Kumatok ako ng maraming beses sa kwarto niya, Maraming beses at paulit-ulit. Humahagulgol ako habang tinatawag ang pangalan niya ngunit wala akong naririnig na tugon mula sa kanya.
Paulit-ulit akong humihingi ng tawad kahit alam ko naman sa sarili ko na wala akong kasalanan. Nagmamakaawa. Para akong mababaliw dahil hindi ko matanggap ang mga sinabi niya sa akin.
Nag-vibrate ang Cellphone ko ng ilang beses. Napasinghot ako, hawak-hawak ko pa pala ang Cellphone ko. Binuksan ko ito at napag-alaman na tumatawag si Lolo Adolfo. Napaluha ako at napatingala, pinakatitigan ko ang nakasaradong pintuan ng kwarto ni Sean.
Bago sagutin ang tawag ay inayos ko muna ang aking sarili tsaka naglakad patungo sa aming kwarto. Feeling happy, Ito agad ang tumatak sa utak ko. Hindi pwedeng maging malamya kapag kinakausap ang lolo.
Una kong narinig ang natatawang boses ni lolo Adolfo sa kabilang linya, Pinalis ko ang luhang dumaloy sa aking pisngi tsaka ulit naglakad patungong balkonahe. Umupo ako sa upuan na nandidito sa balkonahe.
"Apo? Apo? Nariyan ka ba o wala?" Bakas ng pagbibiro sa kanyang boses.
Natawa ako na naiiyak, tumutulo ang aking luha habang natatawa. Naaawa ako sa dalawang matanda, wala silang kaalam-alam, hindi nila alam ang nangyayari sa amin ni Sean.
"Nandito po ako Lolo!" Kunyari ay nasisiyahan ako sa pagtawag niya.
Napatingala ako sa itaas, Kaunting buwan at kaunting bituin lang ang aking nakikita. Hindi ako nakakaramdam ng lamig sa gabing ito, malakas kasi ang simoy ng hangin.
"Kumain na po ba kayo?" Tanong ko nang hindi ko na narinig ang kanyang boses.
"Aba'y oo! Ikaw? Kayo ni Sean? Ng mga anak mo?" Sunod-sunod na tanong niya.
Biglang sumikip ang dibdib ko sa narinig. Hindi ko alam ang aking isasagot. Mahirap pala talaga kapag ganito.
"L-lolo! Wala pa po kaming anak." Napakagat ako sa aking pang-iibang labi, napapikit at napatingala.
"Biro lang apo..." Natatawang aniya.
"Hi Ate!" rinig kong singit ni Cindy.
Sinusubukan kong magpakatatag sa mga sandaling ito pero kahit na anong gawin ko ay tumatakas parin ang luhang kumakatok sa mga mata ko.
"Ate?"
Tinakpan ko ang bibig ko, nanginginig ang bibig ko sa bawat mahinang hagulgol ko. Hindi ko alam kung saan ako iiyak at hahagulgol ng malakas, hindi ako komportable sa lugar na ito kasi ang lugar na ito ay kasiyahan ko.
Iyong pinakamasakit na parti sa buhay ko ay iyong dapat tanggapin ko lahat ng pasakit na darating sa buhay ko. Iyong mga oras na may pagkakataon na akong tumawa ay nahahantong parin sa lungkot.
Alam kong may pag-asa, pero hanggang kailan ako aasa?
Tinanggap ko noon ang pagkamatay ng mga magulang ko dahil alam kong wala ng pag-asang mabuhay pa sila, ang makasama sila, pero ang mawala si Sean sa buhay ko ay hindi ko makakaya. Bukod kina Lolo at cindy ay siya na lang itong lalaking natitira sa buhay ko, Ang pinangarap kong lalaking makakapiling ko sa habang buhay dahil sa kanya natoto akong maging matatag sa isang sitwasyon sa buhay.
"Ate? Ok—"
Hindi ko siya pintapos dahil agad kong pinatay ang tawag.
BINABASA MO ANG
That Heartless Husband (Completed)
RomanceNang si Sandy ay makapasok sa High School, doon niya unang nakilala ang lalaking agad na nagpatibok ng kanyang puso. Kahit na unang kwento pa lamang ito ng kanyang Lolo tungkol sa lalaki, hindi na mawala sa kanyang isip at puso ang mga katangiang na...