Napasulyap ako sa kanya habang nagmamaneho. Ang kaliwang siko niya ay nakapatong sa bintana ng kotse, at tila problemadong nagmamaneho.
Ang kanyang buhok ay unti-unti ng nagiging magulo. Madilim ang mga matang nakatitig sa daan. Pinagmasdan ko ang Adams apple niyang umaalon.
Ang gwapo niya kahit na hindi pa siya maligo ng isang taon. He looks hot when he is driving. Just a little bit... ay malapit ng sulatan ng araw ang noo niya na 'Siya ang gwapong nilalang na iluluwa ng araw'
Agad na pumasok sa utak ko 'yung magkatabi kaming matulog. When He tried to put some pillows between us pero siya 'yung nakayakap ng mahigpit sa aking baywang habang mahimbing na natutulog sa tabi ko.
"Bwisit!" sigaw niya.
Halos mapasubsob ako sa agaran niyang pagpreno lalo na't hindi ako nakapag-seat belt. Hinawi ko ang buhok ko at agad siyang nilingon.
Hinampas nito ang manibela dagil sa inis, napapikit ako ng mariin habang pinagmamasdan siyang hinahampas ito.
"Sean? May problema ba-"
"Yes! Ikaw ang problema ko!" sigaw niya sa mukha ko.
Mag-aaway na naman ba kami? Are we going to argue before we got home?
"A-ano na naman ba ang ginawa ko?"
Tumawa siya, "Bakit ba kasi susulpot-sulpot ka sa buhay ko? binabaliw mo ako sandy. Get out!"
Gulat na napaawang ang labi ko sa panghuli niyang linyahan. Naatingin ako sa kanya, nagtatanong.
"Are you deaf? Labas!" sigaw niya ulit sa akin.
"Pero... Sean-"
Hindi niya ako pinatapos "Labas!"
Nagmamadali akong lumabas ng kotse. Isinara ko ang pintuan, binuksan niya ang bintana ng kotse sa parte kung saan ako nakaupu, sumilip siya mula roon.
"Mag-uwi ka mag-isa mo!" mariin na aniya.
Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Agad akong tumakbo patungo sa unahan ng kotse niya para pigilan ang pag-alis niya at dahil tempted ang salamin ng kotse niya ay hindi ko na siya makita.
Maya-maya pa'y biglang bumukas ang pintuan ng front seat, madilim ang kanyang mga mata na nakatitig sa akin ng diretso. Mabilis niya akkng tinungo.
"Umalis ka riyan!" nakatiim bagang nitong wika.
Umiling ako sa kanya "Please... Wag mo naman gawin 'to sa'kin." pagsusumamo ko.
Napansin ko sa paligid na ang mga sasakyan ay napapahinto para lang maki-tsismis.
"Get out of my way! You're embarrassing." Mariin niyang wika bakas ang inis sa mukha.
Hindi ko siya pinansin. Nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang kamay. Gulat na napatingin siya sa aking ginawa. Akala ko ay hahawiin niya ang kamay ko bagkos ay hinayaan niya lang ang pagpirmi ko roon at tinitigan lang ako.
Napasulyap siya sa aming paligid, Umigting ang kanyang panga at napapikit ng mariin.
"Sakay." utos niya.
Umaliwas ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Tumango ako. Unti-unting nawala ang pagsasalubong ng kanyang kilay, nauna siyang maglakad sa akin. Dapat ay iniwan niya na ako rito pero sa halip na gano'n ang gawin niya'y pinabalik niya pa ako. Pinabalik niya ba ako muli dahil nahihiya siya sa pagharang-harang ko?
BINABASA MO ANG
That Heartless Husband (Completed)
RomanceNang si Sandy ay makapasok sa High School, doon niya unang nakilala ang lalaking agad na nagpatibok ng kanyang puso. Kahit na unang kwento pa lamang ito ng kanyang Lolo tungkol sa lalaki, hindi na mawala sa kanyang isip at puso ang mga katangiang na...