Kabanata 2

427 14 0
                                    

"Of course, lolo! I love my wife, We sweared in front of the altar. We love each other hindi ba, sandy?"

Nangapa ako ng aking isasagot sa kanya. "O-oo, tama si Sean, lolo. You have nothing to be worry."

Nakangiti lang ang matanda sa amin tsaka nagbaba ng tingin sa magkasiklop naming mga kamay.

Tumango-tango siya "I see..." Aniya, hindi mapigilan ang ngiti sa labi.

Kinalas niya ang kanyang kamay sa akin humilig sa kinauupoan. Naramdaman ko na lamang na nakaakbay na ang braso niya sa likod ng aking inuupoan.

"Ah... by the way lo, Four pm kami uuwi—"
Hindi niya natapos ang sasabihin nang pangunahan na siya ni lolo madz.

"No. You will not go home, I've arranged your previous room, Sean." Wika ni lolo madz.

Binalingan ko si sean na nakasalubong na ngayon ang dalawang kilay. Naiinis na.

"But lolo, I have a work. Ako ang namamahala ng kumpanya ninyo—"

Nawala ang ngiti ni lolo madz. Inayos niya ang salamin niya tsaka diretsong napatingin kay sean.

"Are you saying na mas mahalaga pa ang trabaho mo kaysa sa lolo mo't asawa mo?" mariin na tanong ni lolo tsaka ako sinulyapan ng tingin.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagkuyom ng kanyang kamao. Sinisigurado kong naiinis ito sa presensiya ko dahil naririnig ko kung paano siya pagalitan ni lolo.

"Hindi naman sa gano'n—"

Hindi ulit siya pinatapos ni lolo madz sa pagsasalita "If so, be silent."

Nag-iwas ako ng tingin upang lisanin ang tila't mauuwi sa pag-aaway nilang dalawa.

Naplingon lamang ako sa aking katabi nang maramdaman ang pagtayo niya sa aking gilid.

"Where are you going, sean?" nagtatakang tanong ni lolo sa kanya nang aakma na siyang maglalakad.

"I will call my secretary." mahinahon pero bakas inis sa kanyang mukha.

Napasinghap si lolo at tumango na lamang. Inayos niya ulit ang kanyang salamin.

"Are you sure na nagsasama kayo ng mabuti, sandy?"

I stopped.

Napalunok ako sa agaran niyang tanong. Napalunok ako ng ilang beses hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ayaw kong magsinungaling ngunit ayaw ko ring mapahamak ang asawa ko.

"Opo..." Tanging sagot ko.

Tumango siya. Nakatitig siya sa akin, tila sinusuri o binabasa ang aking iniisip. Naningkit ang kanyang mga mata at napailing-iling.

"Gano'n talaga ang batang iyon. Sandy..." aniya at bigla akong tinawag sa pangalan ko.

Naagaw niya ang atensiyon ko at mas lalong tumitig pa sa kanya.

"Wag mong susubukan na intindihin si sean, kapag inintindi mo siya dahil mahal mo siya... Talo ka." Wika niya.

Sa mga sandaling ito ay hindi ko na magawa pang makatingin sa kanya. Para bang gusto niyang basahin ang nararamdaman at iniisip ko.

"Hija... Did I say anything bad? Bakit natahimik ka riyan?"

Napakamot ako sa aking sentido at pilit na iginuhit ang ngiti sa labi. Hinawi ko ang i-ilang hibla ng aking buhok papunta sa likod ng aking tainga.

"May iniisip lang po ako." sagot ko.

Hindi ba dapat ako magpapahalata? I need to pretend. Hindi dapat nila malaman na walang kwenta ang pagsasama namin ni Sean.

That Heartless Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon