, kaya naman matamlay na tumungo sa akin si Dennis, may hawak-hawak itong Cheese curls sa kaliwang kamay at minsan pa'y napapahilot sa sentido.
"Kailan naman kaya bibisita si Engineer dito?" Matamlay na tanong niya.
Lilingon na sana ako sa Cubicle ni Anya ngunit naglalakad na pala ito papalapit sa amin, Naunang maglakad si Dennis na matamlay. Napairap ako at napapailing.
"Abala na si Engineer. gusto mo pang abalahin?" Mataray na saad ni Anya sa kanya.
Awtomatikong napahinto si Dennis sa paglalakad "Bisitahin ko kaya siya paminsan-minsan?"
Nagreact kaagad ang aking labi, I smiled. Nang makalabas kami sa Opisina ay panay ang pagsasalita ni Dennis sa unahan. Halos patungkol lamang iyon kay Brylex ngunit hindi ako nakikinig sa kanya.
"Kumusta kayo ni Sean?" Rinig kong mahinang tanong ni Anya sa akin.
Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Para bang may bumara sa aking lalamunan dahilan upang hindi ako makapagsalita. Nakatingin alang ako sa aking nilalakaran.
"Dapat ay magtaka ka Sandy. Itanong mo sa sarili mo Kung bakit?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, aaminin kong medyo nainis ako sa kanya kahit na sinasabi ko sa aking sarili na isa lamang itong pagpapahayag ng kanyang damdamin.
"Sincere siya nang sabihin niyang mahal niya rin ako, Anya."
Napasinghap siya "What if... He is just pretending?"
My eyes turn to her, I strongly looked at her. Hindi ko kakayanin kapag nalaman kong isa lamang pagpapanggap ni Sean ang ginagawa niya. Namulat ako sa mundong tinanggap lahat ng sakit na ibinabato sa akin, kahit ang masasakitna karanasan ko kay Sean ay tinanggap ko. Sinugal ko ang mahabang pasensiya ko para sa isang Sean Malvis Ramos.
"Una na ako sa inyo.. Pasensiya na hindi ko kaya mahahatid sa ngayon." Ani Dennis, Nakadungaw ito sa bintana ng kanyang sasakyan.
Aniya'y may pupuntahan pa pala itong importante kaya hindi niya kami mahahatid pauwi. Pinagmasdan namin ni Anya ang sasakyan niya na papalayo.
Ngunit maya-maya pa'y may humintong taxi sa aming harapan. Sumilip ako roon at namataan na Isang tao na lamang ang makakasakay. Napalingon ako kay Anya na nagkakamot ng Kilay."Ikaw na ang sumakay, naghihintay na doon si Koykoy," Sabi ko sa kanya.
Napanguso siya, "Pa'no ka naman?"
Napairap ako dahil sa tono nito "Maraming Taxi oh," sabi ko sabay turo sa paligid.
Ngumiti siya at niyakap ako ng mabilis. Kumaway ito at pinaalalahanan pa ako bago tumulak paalis ang taxi.
Sean:
This is Sean, Pauwi kana ba?Ako:
Yes, hintayin mo na lang ako diyanNapangiti ako pagkatapos ireply 'yon sa kanya. Hindi ko na hinintay pa ang irereply niya. Abot hanggang kawalan ang tibok ng aking dibdib nang madapuan ng tingin ang aking katabi.
Dahil sa inis ay nahampas ko ito ng malakas sa balikat."Alam mo bang ikamamatay ko na ang pasulpot-sulpot mo sa aking gilid?!" hindi ko maiwasan na singhalan ito dahil sa inis.
Tumawa siya at napapailing-iling. Napapahawak pa ito paminsan-minsan sa aking balikat dahilan upang mas lalo pa lamang akong mainis sa kanya. Hinawi ko ang kanyang kamay sa aking balikat at padabog na iniwasan siya.
Nagsalubong kaagad ang aking kilay nang marinig ang halakhak niya."May nakakatawa ba?" Inis na tanong ko rito sabay lingon sa kanya.
"Nakakatawa ka kasi,"
Tumalim ang titig ko sa kanya at nagtiim bagang. Gusto kong suntokin ang nakakainis na pagmumukha niya. Maya-maya pa'y umaliwalas ang mukha niya at nauwi sa pagsinghap.
"Gusto mo bang ihatid na kita sa inyo?"
Tumawa ako ng peke, Nilakasan pa. Inirapan ko siya "Nakakatawa ka rin 'no?" kunyari ay natatawa pero bakas ang pagtataray ko rito.
"Bakit ba ang Suplada mo?"
"Ano bang pakialam mo?"
"Hindi kasi bagay sa'yo."
Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Mabilis akong humugot ng malalim na paghinga. Isa na lang. Isa na lang talaga. Masasapok ko na siya!
Bago pa umusok ang ilong ko sa galit ay kinalma ko na ang aking sarili. Iniiwasan kong kalabanin ang mata niyang mapanukso "Pwede ba. Lumayo-layo ka sa akin at baka masipa kita diyan."
Sinunod niya ang sinabi ko, Umatras siya ng kaunti at biglang sumeryoso ang mukha. Ibinalik ko muli ang atensiyon ko sa paghahanap ng masasakyan. Ang nakakainis lang rito ay iyong dinadaan-daanan ka lang ng mga sasakyan.
"Baka umagahin ka rito sa paghihintay,"
"Wala kang pakialam."
"Suplada talaga," Bigong aniya.
"Ede' wag ka makipag-usap sa akin kung nasusupladahan ka!"
Basic! tanga niya rin dahil kinakausap at may pasulpot-sulpot pa siyang nalamaman sa akin.
ipinagkrus ko ang aking mga braso, Naglakad siya. ngayon ay nasa harapan ko na siya."Ihahatid na kita," Presenta niya.
tinaasan ko lang siya ng kilay at tinarayan. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Hindi siya nagsasalita at nakatayo lamang ito sa aking gilid, napanguso ako nang mpagtanto ang oras, sumulyap ako sa kanya na ngayon ay abala na sa kanyang Cellphone.
"Kumusta naman maging isang engineer?" Hindi ko inaasahang na matanong iyon sa kanya.
"Hindi naman mahirap, hindi rin madali, Sakto lang."
Sumunod ang tingin ko sa kamay niyang itinaas niya at kinaway-kaway ang susi sa daliri niya. kasabay no'n ay ang malakas na hangin na tumama sa aking katawan. Dinama ko iyon at sandaling bumuntong hininga. Iminulat ko ang aking mga mata at agad siyang ginawaran ng ngiti.
"Payag na ako,"
umawang ng kaunti ang kanyang labi "Sa alin?"
Napapikit ako ng mariin "Na ihatid mo ako sa amin,"
BINABASA MO ANG
That Heartless Husband (Completed)
RomanceNang si Sandy ay makapasok sa High School, doon niya unang nakilala ang lalaking agad na nagpatibok ng kanyang puso. Kahit na unang kwento pa lamang ito ng kanyang Lolo tungkol sa lalaki, hindi na mawala sa kanyang isip at puso ang mga katangiang na...