Kabanata 24

302 13 2
                                    

After that night, sa hospital... Para akong tangang nakatulala minsan. I'm very thankful kay Anya at Dennis, sa pag-aalaga nila sa akin dahil kahit papaano ay nakakalimutan ko ang lahat. hahanap lang ako ng pagkakataon na maaayos ko ang lahat ng gulong ito. I'm 2 months pregnant. Ang galing kasi palagi akong nakangiti at tila walang problemang nakatambak sa paligid.



Nag-resign ako sa kumpanya nina brylex Because i am hoping for my new life, to fix my self that was broken. Maraming nagbago sa akin pero dala lang iyon ng pagbubuntis ko dahil kahit kailan... Nandito parin ang pait ng kahapon ko. Masakit na mga alaala. Madilim na karanasan.

Noon gustong-gusto ko siya, Noon mahal na mahal ko siya, Noon ayaw ko siyang mawala, Noon natatakot ako sa kanya, Noon ayaw ko siyang mawala sa aking paningin, Noon ginagawa ko ang lahat para sa kanya, Noon nagtitiis ako sa kanya, Noon wala akong pagod na pagsilbihan siya, Noon ikamamatay ko ang mawala siya, Noon sa kanya lang umiikot ang mund ko pero ngayon... Nagbago na ang lahat dahil handa na ang sarili ko na malayo sa kanya.



Ito 'yong hinihintay ng mga kaibigan ko... Ng kapatid ko. Ang.. Ako mismo ang lumayo sa kanya. Ganito ba talaga kapag nagmahal ka? Ani nga nila "Sa una lang masaya" ganito pala ang pakiramdam na ikaw mismo ang hihiwalay sa kanya? Wow! Ang sakit sa pakiramdam!



Pinagsisisihan ko ba na pinakasalan ko siya? Hindi. Pinagsisisihan ko bang minahal ko siya? Hindi rin. Pinagsisisihan ko ba na iwanan na siya? Mas lalong hindi. Dahil kahit na galit na galit ako sa kanya ngayon, hindi ko  parin pinagsisisihan na naging asawa ko ang walang pusong Sean Malvis na iyon.


Pinangako ko sa sarili ko na palalakihin ko ang bata ng mag-isa dahil kahit na may ambag siya sa pagbuo nito ay wala akong pakialam.


Naisip ko no'n nang makauwi ako sa Condo ni Anya kinabukasan galing sa hospital, Kung tinuloy ko ang pagkitil ng buhay ko? Ano na kaya ang baby ko? 

"Ano sand? May want ka bang ipabibili?" Dennis asking me this while preparing his self.

Ganito lagi ang tinatanong niya sa akin kapag pumupunta siya rito araw-araw para sunduin si Anya papunta sa trabaho. Minsan kasi ay nagpapabiki ako ng mga kung ano-ano. Buti na lang. Buti na lang at may naipon ako kahit papaano.

But then... I remember Lolo Adolfo. Sa kanya ko yata na mana ang palaipon ng pera. Hobby niya ang mag-ipon ng pera kaya siguro ganito rin ang apo niyang si Sandy Ortega. Nakakatuwa.

Umiling lamang ako kay Dennis bilang sagot.

"Hello baby! Can you hear me? Aalis na ang tita Dennis at tita Anya mo.."

Natawa ako ng mahina niyang kinatok ang tiyan ko.


"Bakla! Ano ka ba? Late na tayo 'no!" inis na reklamo ni Anya.


"Sandy, Tawagan mo ako kapag may problema ka, okay?" Si Anya ulit.



Tumango lang ako sa kanya.



Nang makaalis sila ni Dennis ay tumambay muna ako sa Balkonahe. Timing ang pag-upu ko sa upuan nang may lumabas rin sa katapat ng balkonage ng condo ni Anya. Isang lalaki na nakasuot ng White t-shirt. Agad akong napahawak sa aking tiyan at doon ibinaling ang atensiyon nang unti-unti itong lumingon sa aking direksiyon.





Napansin ko ang matagal na paninitig nito sa akin kaya nagtaas ako ng tingin sa kanya. Ngumiti siya sa akin.



"You are pregnant?"


Hindi ko inaasahan ang magiging tanong niya sa akin kaya wala sa oras na napatango ako sa kanya. Hindi naman siya nakakatakot dahil gwapo ito at mukhang mabait ang ugali.



That Heartless Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon