Kabanata 29

344 14 4
                                    

Salamat jin (idk if this is your real name) pero na appreciate ko ito:>

Salamat jin (idk if this is your real name) pero na appreciate ko ito:>

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Todo ang iyak ko kagabi hindi ko nga alam kung paano ako nakatulog ng mahimbing na hindi nakakaabala kay Anya, Si dennis naman kasi ay hindi na natulog rito. Umuwi na sa tirahan niya. Nang makauwi kagabi ay sinalubong kaagad ako ni Anya, hinayaan  niya na lamang akong mag-drama buong magdamag.






Nagising na lamang ako nang marinig ko ang boses ni Anya na nakikipag-usap sa cellphone niya. Tumihaya ako at napapikit, sa unang pikit ko ay sumalubong kaagad sa akin ang mukha ni sean. Dinadala ako ng sarili ko na yakapin ito kahit na sa imahinasyon lamang.







Hindi ko alam kung may puwang pa ba talaga ako sa puso ni Sean? Hindi ko alam kung paniniwalaan ko pa ba siya sa sitwasyon namin ngayon. 






May kumatok  sa kwarto kaya dahan-dahon na akong bumangon sa higaan. Kinusot ko muna ang mata ko bago buksan ang pintuan. Dumapo ang aking paningin sa dala-dala ni Anya.






"Sean.. Gave it to you. D-do you want it or no?"







Ang aga niya naman.





Tumango ako "Kakainin ko 'yan."





Tumango rin siya at tila ba may gustong sabihin, ibinigay niya sa akin ang dala-dala niya. Hindi na siya nagsalita pa, Nag-aalangan ba siyang magsalita at magtanong sa akin? Isinarado ko ang pintuan ng kwarto. Binuksan ko ang laman ng paper bag at bumungad sa akin ang hindi ko na naman mapangalanan na mgapagkain. Ang tanging alam ko lang ay ang Toasted bread at ham.





Maaga akong nagligo at naglinis na rin ng kaunti sa kwarto. Nilibang ko ang sarili ko sa paglilinis ng kwarto. Natapos lamang ako ng alas dyes ng tanghali. Naabutan kong nagluluto si Anya kaya napatanong ako kung bakit hindi siya pumasok ng opisina. Aniya'y nag leave daw siya ng 2 days dahil may sakit raw siya.






"Si dennis nasa Cebu, Nag-offer kasi sir sa akin na mag-observe sa Cebu. tinanggihan ko, tinanggap naman ni bakla."






Hiniwa niya ang kalabasa. Umupu ako sa coffee table ng kusina. Tutulong sana ako nang pinigilan niya ako.





"May itatanong ka ba?" prangkang tanong ko.






Hindi nga siya nagpatumpik-tumpik at pinaunlakan talaga ako ng maraming tanong tungkol sa nangyari kagabi. Ikinuwento ko naman ang mga nangyari kagabi sa kanya.







"Buti na lang hindi niya sinuntok si brylex." Napapasinghap na aniya.





Inulunod niya ang kalabasa pagkatapos niya itong hugasan "Anong sabi ni Lolo madz?"





That Heartless Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon