Over
Today is Cindy's birthday. I can't imagine that how fast cindy grow. Hindi ko alam kung ano ang masasabi ko, napalaki siya ng maayos, kahit na wala na ang dalawa naming mga magulang.
Simula nang mawala ang mga magulang ko at tanging sina lolo' at ang kapatid kong si cindy na lang ang nasa buhay ko ay wala na akong ibang ginawa kung hindi ang patayin ang sarili sa lungkot.
Mapagod man o magkanda-kuba sa kaka-trabaho ay tiniis ko dahil hindi naman naging obligasyon ni sean na alagaan ako. Mapaaral ko lang ang kapatid ko at mabigyan sila ng pera at mapakain sila ng tatlong beses sa isang araw ay kaligayahan ko na ito.
Pinanood ko ang sarili ko sa suot na off shoulder dress. komportable ako ngayon sa suot ko. Ang totoo ay hindi eleganteng tingnan ang suot ko, hindi katulad ng iba, kahit na minsan ay nakakainggit ang ibang kababaihan ay hindi ko kailanman naisipan na maging sosyal sa pananamit
Naglagay lamang ako ng naghahalong kulay ng rosas at kahil na lip stick na nagbabagay sa aking labi. Hindi naman siguro nila ako ang papansin roon? Marami ang dadalo sa kaarawan ni Cindy lalo, ikinalulungkot ko nga lang na wala ako doon upang tumulong sa paghahanda ng kanyang selebrasyon. Naging abala ako sa pag-iisip sa mga problemang kinahaharap ko ngayon.
Lumabas ako sa kwarto na tinutulogan ko. Lumingon kaagad ang dalawa kong kaibigan nang marinig ang pagbukas at pagsara ko ng pintuan. Nakangiti ang mga ito habang sinusuri ang kabuoan ko.
"Girl, baka masilipan ka sa suot mong 'yan?" Naiiritang tanong ni Dennis sa akin.
Umangat ang gilid ng aking labi ng mapagtanto na mahaba naman ang suot kong dress. Alam ko naman na binibiro lang ako nito kaya inirapan ko na lamang ito upang matigil. Mas mukha pang elegante tingnan si Anya kaysa sa akin, Nginitian ko siya nang makitaan ang seryoso niyang mukha pagkatapos ay nilapitan ko ito.
"Naku! Bakit parang nakasimangot ka riyan? Anong problema Anya? tingnan mo ang kilay... Parang magsasabong na oh!" sabi ko sabay tawa pa. Kunyari ay hindi kinakabahan.
Natatawang nagsitingan kaming dalawa ni dennis sa isa't isa. Sabik na sabik na akong makita si lolo adolfo at cindy. Today, I want to spend my time for them... Gustong gusto ko silang makapiling habang buhay, kahit na alam ko na may hangganan rin ang lahat.
Katulad ni sean ay ayaw ko rin na mawala sila sa akin. Natanggap ko no'ng mawala ang dalawa kong mga magulang pero ang mawala sila... Siguro, ay ikamamatay ko rin.
"Sandy... Ano? Baka... May mangyayaring masama ngayon? Nag-aalala lang ako sa'yo at sa baby mo." Ani anya.
"Ano ka ba? walang may mangyayari! Tumigil ka na nga anya. Ready na si Sandy oh, tingnan mo." natatawang sabi ni dennis sa kanya.
Bumaling ako kay anya na ngayon ay napapasinghap na nakatingin. Tumango ako para kumbindihin siya na walang may mangyayari.
"How about lolo madz and sean? Baka nandoon rin sila?"
"Malamang anya! Wala ang mga 'yon. Hindi pupunta si lolo madz, alam mo naman na stress iyon sa apo niya at tsaka wala na bang hiya si sean? Kaya tumigil kana riyan!" Singhal ni Dennis sa kanya
BINABASA MO ANG
That Heartless Husband (Completed)
RomanceNang si Sandy ay makapasok sa High School, doon niya unang nakilala ang lalaking agad na nagpatibok ng kanyang puso. Kahit na unang kwento pa lamang ito ng kanyang Lolo tungkol sa lalaki, hindi na mawala sa kanyang isip at puso ang mga katangiang na...