"Here we are!"
Nasapo ko ang aking noo nang maramdaman ang unti-unti kong pag-idlip, hindi pa man ako nakakalabas ng sasakyan ay para na akong pinipigilan ng aking mga paa na wag maglakad papalabas. Abala 'kuno' ako kunyari sa paghahagilap ng bagay sa aking bag. Nang mainip ay nagpasya na akong bumaba ng sasakyan. Napasinghap ako, narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng sasakyan.
Humarap ako bigla, "Salamat sa paghatid mo sa akin," hindi naman ako makatingin sa kanya.
Ngumiti siya ng loko-loko.
kaya naman ay napairap ako sa kawalan. Nanatili siyang nakatayo, ang kanyang mukha ay hindi na maipinta ngayon dahil parang may kung anong pinakikiramdaman ito. Tumaas ng isang beses ang aking kilay. I was about to ask him when i heard the familiar voice of Cindy.
"Ate!"
Napalingon kaagad ako kay Cindy na kakababa lang ng Tricycle at naka-ponytail pa ang buhok.
Huminto siya sa paglalakad nang lumipat ang kanyang paningin sa aking kasama. Napairap siya at agad akong tinungo para sa mabilisang yakap."Bakit kasama mo na naman 'yan?" Mahinang tanong niya nang yumakap sa akin.
Nang kumalas siya sa pagkakayakap ay pinandilatan ko siya ng mata. Maya-maya pa ay biglang sumingit si Brylex,
"Ahmm.. Can i use your Cr?"
Nang lingonin ko si Cindy ay umapila na kaagad ang kanyang mga titig.
"Bakit?" Mataray na tanong ni Cindy rito.
Tumikhim ako.
"Sure! tara-" hindi ko na natapos ang aking sinasabi nang sumingit naman si Cindy, nauna na itong maglakad sa amin.
Dahil sa hiya ay parang gusto ko na lang na magpalamon sa lupa, hindi ko alam kung bakit ganto nila pakatungohan si Brylex. Sa bagay ay mukha itong abnormal. Nang magsimula kaming maglakad ay Awtomatiko akong napatigil nang matanaw si Sean sa itaas ng balkonahe, Malayo man ay natanaw ko ang paglagok nito sa basong hawak niya at biglang tumalikod upang maglakad papasok. Parang gustong umatras ng mga paa ko dahil sa kung anong kakaibang nararamdaman ko.
Nakuha lamang ang atensiyon ko nang bumaling sa akin si Brylex na may pagtataka sa kanyang mukha,
"Good evening dude," Bati ni Brylex kay Sean.
Tumango lamang si Sean, hindi interesado sa lalaking kaharap. Lumipat ang kanyang paningin sa akin, Napalunok naman ako ng sabay-sabay. Mabilis na pinaningkitan niya ako nang titig bago ibaling muli ang paningin kay Brylex. Ako lang ang nakakita no'n dahil sa sobrang bilis.
"Ano?" Ani Sean, tunog naghihintay.
"Can i use your Cr guys?"
Sean smirked "Go ahead,"
Bumaling naman si Sean kay Cindy "Cindy, ituro mo sa kanya kung nasaan ang cr."
Agad na naglakad si Cindy, Suplada. Hindi man lang sinabihan na sumunod na si Brylex sa kanya. Nang dalawa na lamang kami ni Sean ay hindi ko maiwasan na mailang, lalo na't namayani ang katahimikan sa loob ng bahay.
Nilingon ko si Sean, Pinakatitigan ko ang seryoso niyang mukha. Ayaw niya sa lahat iyong hinahawakan ang mukha niya, kahit dapuan ng magandang paru-paru ay ikinagagalit niya. Gusto kong pasadahan ng aking daliri ang nakakunot niyang noo, ang matangos niyang ilong, at ang mapula niyang labi pero paano ko gagwin iyon? Pinagmasdan ko ng mabuti ang mas lalong pagkunot ng kanyang noo at dahan-dahan na pagbaling sa akin.
BINABASA MO ANG
That Heartless Husband (Completed)
Roman d'amourNang si Sandy ay makapasok sa High School, doon niya unang nakilala ang lalaking agad na nagpatibok ng kanyang puso. Kahit na unang kwento pa lamang ito ng kanyang Lolo tungkol sa lalaki, hindi na mawala sa kanyang isip at puso ang mga katangiang na...