Matamlay akong pumasok ng trabaho kinabukasan. Bumabagabag parin sa aking isipan ang kahapon. Nasaktan ang kapatid ko sa nalaman kaya ganito na lamang ako kung kumilos.
Nagtaas ako ng tingin nang marinig ang nagtatawanan papasok ng opisina. Ang ibang mga empleyado ay nasa mga cubicle nila nakaupu ang iba naman ay panay ang pag-uusap at ang dalawang paparating naman ngayon ay sobrang ingay habang papasok.
"Bukas agad?! May lakad ako 'no! Tanungin muna natin si Sandy." rinig kong saad ng bakla.
Agad kong narinig ang papalapit nilang mga yapak sa aking cubicle kaya naman ay hinanda ko na ang sarili ko para sa kanila.
"Magandang umaga..." agad na bati ni Anya sa akin nang tuloyan ng makalapit.
Nilingon ko sila mula sa aking likuran gamit ang inuupuan kong swivel chair. Ipinatong ko ang kaliwang siko sa kamay ng swivel chair at ipinako ang kamay sa sentido.
"Anong problema natin, girl?" nakataas kilay na tanong ni Dennis.
Sinulyapan ko lang siya at hindi sinagot. Siniko siya ni Anya at inirapan ng pangalawang beses.
"Are you okay? Sand—"
"Tinatanong mo pa as usual si Sean na naman ang pino-problema niyan." singit ni dennis.
Siniko ulit siya ni Anya dahil sa inis, Pinanlakihan ng mata at inirapan. Nanood lang ako sa kanila.
"You know what, sandy... Think too occasionally." napapabuntong-hiningang wika ni Anya.
"Or... Maghiwalay na lang kayo." saad naman ni Dennis.
Sinamaan siya ng tingin ni Anya dahil sa sinabi niya "Dahil ikaw ang papalapit?! Sandy... Wag kang hahantong na maisipan mo ang sinabi ni bakla, Fix everything. Don't give up."
Napatingin ako kay Anya. Sa hitsura niya ay seryoso siya at galing sa puso ang mga sinabi niya.
Napasinghap ako "I'm a bit bored in the office ano ba ang pinagsasabi niyo riyan?"
Ayaw kong mag-alala sila sa akin. Lagi na lang sila 'yung sumasalo sa problema ko. Nakakarami na ako.
Nagkatinginan sila sa isa't isa. Isang tingin lang nila ay nakuha agad ang ibig sabihin.
Napanguso naman si Dennis "Oh siya nga pala may sasabihin kami!" excited na wika ni bakla.
Ngumisi si Anya sa akin "Sasama ka ba bukas? bar lang—"
Hindi ko pinatapos si Anya sa pagsasalita "Hindi," agad na sagot ko.
"See?" Ani Anya.
Napairap ng ilang beses si Dennis sa akin "As always..." aniya.
"Hindi rin ako sasama... May dinner date kami ni Gaven bukas, wrong timing ka." nakangising saad ni Anya.
Napailing-iling ako at tamad na inikot ang swivel chair para talikuran sila.
"Sandy..." bigla ay narinig ko ang pagtawag ni Dennis sa akin.
Ipinagsiklop ko ang aking mga daliri at napapikit ng mariin. Hinihintay ang kanyang sasabihin.
"Wag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko sa'yo..." pabitin na aniya.
Napamulat ako sa narinig. Hindi ko pa man naririnig sa kanyang bibig kung ano ito ay pinapangunahan naman ako ng aking kaba sa dibdib.
BINABASA MO ANG
That Heartless Husband (Completed)
RomanceNang si Sandy ay makapasok sa High School, doon niya unang nakilala ang lalaking agad na nagpatibok ng kanyang puso. Kahit na unang kwento pa lamang ito ng kanyang Lolo tungkol sa lalaki, hindi na mawala sa kanyang isip at puso ang mga katangiang na...