Bibisita ako sa bahay, Gusto kong kumustahin ang Lolo Adolfo ko. Iyon ang sadya ko sa pagtungo sa opisina ni Sir. Aniya'y ngayon na nga lang ako pumasok ay half day pa ang pasok ko ngunit hindi rin naman siya sumalungat, pumayag ito at ibabawas na lang raw sa aking sweldo.
Kaya naman kapag dumating na ang oras para sa Lunch time ng mga empleyado ay pwede na akong lumarga patungong bahay namin. Sabado rin naman ngayon at walang pasok si Cindy sa paaralan.
Tinignan ko kung anong oras na sa Cellphone ko. 10:30 AM na. Awtomatiko kong inayos ang mga gamit ko at nilagay sa Bag. Namataan ko sa gilid ng aking mga mata ang papalapit na si Dennis. Sumulyap ako sa kanya, may hawak itong Pik nik sa kaliwang kamay at dumudukot naman ang kanan kamay niya sa loob nito.
"Oh? Hindi pa nga Lunch time nag-iimpake kana riyan?" Aniya nang makalapit.
"Bibisita ako sa amin,"
Tumango siya kapag kuwan ay biglang natigilan "Bibisita ka kina Cindy? Alam na ba ito ni Sir?"
Pumaling ang ulo ko sa kanya "Oo," Maikling sagot ko.
"Hindi ka pala namin makakasamang mag Lunch?" Tunog malungkot na wika nito.
His mouth seemed to be breastfed, sa halip na napapanguso ay nagmukha siyang sumususo.
"Gusto mo bang sumama?"
"Ah, hindi. Mababawasan ang sweldo ko."
I find my little mirror inside my bag, This is what I do often. fixing myself, Put a little make-up on the face. I'm doing this, every time I felt boredom. Although quite unprofessional in putting Make-up.
When I finished putting up a make up ay doon lang rin naman nagsalita si Dennis.
"Ilang araw ng hindi nagpapakita si Baby Engineer." Aniya, sumulyap siya sa katabi kong Cubicle dahil tumayo ang empleyado.
Hinigit niya ang Swivel chair at umupu rito. Nakapatong na ngayon ang braso niya sa tuktok ng hiligan ng upuan, nakapirmi naman ang mga palad nito sa ilalim ng panga niya.
"Busy na siguro sa Girlfriend niya..." balak ko siyang inisin.
Sinamaan niya ako ng tingin at tamad na humilig sa Swivel chair.
"Wala kaya siyang Girlfriend!" Nakasalubong kilay niyang Wika.
"Meron,"
Sumulyap siya sa akin binigyan ng masamang titig "Wala."
Natawa ako dahil sa hitsura niya "Meron. Tignan mo..." sabi ko sabay kuha ng salamin at itinutok sa kanyang mukha.
"See? Nagagalit pa nga." humalakhak ako sa tawa nang makita ang pisngi niyang namumula.
Hinampas niya ako ng mahina "Sandy!" pabebe niyang wika.
Sinulyapan ko ulit ang oras sa aking cellphone. 11:03 AM na. Ang ibang mga empleyado ay nagsilabasan na rin sa Opisina. Tumayo na ako at binitbit ang ang bag.
Hindi pa man ako nakakalakad ay bigla ng nakalapit si Anya.
"Oh? Where are you going?" agad na tanong niya nang mapansin na dala ko ang aking bag.
"Bibisita kina Cindy,"
Agad siyang sumimangot "Gano'n? Nagpaalam kana ba kay Sir?"
Tumango ako sa kanya.
"Gano'n? Gusto mo bang ihatid kana namin?"
Agad akong umiling.
"Kaya ko naman, tsaka need niyong mag Lunch muna..."
BINABASA MO ANG
That Heartless Husband (Completed)
RomanceNang si Sandy ay makapasok sa High School, doon niya unang nakilala ang lalaking agad na nagpatibok ng kanyang puso. Kahit na unang kwento pa lamang ito ng kanyang Lolo tungkol sa lalaki, hindi na mawala sa kanyang isip at puso ang mga katangiang na...