"Hija, I need your husband. Kailan ba uuwi ang batang iyon?" Napapasinghap na tanong ni lolo madz sa kabilang linya kinaumagahan.
Patungo na ako sa Opisina nang tumawag si Lolo madz sa akin. Nangapa ako ng isasagot kay lolo. Kailangan kong lunokin lahat ng kasinungalingan ko.
"Lolo, M-malapit na raw po siyang umuwi..."
Pinakititigan ko ang Screen ng Cellphone nang matapos ang pag-uusap namin ni lolo Madz. Kapag ba dumating ang oras na malalaman nila ang tungkol sa amin ni Sean, ano kaya ang magiging reaksiyon nila ni lolo Adolfo?
Napailing-iling ako bago tumungo sa aking Cubicle. Nakita ko na agad ang dalawa kong kaibigan roon. Panay ang
Pag-uusap nila at hindi mapakali ang mga bibig.Nagtama ang mga mata namin ni Dennis, Inginuso niya ako kay Anya dahilan upang mapabaling ito sa akin. Sinalubong nila ako ng ngiti kaya nagtataka naman ang mga mata ko sa inaasta nila ngayon.
Maya-maya pa'y bumaba ang titig nila, tila Sinasabing bumaba rin ako ng tingin para tingnan kung ano ito. Tumaas ang kilay ko at dahan-dahan na ibinaba ang tingin.
Ang kaninang kilay na nakataas ay unti-unting bumaba nang makita ang nasa harapan. Tupper wear na kulay Sky blue, at may notes na nakadikit rito. Kumunot ang noo ko sa nakita.
"Kanino galing 'to?" Wala sa emosyon na tanong ko.
Nagkatinginan sikang dalawa at nagkibit balikat lang sa akin.
"Hindi sinabi ng nagpadala... Nahihiya raw..." wika ni Dennis at pilit na tinatago ang kilig sa bibig.
Binuksan ko ito, tumambad naman sa aking harapan ang hindi pamilyar na pagkain. Pang-mayaman na pagkain at ngayon ko lang ito nakita.
"May secret admirer ka pala?" Kinikilig na ani Anya.
"Ewan," tanging na sagot ko lang.
Nginuso ni Dennis ang Takip ng Tupper wear. Alam ko ang ibig niyang sabihin.
"Hindi namin binasa kasi para sa'yo 'yan e," Si Anya habang nakangisi.
Agad kong binasa ang nasa Notes na nakadikit "I'm sorry..."
Isa lang ang pumasok sa isip ko...
Naiwan sa ere ang aking kamay nang biglang agawin sa akin ni Dennis ang Notes.
"I'm sorry?" Nagtatakang wika ni Dennis.
Inagaw naman ni Anya kay Dennis ito. Nanlilisik angkanyang mga mata na binasa ito tsaka gigil na gigil na bumaling sa likuran ko.
"Parang alam ko na yata kung sino ang nagbigay sa'yo nito." Seryosong ani Anya na nasa likuran parin ang paningin.
Kumunot ang noo ko dahil sa umuusok na ilong niya. Sa hitsura niya ay galit na galit at hindi mo man lang mahawakan kahit dulo ng kuko niya.
Sabay kaming bumaling ni Dennis sa likuran. Guess what... Isang nakangising— hindi ko malaman kung saan parteng nilalang nanggaling ang isang ito.
Dire-diretso itong naglalakad sa harap namin, bawat lakad nito ay binabalingan niya kaming tatlo. Mayabang ang pagmumukha lalo na ang ngisi niyang nakakaloko. Ngisi pa lang ay maiinis kana paano pa kaya kapag tumawa na?
Nang makahinto sa Pintuan ng Opisina ni Sir ay lumingon ulit ito sa amin. Maya-maya pa'y may inilagay ito sa kanyang bunganga na ikinanguya niya kung hindi ako nagkakamali, bubble gum ang nginunguya niya. Ngumisi siya tsaka kumindat.
BINABASA MO ANG
That Heartless Husband (Completed)
RomanceNang si Sandy ay makapasok sa High School, doon niya unang nakilala ang lalaking agad na nagpatibok ng kanyang puso. Kahit na unang kwento pa lamang ito ng kanyang Lolo tungkol sa lalaki, hindi na mawala sa kanyang isip at puso ang mga katangiang na...