Kabanata 12

302 7 0
                                    

"Engineer ka pala?" Si Dennis.

Unang inihatid si Anya sa Condo apartment nito, pangalawa ay ako dahil baka daw kidnappin ako nutong brylex na'to ani Dennis.

"Yes! Una kong naging proyekto ay ang kumpanya namin..." Mayabang na ani nito.


Napangiwi naman ako dahil mayabang naman na talaga siya kahit hindi siya magsalita "Kaya naman pala..." pabulong na sabi ko.

Tumikhim si Dennis nang marinig iyon.

"Gano'n? Nakakaproud naman! Pwede mag tanong? Baka kasi— May girlfriend ka na ba Engineer?" Diretsong tanong ni Dennis rito.

Naglikha ang brylex ng pekeng tawa "Wala pa naman,"

Tumikhim muli si Dennis sa tabi ko kaya hindi ko maiwasan na lingonin siya.


"Ilang taon ka na ba?" Si Dennis ulit.


"25,"

Lumingon si Dennis sa akin "Matanda ka pala ng Isang taon sa kanya?"


"E ano naman ngayon sa'yo?" Irita na tanong ko.

Bakit ba panay ang lingon ng isang ito sa akin? Balak niya ba akong asarin sa palingon-lingon niya?

"Hey Saan na 'to?" Tanong ni Brylex na malamang ang daan ang tinutukoy.

"Kumanan ka," Sagot ko.


Nilingon ko si Dennis na palihim na kinukuhanan ng litrato si Brylex. Napailing-iling ako sa ginagawa niya.


"Did you notice that someone's capturing you?" Mariin na sabi ko kay Brylex habang ang mga paningin ay na kay Dennis.


Agad na naalarma si Dennis at tsaka tinago ang Cellphone.


"Sanay na ako..." Natatawang ani Brylex.


Nilingon ko si Dennis na Inirapan ako at nakngisi pa.


"Sorry nga pala kung tinawag kitang 'Desperada' Realtalk lang. Mukha ka kasing Desperada."

Nangunot ang noo ko "Gusto mo bang matadyakan?"

Tumawa siya "Biro lang,"


"Nakakatakot pa lang mag biro sa'yo 'no? Baka masilayan ko ng wala sa oras si San pedro't hindi ko pa naman nahahanap ang Destiny ko."

Agad na nagkatinginan kaming dalawa ni Dennis. Tumaas baba ang kanyang Kilay.

"Ano ba ang tipo mo sa babae?" Tanong ni Dennis. Nagfe-feeling babae.

"Wala,"

"Ha?" Takang tanong ni Dennis.

"Nakapagtataka ba? Wala akong tipo o Ideal girl. Ang gusto ko lang ay iyong iparamdam niya sa akin kung paano tumibok ang puso ng isang Engineer. Hindi ko hangad ang maganda, sexy, Edukada, matalino, maarte, at mayaman  na babae sa buhay ko. I really want is love... A true love. Alam kong naglalakad na iyon, natalisod lang. Kaya kung dadating man siya sa buhay ko ay talagang hindi ko na ito papakawalan pa."


Inis kong sinulyapan ang katabi ko. Pinaypayan ang sarili sa kilig gamit ang Kamay.

Nakakahanga rin pala ang abnormal na anak ni Sir.

Minsan lang sa buhay mo ang makatagpo ng ganitong lalaki. Hindi maarte sa pag-ibig. Abnormal nga lang.

"Wala sigurong Ex 'to..." bulong ni Dennis sa akin.

That Heartless Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon