Kabanata 15

330 7 0
                                    

Nakakunot noo kong sinulyapan si Cindy. Naghuhugas ito ng pinggan at nasa likuran naman niya ako, nakamasid lang sa kanya.



"Ate? Baka kung anon ang motibo niyan sa'yo ah!" Ani Cindy nang matapos sa paghuhugas.



Tamad ko siyang binalingan "Makakatikim siya ng Flying kick."



Natawa siya at umiling "Baka may gusto sa'yo 'yan..." tunog panunuksong aniya.



sinamaan ko siya ng tingin "Wala... Alam niyang may asawa ako 'no! At tsaka ang klase niyang lalaki ay alam kung hanggang saan lang siya sa akin. Kaya wag kang mag-isip ng kung ano-ano riyan."



Pinunasan niya basa niyang kamay gamit ang Laylayan ng Oversized T-shirt niya.




"Talaga? Ang ibig mo bang sabihin ay wala pang Asawa 'yon?" Salubong ang kilay na tanong niya. Hindi makapaniwala.




"Girlfriend nga wala, asawa pa kaya?"



Napangiwi siya.




"Siguro... Kaya hindi nagkaka-Girlfriend ay dahil Play boy siya!" aniya at diniinan pa ang salitang 'Play boy'



"Paano mo naman nasasabi 'yan?"



Awtomatiko siyang natigilan "Sa mukha niya. Gwapo kasi ang hitsura niya- I mean... Ang hitsura niya ay maihahalintulad sa Bad boy na Play boy, parang sa mukha niya ay marami na siyang napaiyak na babae na tila ba sa isang kindat niya lang ay maaakit ka na but yeah... Gwapo siya."


"How did you say that?"



Naga-gwapohan siya sa lalaking iyon?



Natahimik siya.



Limang segundo kong binasa ang ekspresyon niya "By the way, I-text mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong."

She nooded pero parang wala siya sa sarili niya.


"Naiinis ka ba kay Brylex? Kasi feeling close at nakakainis?" hindi ko mapigilan na tanungin siya.


Bahagyang tumaas ang gilid ng kanyang labi "Hindi naman masyado. Pero sana bawasan niya naman ang ngumisi, nakakapikon kasi."



Pagkatapos naming mag-usap ay agad na kaming tumungo ng Sala, naabutan namin ang dalawa na nag-uusap at nagtatawanan. Maya-maya pa'y pumaling ang ulo ni lolo sa amin nang mapansin kami.


"Sandy, apo... Saan mo ba napulot itong lalaking ito?" natatawang tanong ni lolo.



Kaya naman napatawa na rin kaming lahat. I can see the happiness on Brylex smile lalo na nang mapako ang tingin niya sa iba. Nag-iwas na lamang ako ng tingin at kunyari'y walang may nakita.


"Aba'y ngayon ko lang napansin na mas gwapo pala si Sean sa'yo pero gwapo ka rin!"



Napakamot ako sa aking sentido. Nahihiya ako sa mga biro ni lolo. Alam kong biro lang iyon, baka kasi masaktan si Brylex dahil gwapong gwapo rin kasi siya sa kanyang sarili.


"Kamukha mo nga si Matthew Mendoza noong binata pa ito," Nakangising ani lolo.


"Biro lang!" Natatawa ulit nitong ani.


Humalgapak naman ng tawa si Brylex dahil sa narinig.


"Pero totoo kamukha mo nga talaga si Matthew Mendoza... Slight lang."


Nauwi sa tawanan ang lahat.


Minsan pa ay nahuhuli ko ang mga palihim na tingin ni Brylex kay Cindy. Iba ang pakiramdam ko. Parang sa mga titig niya ang may kahulugan.


That Heartless Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon