Kabanata 11

303 7 0
                                    

Kinabukasan... Ay sobra ang hiya ko sa mga empleyadong bumabaling sa akin. Iyong mga mata nilang hindi ko malaman kung galit ba ang mga ito o ano?




Napayuko ako habang naglalakad sa Cubicle partition ko pero gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang dalawang kaibigan ko mula roon.






May Ininguso si Dennis sa akin at doon ko lamang nakita ang Kulay Sky blue ulit na Tupper wear ngunit hindi ko iyon pinansin.





"You know how embarrassing you did yesterday?" Mariin na tanong ni Dennis sa akin.




napatingin lang ako sa kanya at napanguso. Wala akong maisasagot. Talagang nakakahiya iyon.



"Tumigil ka nga, Dennis. Palibhasa'y gwapo kaya kinakampihan mo. Tama lang ang ginawa mo Sandy." Pagkukumbinsi sa akin ni Anya nang mapansin na na-Guilty ako.



"Tche!"




Umupu si Dennis sa Swivel chair ko at nagpaikot-ikot roon. "Anak ni Sir Morales iyon, at Engineer ang kwinelyuhan mo Girl, kaya malamang na pag-uusapan ka ng karamihan dahil sa ginawa mo." Aniya habang panay ang pagpapaikot ng Swivel chair.




Nag-Guilty talaga ako sa ginawa ko kahapon. Hindi ko dapat 'yon ginawa. Nakakainis kasi! Sabihan ba naman akong desperada ng dire-diretso. Hindi ba siya nag-iisip? Gano'n ba kadali sabihin ang salitang 'Desperada' para sa tulad kong ito?





Madaling sabihin pero masasaktan rin ako. Kung sa tingin niya'y mukha akong desperada, Anong pakialam niya? E, asawa ko naman iyon at wala siyang pakialam! Sino ba siya inaakala niya?



Pero nag-Guilty talaga ako. Hindi ko dapat ginawa 'yon.



Nakuha ang atensiyon ko nang Maglakad na si Anya papunta sa Cubicle niya. Tumayo si Dennis habang hawak-hawak ang Sky blue 'Ulit' na tupper wear.



"Pangalawa na ito, hindi ka ba naiinsulto girl? Siya pa iyong nagbibigay sa'yo." Napapairap na aniya.


"Akin na lang ulit—"


Aakmang maglalakad na ito, agad kong hinablot ang Sky blue na tupper wear sa kamay niya.



"Umalis ka na nga!" Mahinang sigaw ko sa kanya. Napairap siyang muli at padabog na naglakad sa Cubicle niya.


Pinagmasdan ko muna siyang makabalik sa Cubicle niya at maupu na sa Swivel chair. Napabuntong hininga ako habang Pinagmamasdan ang Tupper wear.



May notes na naman. Napasinghap ako at agad iyong kinuha sa Takip ng Tupper wear. 



'Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko ito. Good Morning.'



Agad akong nagpalinga-linga sa paligid nang mabasa ko ang nakasulat.

Bakit parang iba ang pakiramdam ko?
May kakaiba akong nararamdaman, hindi ko ito maipaliwanag. Binuksan ko ang Tupper wear at bumungad na naman sa akin ang halos hindi mapangalanan na pagkain.

Napaangat ako ng tingin nang mapansin ang pagbukas ng pintuan sa Opisina ni Sir. Agad na nagtama ang paningin namin ni Brylex, As usual ngumunguya ito ng bubble gum at nakangising nakapamulsa.


Kahit na naiinis ako sa kanyang ngisi dahil sa nagmumukha na siyang abnormal ay hindi ko parin maiwasan na ma-Guilty sa ginawa ko. Nangibabaw ang hiya at Guilty ko ngayon kaya wala akong panahon para mainis sa kanya.


Napayuko ako ata agad na tinabi ang Tupper wear sa gilid. Iniwasan ko ang tumingin sa kanya pero nabigo ako, kinindatan niya ako at naglakad papalapit sa akin.



That Heartless Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon