Kabanata 01
Nang makababa kami sa kotse ay agad na siyang nauna at sinalubong ang lolo niya. Pinagmasdan ko lang siya habang nakangiting binati ang matanda.
Kanina'y nakaupo ang matanda sa isang couch at nagbabasa ng isang dyaryo sa malawak na balkonahe pero nang mahagip ng kanyang mga mata ang papasok na kotse sa kanyang malawak na Bakuran ay bakas ang kaligayahan.
Iiwas sana ako ng tingin nag bigla akong ituro't senyasan ng lolo niya na lumapit. Pilit akong ngumiti, hindi pa man ako nakakalakad papalapit sa kanila ay natagpuan ko na kaagad ang Matalim at madilim na mga ni Sean sa akin.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya, dahan-dahan akong naglakad patungo sa kanilang direksiyon.
"Hija, I'm happy to see you again..." bungad ng lolo nito sa akin.
Nagtaas ako ng tingin kay lolo at nginitian lamang siya, maya-maya pa'y naramdaman ko ang mainit na kamay ni sean sumakop sa aking baywang.
Para bang senyales ito ng "Let the game's begin."
Napabuntong hininga ako at pinilit na ngumiti ng hindi pilit para hindi mapaghalataan.
"Lo... Can we talk inside?" Si sean.
"Aba't Sige!" Masiglang sagot ng kanyang lolo.
Hindi parin mawala ang ngiti sa aking labi, Naunang maglakad si lolo sa amin. Bigla ay marahan niya akong hinawakan sa akin braso at tiim bagang na tinignan sa mata.
"Don't you ever tell lolo what's happening in our Fake relationship, sandy. I swear! Hindi mo magugustohan ang gagawin ko." matigas na babala niya sa akin.
Marahan niyang binitawan ang braso ko at nauna ng maglakad sa akin. Iniwanan akong naluluha at nasaktan.
Is this really love? The feeling that you love him but... he can't afford to love you. Binuhos mo ang pagmamahal at oras mo sa kanya pero siya binuhos niya ang pagmamahal at oras para kay Dhara.
Simula nang magpakasal kami ay minsan lang siya umuuwi sa bahay, kapag darating ang lolo ko't lolo niya ay doon lamang siya lumilitaw pagkatapos ay aalis rin.
Inayos ko ang aking sarili, napabuntong hininga ako tsaka mabagal na naglakad patungo sa loob. Sinalubong agad ako ng isang katulong na may ngiti sa labi.
Nahagip ng aking paningin ang dalawa sa Sala, nakaupo at nag-uusap. Hindi nila ako napansin kaya't imbes na pumunta sa direksiyon nila'y tinungo ko na lamang ang kusina.
"Ma'am sandy? Ano pong kailangan ninyo?" Isa sa mga katulong na abala sa pagluluto.
Napakamot ako sa aking batok at agad na tinungo ang isang Coffee table upang makaupo sa isang bakanteng upoan.
"Wala naman po." sagot ko.
Napatingin ako sa isang plastik na naglalaman ng Iba't ibang klaseng gulay.
"Lulutoin niyo po ito?" Agad na tanong ko.
Abala man sa kanyang niluluto ay nagawa parin niya akong lingonin ng mabilis at agad na tinuon sa niluluto ang atensiyon.
"Ay! Opo ma'am! Naku, kasi ang dalawang kasamahan ko naglilinis ng matutulogan ninyong mag-asawa mamaya."
Napamaang ako dahil sa sinabi niya, Anong sabi niya? Naglilinis ang dalawang katulong para sa matutulogan namin?
Totoo ba? Bakit dito kami matutulog? This can't be real! Never kaming natulog ng magkatabi.
"Ma'am? Ayos lang po ba kayo riyan?" maya-maya'y tanong niya.
BINABASA MO ANG
That Heartless Husband (Completed)
RomanceNang si Sandy ay makapasok sa High School, doon niya unang nakilala ang lalaking agad na nagpatibok ng kanyang puso. Kahit na unang kwento pa lamang ito ng kanyang Lolo tungkol sa lalaki, hindi na mawala sa kanyang isip at puso ang mga katangiang na...