Kabanata 25

337 11 2
                                    

Kung gano'n ay sino ang nagpadala no'ng giant bouquet flowers? At... 'yung mga pagkain na nakalagay sa tupper wear? May pa letter pa! At nagte-text pa sa akin noon.

Kaya naman bago pa siya tuloyan na maglakad papunta sa elevator ay tinawag ko na siya. Agad siyang lumingon sa akin, nagtataka ang kanyang mukha nang makita akong nakatayo at parang hindi alam ang sasabihin.

"Kasi.. May itatanong ako sa'yo..."

Bigla ay tumaas ang kanyang kilay, Naghihintay sa itatanong ko. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi.


"Ikaw ba 'yung nagbigay sa akin ng Giant bouquet flowers?" Nanginginig ang kamay ko sa maaari niyang isagot sa akin.


Umaliwalas ang kanyang mukha, "Hindi?"

Tila ilang kaluluwa ang sumanib sa aking katawan. "Anong hindi? Kulay dilaw pa nga ang mga rosas na binigay mo."

Kumunot at napaatras ang kanyang mukha ng bahagya. kaya naman ay nagpamaywang ako, nakakainis! Alam kong siya iyon! Ayaw niya lang aminin.

Natawa siya at napakamot sa kanyang sentido "Ha? Bakit ko naman gagawin 'yon?"

Napatigil ako. Tama! Bakit nga niya naman gagawin 'yon? E, si Cindy ang gusto niya. Akala ko rin kasi no'n ay ako ang gusto niya. Tche! e, kung si sean pala iyon? ano naman ngayon? kahit siya 'yon... wala akong pakialam, galit lang ang pumapasok sa isip ko sa tuwing siya ang inaalala ko.

"Pwede ba kitang ipasyal bukas?"


Naningkit ang mga mata ko.

"Ipapasyal mo ako?" gulat na gulat kong sabi.

Tumango siya sa akin.


"Oo," Sagot niya sa akin.


"S-sige..."

Kumindat siya sa akin bago gulohin ang buhok kong namamayapa "Take care of yourself..."

Napabuntong-hininga ako. Hinintay ko muna siyang makapasok ng elevator bago huminga ng malalim.

"Sandy."

Nangunot ang noo ko sa tumawag sa akin, alam kong nasa likuran ko ito nakatayo dahil ramdam ko ang presensiya nito "Yes?—" 

Bigla akong napaatras nang makita ko si Sean sa aking harapan.

"Anong ginagawa mo dito?" Wala sa emosyon kong tanong rito.

Kahit hindi pa nakakasagot sa akin ay naglakad na ako para makalayo sa kanya.

"Sandy.. Mag-usap tayo.." Aniya sabay hablot sa baywang ko.

Inis ko siyang hinarap "Mag-usap? Wag mo akong kausapin!"

Nagtama ang mga mata namin. Bumagal ang lahat nang masilayan ko kung gaano kalungkot ang kanyang mga mata.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?! Kausapin mo muna ako."

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa galit na tono niya.

"Nag-uusap naman tayo ah! Ano pang usap ang gusto mo?!"

Umaliwalas bigla ang mukha niya "May gusto akong sabihin sa'yo.."


Napasinghap ako ng matonohan sa boses niya ang paglalambing.


"Hindi ako interesado sa sasabihin mo kaya umalis kana." pilit ko itong tinaboy dahil naiinis ako sa presensiya niya.


"Sandy!"

"Ano bang gusto mong sabihin?!"

"Sasabihin ko lang kung sasama ka sa akin."

That Heartless Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon